Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez, ang Joint Resolution na magpapalawig sa buhay ng 2019 budget na aabot hanggang December 31, 2020 at ang bill na nagsusulong na ipagpaliban ang May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan elections na planong isagawa sa 2022 ay ang dalawang panukalang target nilang maipasa.
Ayon kay Romualdez, plano rin ng Kamara na bilisan ang pag-apruba sa nakabinbing Roint Resolution ukol sa rice subsidy na nakapaloob sa P3.757-Trillion National Budget na gagamitin sa pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Ang naturang pahayag ni Romualdez ay sinegundahan naman ni House Deputy Speaker at Batangas Rep Raneo Abu ng kanyang sinabi na marami silang magiging trabaho pagkatapos ng session break.
Ayon kay Abu, sinabi nga ni Majority Leader na pipiliting ipasa ngayong araw na ito yung sa extension ng ating barangay elections from supposed to be may 2020 na gagawin nang Dec 2022 at yung extension ng validity ng 2019 budget na dapat matatapos ngayong Dec 2019, ie-extend yong validity hanggang Dec 2020 so yang dalawang yan umano ay pipilitin nilang ipada sa Senado ngayong araw after approval on 3rd reading.
Nauna rito, 18 panukalang batas na ang naipasa ng kamara sa 3rd reading simula ng pagbukas ng 18th Congress na kinabibilangan ng 2020 national budvet, tax measures, amiyenda sa Foreign Investment Act of 1991 at iba pa.