Ang
sinabing mga sinuspindeng mga klinika ni Health Secretary Paulynn Jean Ubial ay
iniimbestigahan dahil ang mga ito ay umano’y nagkakaroon ng monopolyo sa
pagsasagawa ng pre-employment medical examination para sa mga migranteng
manggagawang patungo sa Kuwait.
Hiniling
ni Ubial kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III
na ipatigil agad ang pagpapadala ng mga migranteng manggagawa para sa
pre-employment medical examination sa walong klinika.
Ayon sa
sulat ni Ubial, kabilang sa mga klinikang ito ang Abakkus Medical Diagnostic
Services na nasa Palanan, Makati City habang ang pito pa na pawang nakabase sa
Malate, Manila ay ang Agoncillo Medical Clinic, Ruben Bartolome Clinic, Global
Medical Clinic, Orion Medical and Diagnostic Center, Our Health Medical and
Diagnostic Center, Our Lady of All Nations Laboratory, at San Marcelino Medical
Clinic.
Si Acts-OFW
Rep Aniceto Bertiz ang nagbigay sa mga reporter ng mga kopya ng sulat ni Ubial.
Pinaiimbestigahan
din ni Bertiz ang iligal na koleksyon umano sa mga migranteng manggagawa ng
Winston Q8 Certification Solution na ang may-ari umano ay si Aldhafiri.