Friday, September 06, 2024

 RPPt P1.6B savings naglaho; Sabwatan sa bidding ng P8B laptop ng DepEd sa ilalim ng VP Sara isiniwalat



Ibinunyag ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon ang umano'y 'sabwatan' sa bidding ng P8-bilyong halaga ng mga laptop at iba pang gamit sa pag-aaral ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.


Ito ang inihayag ni Bongalon sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng P793.18-bilyong panukalang budget ng DepEd para sa susunod na taon.


Sa pagdinig, binanggit ni Bongalon, vice chairman ng House Committee on Appropriations, kay Education Sec. Juan Edgardo Angara ang nakababahalang isyu ng pagbili ng mga laptops at kagamitan para sa mga pampublikong paaralan noong 2022 at 2023.


Ang problemang ito ay kabilang sa mga problemang minana ni Angara na pumalit sa Bise Presidente.


Ang responsibilidad ng pagsagot sa katanungan ng mambabatas ay napunta kay Undersecretary for Procurement Gerard Chan, na pumalit kina dating Undersecretaries Michael Poa at Gloria Mercado.


Si Poa ay ang kasalukuyang spokesperson ni Duterte sa Office of the Vice President, habang si Mercado naman ay nag-avail ng maagang pagreretiro.


Kasama ring isinasangkot ni Bongalon sa umano’y sabwatan, si dating DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, na una na nagbitiw sa ahensya.


“May conspiracy na nangyari dito sa procurement na ito. Nagkaroon ng first bidding at rebidding, pero the same bidders ang participants. Ang mga sangkot sa conspiracy ay ‘yung nakaupo sa BAC (bidding and awards committee) and the procurement officials supervising them,” ayon pa sa kinatawan ng Ako Bicol Party-list.


Sinabi ni Bongalon na sa unang bidding ang pinakamababang bid ay 24 porsyentong mas mababa sa itinakdang presyo ng ahensya kaya makatitipid ang gobyerno ng P1.6 bilyon.


“Dun sa second bidding participated in by the same bidders, naging one percent na lang ang variance. Ibig sabihin, tumaas ang presyo. Para sa akin, this was a rigged bidding,” saad pa niya.


“I raise these concerns because probably there is an irregularity in the procurement. And there are personalities involved at mayroon pong nakialam dito, yun po ang paniniwala ko,” ayon pa kay Bongalon.


“Kasi nagkaroon na po ng bidding. Ang hindi ko po maintindihan, bakit hindi natin tinuloy? Sayang po ng P1.6 billion na mase-save po ng ating gobyerno. Sabihin na lamang natin na ang laptop is worth P100,000, ilang laptops na po ang mabibili nun?” ayon pa sa mambabayas. 


“So I want answers, Madam Chair, from the Department of Education kung sino po ang mga personalidad during that time.”


Binigyang-diin niya na sana ay nakabili pa ang DepEd ng karagdagang mga laptop gamit ang P1.6 bilyon na matitipid kung natuloy ang unang bidding.


Ikinatwiran naman ni Chan na nabigo ang unang bidding dahil sa sa kulang ang mga isinumiteng dokumento ng mga bidder.


Tungkol sa pagkakaiba sa presyo, sinabi ni Chan na kung nakumpleto ng mga kalahok sa bidding ang kanilang mga dokumento, ay maaaring nagbago rin ang kanilang mga presyo.


Sinabi naman ni Chan na sina Mercado, Bringas, at Poa ang mga namahala sa procurement bago siya naitalaga sa puwesto.


Sinabi ni Bongalon, “In government, people come and go, and usually, kilala natin o alam natin yung mga pumapalit, pero ‘di po niya masagot directly.”


Nangako si Chan na isusumite ang lahat ng dokumento na may kaugnayan sa procurement ng P8-bilyong halaga ng mga laptop.


Tiniyak rin ng kinatawan ng Ako Bicol na sa tamang panahon, ay paiimbestigahan niya ang iregularidad na ito upang mapanagot ang mga responsable. (END)



RPPt VP Sara mas mabilis gumastos ng confidential fund kesa bumili ng pangangailangan ng mga eskuwelahan



Mas mabilis gumastos ng confidential fund ang Department of Education (DepEd) noong pinamumunuan ito ni Vice President Sara Duterte kesa sa paggamit nito ng pondo na nakalaan para mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Ito ang napansin ni Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo sa pagtalakay ng House Appropriations committee sa panukalang budget ng DepEd para sa 2025.


