Wednesday, April 27, 2011

Pagsasagawa ng ng CHR ng mga imbistigasyon, pinaiigting

Ipinanukala ni Deputy Speaker Lorenzo Erin Tanada na paigtingin ang kapangyarihan ng nasabing CHR o Commission of Human Rights sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito sa pagtatanggol ng karapatang pantao.

Sinabi ng kinatawan ng Aurora na kasabay ng mga nakita sa mga imbestigasyon, kahit pa ibinuhos na CHR ang lahat para dito, limitado pa rin ang kakayahan ng nito sa pagsisiguradong mapapangalagaan ang karapatang pantao at mapaparusahan ang mga manlalabag nito.

Si Tanada ang pangunahing may-akda ng HB00055 o ang Commission on Human Rights Act na naglalayong palakasin pa ang naturang Komisyon.

Ayon sa kanya, kailangan umanong palawigin pa ang mandato ng Komisyon para sa pag-iimbestiga dahil sa kasalukuyan, habang nagagawa ng CHR ang mga imbestigasyon nito, kailangan pa ring tiyaking buong-buo ang kakayahan nito upang gampanan ang tungkulin nitong pigilan ang paglabag sa karapatang pantao.

Sa paglalayong palakasin ang CHR, sinabi ni Tanada na hindi nakapagbigay ang Komisyon ng mga pangalan ng mga may sala laban mga biktima ng paglabag sa karapatang pang-tao dahil kulang ang kanilang kapangyarihan upang isagawa ang ganitong uri ng imbestigasyon.