MAAARING SI SEN JAMBY MADRIGAL AY NAGMAMAANGMAANGAN LAMANG O DILI KAYA AY SIMPLENG KULANG LAMANG ITO NG COMPREHENSION SKILLS UPANG TUMAAS ANG GALIT NITO HINGGIL DOON SA NAGING DESISYON NG COMMISSION ON APPOINTMENTS O CA NA APRUBAHAN ANG 24 NA MGA ARMY AT NAVY GENERALS AT COLONELS NOONG NAKARAANG LINGGO.
ITO ANG NAGING REAKSIYON NI AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA, ISANG MIYEMBRO RIN NG CA, HABANG KANYANG HINAMON SI MADRIGAL NA I-PRUWEBA ANG KANYANG SINABING ANG HOUSE CONTINGENT SA CA AY ISANG MAFIA AT ITO AY NASUSUHULAN UPANG AKSIYUNAN ANG MGA APPOINTMENT NG MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN NA DUMADAAN SA KOMPIRMASYON NG CA.
SINABI NI PLAZA NA MASYADONG IRESPONSABLE UMANO ANG NAGING AKUSASYON NI MADRIGAL NA MAAARING SIYA AY NAGMAMAANGMAANGAN LAMAMNG PARA MAYROON SIYANG RASON NA MAKIPAG-AWAY SA IBA PANG MGA MIYEMBRO NG CA AT MAPANSIN NG MEDIA O DILI KAYA AY KULANG LAMANG SIYA SA PAG-IINTINDI SA MGA PANGYAYARI SA LOOB NG CA NOONG NAKARAANG MIYERKULES
NAG-REAK SI PLAZA SA NAGING ALEGASYON NI MADRIGAL SA ISANG RADIO INTERVIEW NA ANG HOUSE CONTINGENT SA CA AY UMAASTA DIUMANONG PARANG ISANG MAFIA AT ANG MGA KOMPIRMASYON AY "ON A PAY PER PROMOTION" BASIS.
SINABI NI PLAZA NA INAANTABAYANAN LAMANG UMANO NIYA NA MAG-OBJECT SI MADRIGAL NOON SA MOSYON NIYANG APRUBAHAN ANG KOMPIRMASYON NG 24 NA MGA MILITARY OFFICIALS NGUNIT HINDI NAMAN NITO GINAWA ANG PAGHADALANG SA KANYANG NAGING AKSIYON.
IDINAGDAG PA NI PLAZA NA PARANG SINADYA UMANO NI MADRIGAL NA HINDI MAG-OBJECT PARA LAMANG ITO MAGKAROON NG RASON NA BATIKUSIN ANG DESISYON NG PLENARYO.