Ayon kay Duterte ang confidential fund ng DepEd sa unang tatlong quarter ng 2023 na nagkakahalaga ng P112.5 milyon ay 100 porsyentong na-utilize o nagastos sa loob ng 190 araw kaya mayroon itong 143 porsyentong efficiency rate.


Malayo umano ito sa 2023 report ng Commission on Audit (COA) na nagsabi na mahigit P37 bilyon lamang o 5.13 porsyento ng P735.39 bilyong budget ng DepEd ang nagastos.


“So ang efficiency pag dating sa spending ng confidential funds ay 143 percent. Congratulations po pero pag dating sa regular funds, napakabagal po,” sabi ni Quimbo.


Ayon sa COA, ang mababang utilization rate ng DepEd noong 2023 ay bunsod ng delayed, partial, at non-implementation ng iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidad.


Kasama umano sa mababang utilization rate ang DepEd Computerization Program na nagpalala sa krisis sa edukasyon ng bansa at nagpahina sa pagiging competitive ng mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho.


“In a world that is flat, they have to compete globally. Kung kulelat tayo, hirap tayo. Hirap silang mag compete, yun ang kinakaharap ng ating Kalihim, ng buong Kagawaran, kaya kelangan natin tulungan ang DepEd,” sabi ni Quimbo.


“May crisis. We cannot waste funds, we cannot waste time. Those are the two things. Pero pag dating sa COA reports, isa sa pinakamalaking findings ng COA report in 2023, ay low utilization. Ibig sabihin mabagal ang paggastos at may natitirang pondo, so wasted funds, wasted time,” dagdag pa nito.


Pinuna rin ni Quimbo ang accomplishment report ng DepEd na nagsasabi na nakabili ito ng 44,638 Information and Communications and Technology (ICT) packages samantalang hindi pa nadi-deliver ang mga ito.


Sa paliwanag ni Ferdinand Pitagan, DepEd director para sa Information and Communications Technology Service (ICTS), kasama sa ipinambili ng 44,638 ICT packages ay pondo noon pang 2021.


Sinabi ni Pitagan na ang mga ICT packages ay maidi-deliver na bago matapos ang taon na ikinalungkot naman ni Quimbo.


Kahit na ang bagong talagang si Education Secretary Sonny Angara ay nagulat na mahigit 1.5 milyong laptop, libro, furniture, at iba pang school item ang nakatago sa warehouse sa nakalipas na apat na taon.


Sinabi ni Angara na hiningi na nito ang tulong ng Armed Forces of the Philippines upang mapabilis ang delivery ng mga nakatambak na gamit sa pag-aaral.


Ayon kay Angara, ikinokonsidera nito ang pagpapatupad ng pagbabago sa procurement process ng ahensya upang mapabilis ang delivery ng mga biniling gamit gaya ng pagsasagawa ng bidding process sa regional at division levels. (END)



RPPt DepEd sa ilalim ni VP Sara bigong gamitin bilyun-bilyong pondo para mapaganda public school system



Bigo ang Department of Education (DepEd), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Dutetre, na magamit ang bilyun-bilyong pondo nito upang mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Lunes, pinuna ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang napakalaki umanong pondo ng DepEd para sa Learning Tools and Equipment (LTE) program mula 2021 hanggang 2023 na hindi nagamit.


Ayon kay Gutierrez sa loob ng tatlong taon ay 40.9 porsyento lamang ang obligation rate ng DepEd at 10.98 porsyento lamang ang disbursement rate nito.


Para may Gutierrez nagkaroon ng systematic failure sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Duterte. Nangako naman ang bagong talagang si Education Sec. Sonny Angara na tutugunan ang mga problemang dinatnan nito.


“I understand our LTE program has been underutilized. Is that correct?” tanong ni Gutierrez na ang pinuntirya ay ang pagkabigo ng ahensya na epektibong gamitin ang pondong hiningi at inilaan dito.


Inamin ni DepEd Undersecretary Gina Gonong ang mababang utilization rate ng ahensya at iniugnay ito sa hamon muna sa procurement.


“Yes, Your Honor. Una pong step na ginagawa namin ay ‘yung Early Procurement Activity. So, starting this year, nagpre-prepare na po kami para sa Early Procurement Activities ng ating mga Learning Tools and Equipment,” sabi ni Gonong.


Humingi naman ng mas malalim na paliwanag si Gutierrez upang mas matukoy ang problema sa procurement ng ahensya.


