Thursday, September 08, 2016

Aprubado na sa Kamara ang P2,000 across-the-board na pagtaas ng SSS pension

Mabilis na naaprubahan ng House committee on government enterprises and privatization an may labing-anim na mga panukala, lahat ay may layuning magbigay ng dalawang libong pisong across-the-board na pagtaas ng buwanang pensiyon sa loob ng Social Security System na may kaakibat na adjustment sa minimum monthly pension.

Inaprubahan ng committee na punamumunuan ni Rep Jesus Sacdalan ng North Cotabato ang mga bill na mag-aamiyenda sa Section 12 ng RA 1161, as amended, na kilala sa katawangang Social Security Act of 1997

Aabot sa dalawang milyon ang kasalukuyang mga pensioner at mga darating pang pensioner at kanilang mga pamilya ang makikinabang dito sa naturang panukala.

Ang panukalang amiyenda sa nabanggit na batas ay magbibigay ng minimum monthly pension na P3,200 sa mga miyembro na at least may sampung credited years of service at P4,400 para sa may dalawampung credited years of service.

Sa kasalukuyan,, ang batas ay naggagawad ng minimum monthly pension na P2,400 lamang para sa may 20 crideted years of service.

Nagka-isa ang mga miyembro ng naturang komite na aprubahan ang committee report ng 16th Congress na nag-consolidate ng iba’t ibang mga proposal na magbibigay ng P2,000 across-the-board SSS mnthly pension para matulungang ma-fast-track ang enactment ng pension proposal ngayong 17th Congress.

Inaprubahan ng Kamara at ng Sendo ang ganitong proposal noong 16th Congress ngunit ito vinito ito ni Dating Pangulong Aquino.