Naniniwala si ACT- CIS Partylist Rep Jocelyn Tulfo na swak o bagay si dating NBI Director Dante Gierran sa posisyon nito bilang bagong President and CEO ng Philhealth.
Sinabi ni kay Tulfo na ang karanasan at kaalaman ni Gierran bilang abogado, certified public accountant at imbestigador ay masusubok sa kaniyang bagong puwesto sa Philhealth.
Ayon kay Tulfo, matindi ang kakaharaping hamon ni Gierran sa Philhealth dahil haharapin nito ang mga masasamang tao sa ahensya na kabisadong- kabisado ang laro kung paano pinaiikot ang korporasyon sa loob.
Sa pagpasok ng bagong liderato sa Philhealth, umaasa ang mambabatas na magpapasok rin ng 'highly qualified specialists' ang bagong liderato para tunay na malinis sa bahid ng korporasyon ang state insurance company.
Giit ni Tulfo, dapat makapasok sa Philhealth ang mga betarano at bihasa sa actuarial analysis, investments finance, public finance, at forensic accounting na magiging katuwang ni Gierran para malinis ang kumpanya.