“It could be a number of factors. It's very hard for us to just simply leave it as procurement problems. I hope you understand, Madam Usec, that we're here to look for solutions,” sabi ni Gutierrez.


Sinabi ni Gonong na kasama sa problema ng ahensya ang paulit-ulit na failed bidding at ang pangangailangan na baguhin ang technical specifications para sa proyekto sa kung ano ang nasa merkado.


“Minsan po kailangan naming mag-recalibrate ng aming mga technical specifications kasi ‘yung available sa market, halimbawa, hindi naman nata-target doon sa tech specs namin. So nagkakaroon kami ng adjustments,” paliwanag ni Gonong.


Ipinaliwanag ni Angara, na anim na linggo pa lamang sa puwesto, na mahirap ang pagbili ng mga learning packages gaya na lamang ng para sa mga specialized Technical-Vocational Education and Training (TVET) course, kaya tumatagal ang procurement process.


“Yung learning packages, there are so many different kinds. One package is an amalgam or a combination of several items. So it could be glasses, mixers, etc.,” ani Angara. “So medyo mahirap din talaga i-combine. But really, we are exerting efforts to improve our procurement and speed things up.” (END)



RPPt Giit ni Adiong: Panagutin DepEd supplier na bigong matupad kontrata para sa Last Mile Schools Program 



Hiniling ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong sa Department of Education na panagutin ang mga supplier na nabigong matupad ang kontrata para sa Last Mile Schools Program noong adminstrasyong Duterte hanggang sa pamunuan ni Vide President Sara Duterte ang ahensya.


Ayon kay Adiong 50 porsyento lang ng P20.54 bilyong pondo ang nagamit, na maituturing umanong disservice sa mga mag-aaral na nasa malalayong lugar.


Sa pagtalakay ng panukalang P793.18 bilyong pondo ng DepEd para sa 2025, kinondena ni Adiong ang atrasadong pagmamahagi ng kagamitan gaya ng computer set sa ilalim ng LMSP at hinikayat ang ahensya na sampahan ng kaso ang mga supplier na hindi nakatupad sa kanilang obligasyon.


Ang naturang pagka-antala ay nagsimula noon pang 2020 sa panahon ng administrasyong Duterte at nagpatuloy hanggang nitong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Duterte na bumaba lamang sa pwesto bilang kalihim ng DepEd nitong July 19.


Pinalitan naman siya bilang kalihim ni Sen. Sonny Angara.


“You’re asking for a P10 billion budget for the same program, yet you have not utilized the remaining funds properly, and you did not even file a complaint against these erring suppliers,” ani Adiong sabay diin na dapat panagutin ang mga kompanya dahil sa kanilang pagkabigo.


Layunin ng LMSP na punan ang gap o kakulangan ng mga eskuwelahan na nasa mga bundok at isla sa pamamagitan ng pagpapaganda sa kanilang mga silid-aralan at iba pang imprastraktura, lalo na ang mga walang kuryente.


Tinukoy ni Adiong na sa P10.54 bilyong alokasyon sa LMSP, 50 porsyento o P10.29 bilyon lang ang nagamit kaya nakuwestyon ang kakayanan ng ahensya sa pamamahala ng pondo.


Sa kabila ng target na pagpapatayo ng mga pasilidad sa 152 lugar, malaking bahagi ng pondo ang hindi pa nagasta kaya naman nakuwestyon ni Adiong kung ang malaking pagkaantala sa proyekto lalo na at nanghihingi ang ahensya ng P10 bilyon na kalaunan ay itinama ng kagawaran at sinabing P3 bilyon lamang ang kanilang hinihingi.


Hiningan ni Adiong ng paliwanag ang pagkabalam ng mga proyekto at kung bakit binalik ang pondo gayong obligated naman na ito.


Tugon ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III sa tatlong contactor na napili para sa LMSP, isa lang ang naka-abot ng 95% ng kanilang trabaho.


Habang ang dalawang contractor, kasama na ang dapat gagawa sa Mindanao at hindi nakatupad sa kontrata.


"When the infrastructure strand was created, we talked to the three contractors, giving them a chance to continue. After they were given a certain deadline, only one of the contractors was able to finish, I think, 95% of what was allotted to it. The other one managed around 25% or 30%," paliwanag ni Densing.


Dagdag pa niya, "The balance, I think, they will not be able to build anymore. The third contractor had zero output, and this is the contractor in charge of Mindanao. We are now in the process of terminating those contractors who did not comply with their requirements."


