Ipinahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na importante ang franchise ng ABS- CBN subalit hindi ito urgent.
Ito ang rason ng lider ng Kamara kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa gumagalaw sa committee level ang franchise bill ng kapamilya network.
Ngunit namin naman ni Cayetano na nais na sana nilang simulan ang committee hearing sa ABS-CBN franchise noong Enero ngunit lumabas naman ang quo warranto ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa TV Network.
Ayon sa kanyan, lubhang naka-apekto ang mga naglabasan na isyu quo warranto na hindi maaaring palagpasin basta-basta ng Kamara.
Idinagdag pa ng lider ng Kapulungan na lalo ding nakaapekto ang pagsabog ng Taal Volcano at ang issue sa COVID-19 para lalong mabalam ang pagtalakay ng Kamara sa franchise ng ABS- CBN.