Kaisa si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante sa mga sumusuporta sa tuluyang pagbabawal ng POGO o Philippine offshore gaming operator companies sa bansa.
Bilang matagal nang anti-gambling advocate naniniwala si Abante na ang pagkakasangkot ng mga POGO employees sa iba’t ibang krimen at sapat nang dahilan upang ipagbawal ang operasyon nila sa bansa.
Tinukoy pa nito ang naging pahayag kamakailan ni Finance Sec. Benjamin Diokno kung saan ipinunto nito na maliit na nga ang kinikita ng bansa sa POGO, lumalaki naman aniya ang perswisyo na dulot nito.
Dagdag pa ni Abante, lugi ang pamahalaan dahil ginagamit ang ating government resources para tugunan ang mga POGO-related crimes tulad ng kidnapping.
Bukod pa ito sa posibleng pag-iwas ng mga investors sa bansa dahil sa takot dulot ng naturang mga krimen.
Noong 18th Congress, inihain ni Abante ang an Anti-POGO Act of 2020, na magbabawal sana sa anomang uri ng online games of chance o sporting events gamit ang internet para sa offshore players sa loob ng bansa.
"If that is the case, then we may end up losing more revenue than we earn, especially if these kidnapping incidents scare off investors who are thinking of bringing their businesses to the country. That is why I am not surprised that the President is seriously considering banning POGO firms, because even he sees the downsides of allowing these gambling operations in the Philippines." saad ni Abante.