Bilang kinatawan ng mga residente na naninirahan sa malayong lugar, binigyang diin ni Adiong ang importansya ng LMSP sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon lalo na sa marginalized communities sa bansa.


Hindi naitago ng mambabatas ang pagkadismaya sa mabagal na implementasyon ng proyekto dahilan para hindi lubusang magamit ang pondo dahil sa pagkukulang ng mga supplier.


“Why are we spending so much money on equipment when the suppliers haven’t fulfilled their obligations? This is a significant issue,” giit ni Adiong na idiniing nagdulot ito ng malaking kabiguan na maserbisyuhan ang mga mag-aaral na nagangailangan ng kagamitan sa pag-aaral.


Hinikayat niya ang DepEd, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Angara na mapanagot at aksyunan ang mga sangkot sa pagka antala sa pagtupad sa kanilang mga kontrata.


“I hope that we can see at least a sense of accountability. We need to run after those people who have deliberately... talagang niloko tayo,” giit ni Adiong.


Bilang tugon, siniguro ni Angara sa komite na gagawa ng hakbang ang DepEd laban sa mga responsable sa naturang delay.


“Yes, Your Honor, we will go after these people and the suggestion to pay special attention, tututukan po namin,” ani Angara na nangakong itatama ang pagkukulang sa programa


“Sa ibang bansa, kapag dehado ang isang eskwelahan, dehado mga bata, ‘yan ang binibigyan ng pinakamalaking tulong o pondo. Parang dito sa atin ‘di nangyayari po ‘yan, but we will make sure that changes, Your Honor,” pagsiguro pa niya. (END)



RPPt DepEd sa ilalim ni VP Sara bigong maipamahagi P9B halaga ng laptop



Nabigo ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte na maipamahagi ang halos P9 bilyong halaga ng laptop at iba pang e-learning equipment noong 2023.


Sa pagdinig ng panukalang budget ng DepEd para sa 2025, kinumpirma ng direktor ng Information and Communications Technology Service (ICTS) ng ahensya ang ulat ng Commission on Audit (COA) na noong 2023 ang nagastos ng ahensya ay P2.18 bilyon lamang sa P11.36 bilyong budget nito para sa computer, laptop, smart television set, at iba pang e-learning equipment. 


Si Director Ferdinand Pitagan ay tumutugon sa tanong ni Batangas 2nd District Rep. Jinky Luistro, kaugnay ng 19.22 porsiyentong utilization rate sa ICT package ng DepEd.


“Now, we have this P11 billion budget. You requested this for 2023. Bakit ang disbursement niyo ay P2 billion lang?” tanong ni Luistro.


Ipinaliwanag ni Pitagan na konti lang ang nagalaw na pondo noong 2023 dahil nakatuon ang atensyon noon ng DepEd sa paggastos sa 2022 budget nito.


“It's hard for me to appreciate the explanation that your priority is continuing, which is the budget from 2022,” sabi ni Luistro. 


“Why, therefore, did you request for P11 billion for 2023 if you're going to say now that your priority is 2022, that's why you didn't use the 2023? You know, Mr. Resource Speaker, doon po sa amin sa  Batangas, hindi po magkamayaw ang humihingi ng tulong na students, teachers, and even PTA officers lahat ang problema nila ay computers, laptops,” dagdag pa ng solon.


Sa pagtatanong ni Luistro, sinabi ni Pitagan na ang kasalukuyang student to computer ratio ay 1: 9 at ang teacher to computer ratio ay 1: 30.


“That is almost saying impossible to facilitate an e-learning system having one computer for 30 teachers,” sabi ni Luistro, na iniugnay ang delay sa mga delivery sa mababang performance ng Pilipinas sa global learning test na PISA o ang Programme for International Student Assessment. 


Sinabi ni Luistro na nanatiling mababa ang lebel ng estado ng edukasyon sa bansa sa nakalipas na limang taon. Noong 2018, sa 79 bansa ay panghuli ang Pilipinas sa Reading at ikalawa sa pinakamababa sa Science at Mathematics. Noong 2023, sa 81 bansa ang Pilipinas ay pang-76 sa Reading at Mathematics, at 79 sa Science. 


Ipinunto rin ni Luistro na sa bilis ng pagbabago ng ICT technology ay mabilis ma-obsolete ang mga binibiling computer kaya dapat ay bilisan ang pagbili.


