Thursday, November 07, 2019

Speaker Cayetano: Pagsasapubliko ng proseso ng Bicam, posibleng makaapekto sa pag-apruba ng 2020 national budget

Posibleng maantala ang pag-apruba sa proposed 4.1 Trillion pesos na 2020 national budget kung gagawing bukas sa publiko ang bicameral conference committee nito.
Ito ang ikinabahala ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos irekomenda ni Senator Panfilo Lacson na isapubliko ang bicam proceedings ng pambansang pondo sa susunod na taon.
Sinabi ni Cayetano na kung gagawing bukas sa publiko ang bicam ay maraming mga mambabatas ang maaaring mag-grandstanding  dito at tiyak na magreresulta sa pagkakantala ng naturang panukala.
Paliwanag  pa ni Cayetano, naiiintindihan naman  nila ang motibo ni Lacson na maging transparent at tiyaking walang pork barrel ang national budget at iyon din naman umano ang ginagawa ng mga kongresista.
Sa huli ay iminungkahi ng lider ng kamara na dapat din munang magkaroon ng consensus ang mga senador at kongresista sa planong pagsasapubliko ng budget hearing sa Bicam dahil isang senador lang naman aniya ang nagsusulong dito.