Thursday, November 07, 2019

Publiko, hinimok na bigyan ng pagkakataon si VP Robredo na pangunahan ang ICAD bago bumatikos

"Tulong muna bago batikos."
Ito ang pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Commitee on Ways and Means sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa posisyon bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs o ICAD.
Sa isang panayam kahapon sa Quezon City, iginiit ni Salceda na panahon ngayon para tumulong ito sa mga programa ng gobyerno at hindi para magsiraan sa gitna narin ng maraming hamon na kinaharap ngayon ng bansa.
Naniniwala din ang mambabatas sa kakayanan ng kapwa nito Bicolano upang gampanan ang mga hamon na kasamang naghihintay sa kaniya sa ICAD.
Matatandaan na kahapon ng hapon lamang nang tanggapin ng pangalawang pangulo ang hamon sa kaniya ng administrasyon na makiisa sa kampanya kontra droga matapos nitong batikusin ang marahas na kampanya sa war on drugs ng administrasyon.