Batay sa 2023 COA report, ang DepEd Computerization Program (DCP) ay mayroon lamang 50.07 porsiyentong utilization rate at zero accomplishment noong 2023. (END)




RPPt VP Sara binatikos sa iniwang tambak na problema sa DpEd



Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa tambak na problema na iniwan nito sa Department of Education, na sasaluhin ng pumalit sa kanya na si dating senador at ngayo’y Secretary Sonny Angara.


Inihayag ni Castro ang kaniyang mariing pagpuna sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P793.18-billion budget ng DepEd at mga attached agency para sa 2025. Ang Bise Presidente ay nagbitiw bilang kalihim ng DepEd noong Hulyo 19.


“In fairness naman kay Secretary Angara, teacher pa lang ako talagang malalim na ang pinagsamahan ng ACT Teachers at ni Secretary Angara. Si Secretary Angara, very accommodating, ang mga bills sa salary ng mga teachers ay talagang sinusuportahan niya. Ngayong Secretary na siya, mukhang mas maganda ito kesa noong nakaraan,” ayon kay Castro. 


Mabilis namang inilipat ni Castro ang kaniyang tuon sa mga problemang minana ni Angara mula sa nakalipas na administrasyon.


“Kaya lang, Mr. Chair, nakakalungkot po, medyo iniwanan siya ng maraming problema ni Vice President Sara Duterte, lalong-lalo na po itong MATATAG curriculum,” pahayag pa ni Castro.


Ipinunto niya na ang kurikulum ay nagdulot ng malaking pahirap sa mga guro sa high school, na ngayon ay may 7-8 load kada araw, na ang bawat klase ay tumatagal ng 45 minuto."


“Talagang minaximize ang 6 hours,” ayon pa kay Castro, na binigyang diin ang labis na oras na pagtuturo ng mga guro. 


Mungkahi ni Castro ang agarang pagrepaso ng MATATAG curriculum, na aniya’y minadaling ipinatupad kaya maraming naging problema sa implementasyon nito.


“Iniwanan kayo ng nakaraang administration ng ganitong problema, ngayon ‘yung mga teachers talaga natin problematic dito, sobrang pahirap itong MATATAG curriculum,” saad pa nito. 


Bukod dito, binigyan diin din ng mambabatas ang mga seryosong problema na tinukoy sa ulat ng Commission on Audit (COA) tungkol sa DepEd Computerization Program (DCP).


“Medyo mahalaga sa akin ito, Madam Chair and Mr. Secretary, dahil gusto natin mabigyan ng laptop, mga computer ang ating mga teachers,” saad pa ni Castro, kaugnay na rin sa natuklasan ng COA tungkol sa mga pagkaantala, hindi pagkaka-deliver, at mga kakulangan sa loob ng programa, lalo na ang maling pamamahala ng mga package ng DCP.


Ikinabahala rin ni Castro ang pagkabigo na maibigay sa oras ang mga remittance ng mga empleyado ng ahensya na umaabot na sa mahigit P5 bilyon, kabilang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund.


Ayon sa ulat ng COA para sa 2023, ang mga hindi naibabayad na kontribusyon ay umabot sa P1.3 bilyon na utang sa BIR, P3.1 bilyon sa GSIS, P503 milyon sa PhilHealth, at P182 milyon sa Pag-IBIG.”


Iginiit ni Castro na ito ay malaking epekto sa mga teacher at non-teaching personnel, lalo na ang pagkakaantala ng remittances sa GSIS,  na maaaring mauwi sa pagbabayad ng multa at surcharges sa kanilang mga account.


“Mahalaga po itong GSIS dahil pag na-late ang remittance ng premium loan sa GSIS, ang tatamaan ng mga interests ay ang mga teachers o ang mga non-teaching personnel,” babala pa ni Castro.


“Kung hindi nababayaran sa tamang oras, meron nang interest and surcharge against the account of the teachers or the non-teaching personnel,” dagdag pa ng kongresista, kasabay ang panawagan nito para agad na aksyunan ang mga pinansyal na obligasyong ito.


Tiniyak naman ni Angara at iba pang mga opisyal ng DepED, na ang mga binanggit ng COA, lalo na ang mga hindi nabayarang buwis ay tinutugunan na ng kagawaran, sa pamamagitan ng isinasagawang reconciliation process.


