Monday, March 02, 2020

Aminin na lamang ng kampo ni Velasco ang diumano’y tangka nilang ouster plot, ayon kay Rep Villafuerte

Hinamon ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ang kampo ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na umamin nalamang sa tangka nilang ouster plot laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos aminin ni Cayetano kamakailan na may namonitor itong pananabotahe sa national budget at sa ilang committee chairmanships sa Kamara mula sa kampo ni Velasco para siraan ang kasalukuyang liderato ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Villafuerte, may hawak silang mga ebidensya at testigo na magpapatunay sa "coup plan" ng kabilang kampo laban sa House Speaker.

Iminungkahi naman ni Villafuerte na sana ay idaan na lamang sa high level talks kung mayroong problema ang kampo nina Velasco sa 15/21 term sharing agreement dahil natitiyak ng kanilang kampo na susundin nila ang kasunduan na ginawa ni Pangulong Duterte.

Kung pagbabatayan ang term sharing agreement, bababa na sa pwesto si Cayetano sa Oktubre ngayong taon at papalit sa kaniya si Velasco bilang House Speaker.