Wednesday, July 06, 2022

MGA GAWAIN AT PROSESO NG KOMITE, IBINAHAGI SA MGA BAGONG HALAL NA MAMBABATAS

Ibinahagi ngayong Martes sa mga bagong halal na mambabatas ng ika-19 na Kongreso na kalahok sa tatlong araw na oryentasyon sa lehislasyon, ang mga gawain at proseso sa lehislasyon ng iba't ibang Komite sa kanilang pagdalo sa ikalawang araw ng Executive Course on Legislation. 

Itinuro ni Quezon Governor Dr. Angelina Tan, M.D., na naging tatlong terminong Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Quezon at dating tagapangulo ng Komite ng Kalusugan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, noong Ika-17 at Ika-18 Kongreso, ang mahahalagang payo sa paggawa ng batas.  

Tinalakay ni Tan ang tungkol sa iba't ibang Komite, at nilinaw ang pagkakaiba ng mga pangunahing Komite, espesyal at Ad Hoc, o pansamantalang Komite sa Kapulungan ng mga Kinatawan.  

Komprehensibo ang naging pagtalakay niya hinggil sa Committee on Rules, na kaniyang inilarawan bilang isang Komite na may hurisdiksyon sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa Rules of the House, Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation, Rules of Procedure in Impeachment Proceedings, Order of Business, Calendar of Business, pagtatalaga ng mga panukalang batas, mga resolusyon, mga talumpati, mga ulat ng Komite, mga mensahe, mga alaala at mga petisyon, gayundin ang pagbuo ng mga Komite kabilang na ang pagtukoy sa kani-kanilang mga hurisdiksyon. 

Maliban sa taglay nitong likas na kapangyarihan, binigyang-diin din niya na bilang karagdagan dito, ang Committee on Rules, bagama't isa sa mga pangunahing Komite, ay "primus inter pares" o "first among equals."  

Tinalakay din ni Tan ang mga probisyon ng House Rules ng Ika-18 Kongreso, lalo na sa mga tungkulin ng mga Komite. Inirekomenda din niya sa mga kalahok na maglaan ng oras para basahin at pag-aralan ang mga kaugnay na probisyon ng House Rules.  

Kabilang sa mga praktikal na payo na kaniyang ibinahagi kung paano mas mahusay pang  magampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mambabatas at bilang kasapi ng Komite, ay dapat: 1) magbuo sila ng isang pangkat at hindi ng isang kawani lamang; 2) humanap ng mga kawani na may karanasan, batikan at beterano, at 3) kumuha ng mga kawani na may alam sa lahat ng kalakaran sa Kongreso at may wastong disposisyon sa pag-iisip, tamang saloobin at kaaya-ayang pakikipagkapuwa tao, at iba pa. 

Matapos ng diskurso, sinundan ito ng isang kunwaring pagdinig ng Komite bilang pasilip sa mga kalahok kung papaano isinasagawa ang isang pagdinig sa Komite.

Free Counters
Free Counters