Ito ay kasunod ng maling pagtrato
ng mga airline companies sa kanilang mga pasahero kabilang na ang
kontrobersiyal na pagkaladkad palabas ng eroplano sa isang doktor ng United
Airlines.
Sinabi ni Teves, miyembro
ng House Committee on Public Order and Safety, iko-co-author umano niya ang
panukala na magiging mandatory ang pagkakaroon ng instructional manuals o
films sa mga eroplano na nagdedetalye ng rights and responsibilities ng
mga pasahero.
Ayon sa mambabatas, hindi dapat
mangyari sa Pilipinas ang kinasapitan ng biktimang si Dr. David Dao na kitang-kitang
duguan ang mukha matapos sapilitang pababain sa overbooked na air flight.
Ipinahayag ni Teves na sa kasalukuyan ay may 7 panukala para sa air
passenger rights protection ang nakabinbin sa Kamara at hiniling niya kay House
Speaker Pantaleon Alvarez na isama rin ito sa mga panukala na bibigyang
prayoridad ng House leadership.
Sa kasalukuyan, tanging
Administrative Order na inisyu ng Department of Transportation at
Department of Trade and Industry lamang ang nagdedetalye ng bill of rights ng
mga air passengers at ng mga airline subalit aminado si Teves na marami sa
nakasaad dito ang hindi nasusunod partikular na ang overbooking incidents,
cancellation/flight delays at pagkawala ng mga bagahe.
Iginiit pa ni Teves na mahalagang malaman
ng mga pasahero ang kanilang karapatan gayundin ang obligasyon ng mga airline
carrier sa kanilang pasahero.