Wednesday, November 03, 2021

-ISYU NG RIGHT-OF-WAY SA MINDANAO RAILWAY PROJECT, SISIYASATIN SA KAMARA

Pina-iimbestigahan ni Presidential Son at Davao City Rep. Paolo Duterte ang isyu hinggil sa mga pagbili o acquisition ng Right-of-Way o ROW para sa Mindanao Railway Project (MRP).

Sa House Resolution No.2321, hiniling ni Duterte sa mga akma na Komite sa Kamara na maimbestigahan sa lalong madaling panahon ang MRP ng Department of Transportation (DOTR) ukol sa ROW na kukunin nito sa mga apektadong pag-aari o property upang maging patas sa mga tatamaang lugar partikular na ang mga bahay ng mga maliliit na mamamayan.


Sinabi ni Duterte na naobserbahan niya na may pagkakaiba ang offer ng DOTr kumpara sa aktuwal na zonal value o market value at kailangang maging patas at naaayon ito sa mga apektadong naninirahan sa mga lugar.


Ang MRP sa pamamagitan ng DOTr ay ang pinaka-unang railway system project sa labas ng Luzon at ito ay komokonekta sa Davao provinces at mga lungsod ng Iligan, Cagayan de Oro, General Santosat Zamboanga.