Wednesday, September 02, 2020

-Emergency powers para sa Pangulo para solusyunan ang problema sa PhilHealth, iminungkahi

Iminungkahi ng Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability sa Kamara na gawaran si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang emergency power upang solusyunan ang mga usaping kinakaharap ng PhilHealth sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sinabi ni Committee on Public Accounts Chairman Rep. Michael Defensor na pinag-uusapan na ng dalawang Komite ang paggagawad ng emergency powers sa Pangulo matapos magpulong kahapon ang dalawang Komite.


Ipinahayag naman ni Department of Health O DOH Secretary Francisco Duque III ang kanyang pagsang-ayon sa pagbigay ng emergency na kapangyarihan sa Pangulo upang maipatupad ang mga reporma sa naturang tanggapan.


Ayon naman kay Duque, maganda raw ang panukala na bigyan ng karagdagang kapangyarihan si Pangulong Duterte para mabilis ang reporma na isailalim ang PhilHealth.


Dahil dito, inimbitahan ni Defensor si Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay na maging bahagi ng technical working group na magbabalangkas sa panukala ng emergency powers.

Free Counters
Free Counters