Monday, August 10, 2020

-Bayanihan 2 at 2021 Budget, tutulong sa mga Filipino na maka-ahon sa COVID-19 pandemic — Cayetano

Pinahayag kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na habang itinutulak ng Kamara de Representantes ang pangangalap ng alokasyon para sa health sector sa 2021 national budget, nakatuon din itong mamuhunan para sa retooling, infrastructure development at innovation para matulungan ang bansa na maka-recover sa COVID-19 pandemic.


Sinabi ni Cayetano na nakatuon ang Kongreso na magpasa ng isang national budget na tutugon sa anumang maging potensiyal na krisis na kagaya ng coronavirus pandemic.


Ayon pa sa lider ng Kamara, dapat makakapag-calibrate din ang budget ng panibagong ekonomiya ng bansa at makapag-silbeng tulay sa mga deperensiya sa iba’t ibang mga industriya kagaya ng agrikultura, turismo, at manufacturing.


Umaasa ang Speaker na ang panukalang "Bayanihan to Recover as One Act" ay maisabatas na at nakasiseguro daw siya na ito ay makapagawad ng financial assistance at ganun na rin sa pagpapaibayo ng mga sistema at pasilidad ng bansa.