Sinisi ni Anakalusugan Rep Michael Defensor si Interior Secretary Eduardo Año dahil sa hindi nito pagsipot sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa isyu tungkol sa mga locally stranded individual LSI.
Inatasan kaagad ni Defensor ang komite na magpadala ng isang strongly worded na sulat para sa secretary ng Department of Interior and Local Government dahil sa pang-iinsulto nito sa komite dahil sa hindi nito pagsipot o pagpadala man lamang ng kinatawan sa hearing.
Pagtatanong pa ni Defensor kung bakit at anong nangyari na ang kagawarang incharge ay wala upang magbigay ng paliwanag hinggil sa problema.
Dapat daw maipaliwanag nila ito kung may problema, sa pondo o sa assistance at hindi pwedeng hindi sila magsalita tungkol dito sa isyu na ito.
Si Defensor ang nag-preside sa hearing kahapon.
Dahil dito, nagbanta ang solon na may budget deliberations ang Kongreso at kung ganito ang performance ng DILG sa ngayon na merong mga stranded at sa darating na panahon at sa palagay daw niya, hindi lang ang buong komite kundi ang buong Kongreso na ang gagawa ng pamamaraan patungkol sa budget ng DILG.