Ibinasura ng House Committee on
Justice ang impeachment complaint sa botong 42-0 at binantaan pa ni House
Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte si Alejano na posibleng
maharap sa perjury at ethics complaint.
Tinanong ni Fariñas si Alejano kung
meron itong personal knowledge sa kanyang mga reklamo bagay na inamin ng huli
na wala, kundi base lamang ito sa mga impormasyong kanyang nakalap.
Ayon kay Fariñas, delikado sa perjury at ethics complaint ang pag-amin ni
Alejano na wala siyang personal knowledge sa mga alegasyon nito kay Pangulong
Duterte.
“Eh hearsay ito eh. Delikado po
kayo dito sa perjury. You’ll be subjected to ethics here,” ani Fariñas.
Itataya ko ang pangalan ko –
Alejano
Buwelta naman ni Alejano,
nakahandang umano niyang itaya ang kanyang posisyon sa Kamara, para lang
maipagtanggol ang mamamayan sa mga maling polisya ng Duterte administration.
“Bakit naman ako nandito? Para
magpalamig sa opisina kong aircon? Hindi ako nandito para maglaro lamang, kahit
itataya ko ang posisyon ko na representative ng Magdalo party-list, it doesnt
matter because ang alam ko tama ang tinatayuan natin,” giit ng mambabatas.
Kabilang sa mga nakasaad sa reklamo
ni Alejano laban kay Duterte ang extrajudicial killings dahil sa giyera kontra
iligal na droga, ang hindi pagtatanggol ng Pangulo sa teritoryo ng Pilipinas
laban sa China sa West Philippine Sea at Benham Rise, hindi deklradong yaman ng
pangulo lalo na ang P2.2 Billion bank account, at iba pa.
Binutata rin nito ang pahayag ni
Fariñas na propoganda lamang ang mga alegasyon nito laban sa pangulo.