Ipinanukala sa HB04125 na mabigyan ng 50 porsiyentong diskuwento sa medical services ang mga batang nasa anim na taong gulang pababa para matugunan ang tumataas na bilang ng namamatay na sanggol sa bansa.
Sinabi nina Bayan Muna partylist Reps Congressmen Neri Colmenares and Teddy Casino na hindi kayang bayaran ng mahihirap na pamilya ang mataas na singil ng ospital at doktor dahil kapos sila sa pera kahit pambili ng gamot para sa kanilang anak.
Ayon kay Colmenares, maiiwasan umano sana ang pagkamatay ng mga bata at sanggol kung mabibigyan man lamang ng diskuwento sa ospital at medical services ang mga
mahihirap na pamilya.
Tatawaging Children’s Medical Services Discount Act ang panukalang magbibigay ng diskuwento sa medical services sa ospital at licensed physicians sa kanilang panggagamot.
Sakop din ng panukala ang mga magulang na kumikita ng annual net income na
hindi tataas ng 100,000.