Pinabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kumakalat na balitang ni-reject diumano ng Kamara de Reprentantes ang franchise application ng ABS-CBN Corporation para siya ay maka-panatili ng mahaba sa kanyang kapangyarihan.
Sinabi ni Cayetano sa isang panayam na siyento porsento daw na mali ito at kung sino man ang nais mag-akusa, mata sa mata, magpapa-lie detector test daw sila at kung sino ang matalo sa lie detector test ay tumigil na sa kanyang propisyon.
Mariing sinabi ng lider ng Kamara na hindi siya gumawa ng kasunduan kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ABS-CBN issue.
Ayon sa kanya, ang commitment lang daw niya sa pangulo ay magkaroon sila sa Kapulungan ng isang patas na hearing at mag-decide kung ano ang pinaka-maganda para sa ating bansa.
Bago mag-umpisa ang 18th Congress noong July 2019, inanawons ni Pangulong Duterte ang term-sharing deal sa pagitan ni Cayetano at ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco.
Batay sa kasunduan, si Cayetano ay Speaker sa loob ng 15 buwan o hanggang sa Oktubre ng kasalukuyang taon, habang si Velasco naman ay uupo sa posisyon ng Speaker para sa nalalabing 21 buwan.