Ikinabahala ng isang mamababatas ang diumano’y GCTA for sale sa BuCOr ng mga opisyal nito na sangkot sa katiwalian na ayon sa kanya ay dapat papanagutin
Nangangamba si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na posibleng talamak na ang GCTA for sale transaction sa loob ng Bureau of Corrections o BuCor.
Ito ay kasunod sa umano’y pagkakasama ng pangalan ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa listahan ng mga posibleng makalaya sa ilalim ng GCTA.
Sinabi ni Go Yap na hindi sapat na matanggal lamang sa serbisyo ang mga tiwaling opisyal nito kaya nararapat lamang aniya na patuloy na gumulong ang pagdinig sa kontrobersiyang kinakaharap ng BuCor.
Kaugnay dito, maghahain ang mambabatas ng isang panukala na amiyendahan ang Article 97 ng Revised Penal Code at RA 10592 na layong mag takda ng mga pamantsyan sa pagbibigay ng good conduct time allowance sa isang convicted criminal.
Tiniyak ng mambabatas na patuloy nilang babantayan ang anumang uri ng pag-abuso sa batas tulad ng GCTA.