Patungkol naman sa MATATAG curriculum, sinabi ni Angara, na kasalukuyan ng binabalangkas ang Department Oder kaugnay na rin sa hinaing ng mga guro.  “Nakikinig po kami sa hinaing ng mga teachers,” pahayag pa ng kalihim. (END)




RPPt COA sinita inaamag na nutribun, sablay na implementasyon ng feeding program ng DepEd sa ilalim ni VP Sara



Sinita ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun, nabubulok na mga food item, hindi maayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kuwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.


Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkan at gatas sa ilalim ng  P5.69 bilyong School Based Feeding Program (SBFP) ng DepEd.


“Pest/insects were found inside Karabun/Milky bun and E-nutribun (squash) during the inspection of food commodities,” sabi ng state auditors sa Aurora SDO, ang probinsya ng bagong talagang Education Sec. Juan Edgardo Angara.


Sa Bulacan SDO, nalaman ng audit team na ang mga ipinadalang pagkain ay bulok, hindi pa hinog, o nasira. Ang Bulacan at Aurora ay kapwa nasa Region 3 (Central Luzon).


“1,001 pieces of E-nutribun delivered from September 2023 to January 2024 were returned to the suppliers for replacement due to the presence of molds and discoloration on the bread, 1 to 2 days before the expiry dates,” saad naman ng mga auditor mula sa karanasan ng Misamis Oriental SDO.


Pinagdudahan naman ang mga food item na binili para sa Iligal City SDO dahil nakalagay umano sa kahon na ang expiry date ay Oktobre 29, 2023 pero sa mismong produkto ang nakalagay ay Oktobre 26, 2023.


“The product contains manufacturing date which is not easily discernible and misrepresents, contrary to the terms of the contract. Hence, the supplier failed to meet the standard of the contract in providing a clear and readable manufacturing date,” sabi ng audit team.


Ang Misamis Oriental SDO at Iligan City SDO ay kapwa nasa Region 10 (Northern Mindanao).


Sa Metro Manila, inireklamo naman ng Quezon City SDO ang hindi magandang packaging ng packaging at ang laman umano ay mas maliit o mas magaan kumpara sa nakalagay sa kontrata.


“The root crops and fruits were not individually packed in cling wrap or paper. The weight of five food items purchased and distributed were below the prescribed serving size. Eight kinds of prescribed NFPs or alternatives were substituted with other food products,” sabi ng mga auditor..


Layunin ng SBFP na matulungan ang mga undernourished learner sa mga pampublikong paaralan. Ang feeding program ay mayroong dalawang bahagi— ang NFP o pagbibigay ng hot meal o food items gaya ng prutas, itlog, kamote, at nutty bars; at pasteurized fresh milk.


Sa 10 rehiyon, sinabi ng auditors na late dumating ang gatas o walang dumating sa buong school year. Nangyari umano ito sa Mandaluyong City at Pasig City na kapwa nasa National Capital Region (NCR); Ifugao, Benguet, at Baguio City sa Cordillera Administrative Region (CAR); La Union sa Region 1 (Ilocos Region); Oriental Mindoro at Palawan sa Region 4B (Mimaropa); Camarines Sur sa Region 5 (Bicol Region); Zamboanga City sa Region 9 (Zamboanga Peninsula); Bukidnon, Valencia City, at City of Malaybalay sa Region 10 (Northern Mindanao); Tagum City sa Region 11 (Davao Region); South Cotabato at Sultan Kudarat sa Region 12 (SOCCSKSARGEN); at Agusan del Norte, Surigao del Norte, Butuan City, Cabdabaran City, at Surigao City sa Region 13 (CARAGA).


Ang delay sa pagdating ng gatas sa NCR, CAR, and Region 1, 4B, 9, 10, 11, 12, at 13 ay isinisi sa Philippine Carabao Center o National Dairy Authority, at pribadong supplier. Nangyari umano ang delay kahit na-release na ang pondo unang quarter pa lamang ng 2023.


Sa Camarines Sur SDO, ang halos P100 milyong halaga ng produktong pagkain ay hindi dumating at ang supply contract para sa gastas ay hindi nalagdaan.


“As of February 14, 2024, NFPs totaling 6,847,234 units amounting to P98,613,931 remained undelivered. The procurement of milk products was not yet conducted,” sabi ng audit team.


Sa Palawan SDO, nauna umano ang pagbabayad sa supplier kaysa sa pagdating ng mga pagkain.


“Audit revealed that SDO Palawan paid on December 15, 2022 the full amount of P25,709,893 for NFP purchased …despite delayed delivery of goods totaling P14,589,363 per delivery receipts and school IARs (inspection and acceptance reports),” sabi pa ng mga auditor.


