Friday, March 28, 2008

PRICE ACT, DAPAT NANG REPASUHIN

UPANG MAPAIGTING ANG AKSIYON NG PAMAHALAAN LABAN SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT BIGAS, NANAWAGAN KAHAPON SI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES PARA REBYUHIN ANG RA 7581 NA KILALA SA KATAWAGANG PRICE ACT PARA SA POSIBLENG PAGPAPATAAS NG PATAW NA PARUSA SA HOARDING AT PROFITEERING.

SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA DAPAT LAMANG REBYUHIN ANG NABANGGIT NA BATAS UPANG MALAMAN KUNG PAPAANO MA-DISCOURAGE KUNG HINDI MAN TULUYANG MAPUKSA NA ANG ILEGAL NA PAGMAMANIPULA NG MGA PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN LALU NA SA PANAHON NA ANG GOBYERNO AY KUMAKAHARAP SA PATULOY PA RING PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT BIGAS.

AYON PA SA KANYA, MABABA LAMANG UMANO ANG PARUSA SA KASALUKUYANG BATAS PARA SA MGA TAONG LUMABAG SA ILLEGAL NA PRICE MANIPULATION NG MGA BASIC COMMODITY NA PAGKAKAKULONG NG LIMA HANGGANG LABINGLIMANG TAON NA MAY KAAKIBAT NA PENALTY NA LIMANG LIBO HANGGANG DALAWANG MILYONG PISO LAMANG.

DAPAT LAMANG UMANONG PAGARALAN NG KONGRESO KUNG PAPAANO DAGDAGAN PA NG NGIPIN ANG BATAS UPANG MADISCOURAGE ANG MGA TRADERS NA MAGSAGAWA PA NG PARICE MANIPULATION AT TULUYAN NANG MAPUKSA GANITONG ILEGAL NA GAWAIN.