Tuesday, September 06, 2016

Panawagan para sa pagkakaisa, hustisya para sa mga biktima ng Davao bombing, ipinursige

Nananawagan si Deputy Minority Floor Leader Anthony Bravo ng Coop-Natcco Partylist sa mga mamamayan na magkaisa at sumuporta sa mga hakbangin ng pamahalaan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pambobomba sa Davao and upang maseguro ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Sinabi ni Bravo na kung ang buhay ng mga Filipino ay nawawala at ang seguridad ng mga ito ay may banta, dapat lahat ng mga mamamayan ay isantabi na muna ang pagiging Majority o Minority  at Administrasyon o Oposisyon.

Idinagdag pa ni Barvo na ang pagkakamit ng hustisya para sa ating mga kababayan na namatay at nasugatan sa Davao ay ang dapat nangingibabaw kaysa anupamang mga political agenda.

Samantala, ipinaliwanag ni Bravo na ang pagkakadeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang state of lawlessness ay dapat ituring na isang lehitimong pagtugon sa isang sitwasyon tha nangangailangan ng kapangyarihan na handang i-neutralize ang mga lawless element na nagbabanta sa seguridad ng bawat mamamayan.

Nagbabala ang mambabatas laban sa mga espekulasyon na ang deklarasyong ito ay prelude sa isang Martial Law at ang konstitusyon umano ay may mga kaukulang safeguard naman na harangin ang sinumang lider na gagamit ng Martial Law bilang isang entry point upang magtatag ng isang authoritarian regime.

Idinagdag pa niya na ang ating Kongreso ay may malaking papel kung sakaling ang Martial Law ay idiniklara at marapat lamang na magkaroon ng tiwala ang mga mamayan sa ating lehislatura na idepensa ang ating mga karapatan at civil liberties.

Kung sakaling ang Martial Law umano ay ideniklara, ang Saligang Batas ay nagre-require sa Kongreso na idetermina ang pangangailngan ng naturang extreme act at ang ating mga mamamayan ay dapat lamang magtiwala sa kanilang mga kinatawan upang i-exersice nila ang kanilang responsibilidad na protektahan ang ating mga civil liberty at mga karapatan ng kanilang mga constituent.