Isasalang na sa plenaryo ng Kamara ngayong araw na ito ang proposed P4.1 Trillion pesos na pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ito'y matapos lumusot kahapon sa isinagawang executive session ng House Committee on Approriations ang House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Batay sa itinakdang iskedyul ng Kamara, umpisa ngayong araw ay sisimulan na ang sesyon sa plenaryo mula ala 1:00 ng hapon, ito ay upang bigyang daan ang masusing pagbusisi sa naturang panukala.
Samantala, aabutin naman ng dalawang Linggo ang gagawing budget debates sa pulwagan bago ito maaprubahan sa Ikalawa at Ikatlong pagbasa.
Kaugnay dito, umaasa ang liderato ng Kamara na maipapasa nila ang 2020 budget bago mag recess ang Kamara de Representantes ng Kongreso sa a4 ng Oktubre.