Bagamat naipamigay umano ng mga SDO ang mga pagkain at gatas, sinabi ng COA na hindi nasunod ang guidelines ng DepEd Feeding Program dahil dinoble-doble na lamang umano ang ipinamigay at maging ang mga estudyante na hindi undernourished ay nabigyan. Ginawa umano ito upang hindi masira ang mga pagkain.


“The delayed implementation of the SBFP may result in non-completion of the full cycle of the feeding program for its targeted beneficiaries, hence, the maximum benefits from the program may not be attained,” sabi pa ng COA.


Ayon sa mga SDO magsasagawa sila ng onsite inspection sa mga production facility ng nutribun upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa sanitation at safety standards samantalang ang iba ay nangako na isasama ang mga school health professional sa isasagawang consultative meeting sa mga supplier upang matugunan ang mga isyu ng pagiging ligtas ng mga pagkain.


Upang matugunan naman ang delay o hindi na-deliver na gatas, iuusog umano ang procurement calendar upang matiyak na made-deliver sa oras ang mga gatas at mapapalitan ang mayroong mga problema. (END)



RPPt DepEd sablay sa pag-abot ng mga target sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara— COA


Nabigo ang Department of Education (DepEd) na maabot ang mga target nito noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ayon sa Commission on Audit (COA).


Ayon sa COA nabigo ang DepEd na maabot ang mga target nito na maipamahagi ang mga binili nitong learning tools at equipment,  bumili ng mga bagong textbook, kumuha ng mga bagong guro, magpatayo ng mga bagong silid-aralan at maging sa school-based feeding program.


Sa report na inilabas ng COA noong Hulyo, sinabi ng audit team na nasayang ang pondo. Nagbanta rin ang audit team na maglalabas ng Notice of Disallowance sa mga transaksyong iregular, hindi kailangan, at labis ang paggastos.


Sa kabila ng pagiging huli ng mga estudyanteng Pilipino sa Science at Math batay sa global standard, nabigo ang DepEd na bumili at mamahagi ng Science at Math equipment package, at nabigo rin itong ipamahagi ang biniling TechVoc equipment packages.


Sa 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials na planong bilhin at ipamahagi noong 2023, ayon sa COA 1.87 milyon lamang ang naabot ng DepEd o 22 porsiyento ng target.


Ang pagbili at pamamahagi ng Information and Communication Technology (ICT) packages gaya ng laptop para sa mga guro, smart TV para sa mga klasrum, at  e-learning carts o rolling library na may laptop na maaaring ilipat-lipat sa mga klasru, 73,791 ang target pero ang naabot lamang ay 16,416 o 22 porsyento.


Sa pagkuha ng mga bagong guro, target ng DepEd na makakuha ng 15,365 pero 11,023 o 72 porsiyento lamang ang naabot nito.


Batay sa 2023 DepEd Performance Indicator, tanging 12,281 bagong silid aralan lamang ang naipatayo o 74 porsiyento ng kabuuang target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).


Kahit na mayroong sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), ang hindi umano maayos na procurement process at mga delay ay nagresulta sa pagkabigo na maabot ang target na 6.94 milyong estudyante. Ang nagbenepisyo lamang umano sa programa noong 2023 ay 5.33 milyong estudyante.


Pinuna rin ng COA auditors ang pagkabigo ng DepEd na makompleto ang DepEd Enterprise Resource Planning System (DERPS) kahit na mahigit P1 bilyon na ang naibayad nito sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).


Ang DepEd Computerization Program (DCP) para sa mga estudyante at guro ay mayroon lamang budget utilization rate na 50.07 porsiyento at wala itong accomplishment noong 2023.


Sa ilalim ng Last Mile Schools Program (LMSP) para sa mga liblib na lugar, 76 sa 98 pasilidad ang hindi matapos sa kabila ng pagbabayad ng kabuuang P211.23 milyong mobilization fee.


Ayon sa state auditor, ang DepEd ay mayroong underutilized available funding, nabigong gastusin ng episyente ang budget nito, gumawa ng kuwestyunableng paglilipat ng pondo, lumabag sa procurement procedure, at nabigong sumunod sa specifications at delivery targets nito. (END)


Fghjjjhhjjnnnnnn ng


RPPt Pamimigay ng panis na gatas, inaamag na nutribun sa mga estudyante, maituturing na krimen dahil sa kapabayaan



Maituturing na criminal negligence ang pamimigay ng panis na gatas at inaamag na nutribun sa mga estudyante, ayon sa mga miyembro ng Young Guns bloc sa Kamara de Representantes.


