Sunday, August 11, 2024

 RPPt 5 chairman iniugnay mataas na rating ni Speaker Romualdez sa walang kapagurang imbestigasyon ng Kamara


Iniugnay ng limang chairman ng komite ng Kamara de Representantes ang mataas na performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagiging bukas nito sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


Kasabay nito ay nagpasalamat sina Reps. Robert Ace Barbers (Surigao del Norte), Dan Fernandez (Sta. Rosa City), Joseph Stephen “Caraps” Paduano (Abang Lingkod Partylist), Bienvenido Abante (Manila), at Romeo Acop (Antipolo City) sa mga Pilipino sa kanilang suporta sa lider ng Kamara.


Ang lima ay bahagi ng quad committee na magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng kaugnayan ng pagpasok ng imported na shabu, extrajudicial killings at human rights violations at iligal na operasyon ng Philippine offshore gambling operators (POGO).


“Congratulations to Speaker Martin for gaining 16 points increase in his satisfaction rating. This only proves that truly in his steering of the House, he follows the dictum of ‘action speaks louder than words’. No politics, no non-sense in the bills passed, no let up in the inquiries conducted by the committees and no sacred cows or special treatment to anyone. Ito ay trabaho lang walang personalan. Ramdam ng taongbayan ang trabaho ng Kongreso ngayon bagamat maraming bumabatikos ngunit hindi mababago ang direksyon na ihatid ang serbisyo  ng gobyerno sa tao at gawing layunin ang tunay na pagbabago sa ilalim ng bagong Pilipinas,” ani Barbers, chairman ng Committee on dangerous drugs.


“Sa direksiyon ng House leadership, patuloy ang aming imbestigasyon sa drug trafficking at sa mga drug syndicate para mahinto ang salot na ito sa ating lipunan,” dagdag pa nito Barbers.


Sinabi naman ni Fernandez, chairman ng Committee on public order and safety na ang quad committee na ang siyang mag-iimbestiga sa iba’t ibang natuklasan kaugnay ng operasyon ng iligal na POGO at mga krimen na may kaugnayan dito.


Ayon kay Fernandez nabahala si Speaker Romualdez sa mga krimen na dala ng iligal na operasyon ng POGO gaya ng kidnapping, money laundering, at human trafficking.


“What was more alarming is that these illegal activities involved Chinese nationals, though some of the victims are our own compatriots,” dagdag pa ni Fernandez.


Natuklasan ng Committee on public accounts na pinamumunuan ni Paduano ang paggamit ng mga Chinese national ng mga pekeng dokumento upang makapamili ng mga lupa at makapagtayo ng mga negosyo sa bansa.


“We should stop these activities before they cause more harm on our nation and people,” sabi pa nito.


Iginiit naman ni Abante, chairman ng Committee on human rights, ang kahalagahan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng EJK at paglabag sa karapatang pantao.


“We have to render justice to the victims and their families, and exact accountability on those responsible for the senseless killings and human rights violations,” sabi pa nito.


Malaki naman ang naging papel ni Acop, chairman ng Committee on transportation at vice chairman ng committee on dangerous drugs sa pagtuklas ng mga iligal na ginagawa ng mga Chinese nationals.


Iginiit ni Acop ang kahalagahan ng oversight function ng Kamara upang maibsan ang pang-aabuso at matuloy ang mga kabiguan ng gobyerno.


Sa pinakahuling survey ng SWS na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 53 porsiyentong satisfaction rating mas mataas sa 37 porsiyentong naitala nito sa survey noong Marso. Bumaba naman ng dalawang puntos ang kanyang dissatisfaction rating at naging 22 porsiyento. (END)