"Kung talaga pong gusto nila
akong kasuhan ng ethics complaint sa [House] ethics commitee, sa kanila na po
iyan. Iyun talaga ang hazard ng pagtayo sa isang paniniwala o prinispyo,"
ani Alejano sa panayam ng DZMM, Martes.
Sa pagdinig nitong Lunes, nagbabala
si House Majority Leader Rodolfo FariƱas na maaaring maharap sa kaso si Alejano
dahil sa paggamit ng hearsay evidence kanyang reklamo laban sa Pangulo.
Ito rin ang dahilan ng House
justice committee sa pagdeklara sa impeachment complaint bilang insufficient in
substance.