Wednesday, March 26, 2008

HILING NI MAWANAY NA PROTECTIVE CUSTODY, TINANGGIHAN

TINANGGIHAN KAHAPON NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG KAHILINGAN NI ADOR MAWANAY NA SUMAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NANG IGIIT NA HINDI BAHAGI NG TRABAHO NG INSTITUSYON ANG MANGALAGA SA MGA SAKSI.

SA HALIP, IPINASA NI HOUSE SERGEANT-AT-ARMS BRIG GEN HORACIO LACTAO SA DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ANG KAHILINGAN NI MAWANAY NA IPINADALA NITO KAY SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA PAMAMAGITAN NG TEXT MESSAGE DAHIL UMANO SA PAGBABANTA SA KANYANG BUHAY.

IGINIIT NI MAWANAY NA PINIPILIT UMANO SIYA NI SEN PANFILO LACSON NA TUMESTIGAO KAUGNAY SA MAANOMALYANG NATIONAL BROADBAND NETWORK DEAL AT HINILING NA DOKTORIN UMANO ANG MGA DOKUMENTO TUNGKOL SA SINASABING BANK ACCOUNTS.

NILINAW RIN NI LACTAO NA IMPOSIBLENG MAKAPAGPADALA NG LIHAM SI NOGRALES KAY JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES PARA IENDORSO SI MAWANAY DAHIL NASA ESTADOS UNIDOS PA ITO NANG GAWIN ANG KAHILINGAN.

SA ISANG TEXT MESSAGE, SINABI NI NOGRALES NA NATURAL SA KANYA ANG TUMULONG KUNG SAAN REFERRAL LAMANG NAMAN ANG MAGAGAWA NIYA SA KASO NI MAWANAY NA HINDI NAMAN KONGRESISTA.