Sinabi ni CWS Partylist Rep. Romeo Momo, na siyang nagsilbi bilang Undersecretary sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mahabang panahon, dapat na bid-out na ang 90-95 na porsyento ng mga proyekto sa ilalim ng DPWH bago o sa mismong petsa na December 31, 2019.
Ayon kay Momo, mainam na masunod ang projection dahil pagkatapos na mapirmahan ng Pangulo ang General Appropriations Bill, agad na maisasagawa ang awarding of contract sa mga project contractors at agad naring masisimulan ang lahat ng mga infrastructure projects sa bawat distrito.
Matatandaang naapektuhan ang government spending ngayong taon sa mga infrastructure projects matapos matalagan ang Kongreso na mapapirmahan kay Pangulong Duterte ang pambansang pondo dahil sa isyu ng pork barrel.
Samantala, sang-ayon naman ang mambabatas sa planong pag-oovertime ng kamara para talakayin sa plenaryo ang 2020 General Appropriations Bill kahit pa ma-extend ang sesyon hanggang sa araw ng Biyernes.
Sa huli, target ng Kamara na maipasa sa third and final reading ang 2020 spending bill bago ang kanilang October 4,2019 deadline.