Friday, August 16, 2019

Pagkakaroon ng hustisya sa mga nabiktima ng Ampatuan Massacre sampung taon na ang nakakaraan, inaasahan


Umaasa si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael "Toto" Mangudadatu na magkakaroon ng hustisya ang lahat ng mga nabiktima ng malagim Ampatuan Massacre sampung taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Mangudadatu na nawalan ng mga mahal sa buhay sa massacre, mabibigyan lamang ng hustisya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima kapag kinatigan ng korte ang kasong nakasampa laban sa 197 akusado. 

Ani Mangudadatu, kung "guilty" ang hatol ng korte sa mga suspek, magbibigay daan ito para sa kapatawaran mula sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Sa ngayon ay binigyan lamang ng hanggang ngayong araw (August 15, 2019) ng korte ang lahat ng sangkot sa krimen na magsimute ng kanilang memoranda o final position paper bago ipalabas ang hatol.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na posibleng maipalabas ang hatol sa Ampatuan Massacre case bago sumapit ang 10th Anniversay nito ngayong Nobyembre.