Ito umano ang maaaring harapin ng mga opisyal at dating opisyal ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng ulat ng Commission on Audit sa ipinamigay na panis na gatas at inaamag na nutribun noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.


Ayon kina Reps. Jefferson Khonghun of Zambales and Francisco Paolo Ortega V maging si VP Duterte ay may pananagutan sa nangyari kung ang prinsipyo ng command responsibility ang susundin.


Para kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng Appropriations committee, dapat panagutin ang mga nasa likod ng iregularidad na tinukoy ng COA sa implementasyon ng  P5.7 bilyong school-based feeding program ng DepEd noong nakaraang taon.


“Kawawa yung mga bata sa ating public schools na intended beneficiaries. Sana di sila nakainom ng sirang gatas or nakakain ng bulok na tinapay, pero baka nagutom sila,” aniya.


Suportado rin ni Co ang panawagam ng mga kasamahan nito sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon upang maiwasang maulit ang insidente.


Ayon kay Ortega layon sana ng school-based feeding program na tulungan ang mga mag-aaral na makuha ang tamang nutrisyon lalo na habang nasa eskuwelahan.


“Eh kung sıra ang gatas at nutribun o tinapay na dineliver, anong kinain ng mga bata? Wala. Kung ako ang magulang ng mga apektadong bata, magagalit ako,” sabi ni Ortega.


Para naman kay Khonghun, ang kabiguang ng mga opisyal ng DepEd sa ilalim ni VP Duterte na maipatupad ng maayos ang isang magandang programa ay nawala ang pagkakataon ng mga bata na makakuha ng sapat na nutrisyon at matutunan ang kanilang aralin.


“Kapag gutom ka, kumakalam ang sikmura mo - maging bata o matanda - ay di ka makakapag-focus sa pag-aaral o sa anumang ginagawa mo,” ani Khonghun.


“That is why we say this is criminal neglect on the part of the implementers of the program, from the highest level at DepEd to the level of the school-recipient,” saad pa nina Ortega at Khonghun.


Mas mabigat pa anila ang pananagutan kung may batang nagkasakit dahil sa ipinamigay na panis na gatas o inaamag na nutribun.


“Sana, wala namang na-ospital sÄ… kanila,” wika nila.


“The suppliers are equally guilty and they, too, should be punished,” dagdag mg dalawang kongresista.


Ayon sa ulat ng COA, ang panis na gatas, inaamag o pinamamahayan ng insekto na mga nutribun ay nangyari sa 10 sa 17 rehiyon ng bansa.


“Karamihan nitong sampung rehiyon ay nasa Mindanao. Pinabayaan ni VP Sara Duterte ang mismong kababayan niya doon,” diin nila. (END)


Xcvvnjjgfdthjcghhh


RPPt DepEd sablay sa pag-abot ng mga target sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara— COA


Nabigo ang Department of Education (DepEd) na maabot ang mga target nito noong 2023 sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ayon sa Commission on Audit (COA).


Ayon sa COA nabigo ang DepEd na maabot ang mga target nito na maipamahagi ang mga binili nitong learning tools at equipment,  bumili ng mga bagong textbook, kumuha ng mga bagong guro, magpatayo ng mga bagong silid-aralan at maging sa school-based feeding program.


Sa report na inilabas ng COA noong Hulyo, sinabi ng audit team na nasayang ang pondo. Nagbanta rin ang audit team na maglalabas ng Notice of Disallowance sa mga transaksyong iregular, hindi kailangan, at labis ang paggastos.


Sa kabila ng pagiging huli ng mga estudyanteng Pilipino sa Science at Math batay sa global standard, nabigo ang DepEd na bumili at mamahagi ng Science at Math equipment package, at nabigo rin itong ipamahagi ang biniling TechVoc equipment packages.


Sa 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials na planong bilhin at ipamahagi noong 2023, ayon sa COA 1.87 milyon lamang ang naabot ng DepEd o 22 porsiyento ng target.


Ang pagbili at pamamahagi ng Information and Communication Technology (ICT) packages gaya ng laptop para sa mga guro, smart TV para sa mga klasrum, at  e-learning carts o rolling library na may laptop na maaaring ilipat-lipat sa mga klasru, 73,791 ang target pero ang naabot lamang ay 16,416 o 22 porsyento.


Sa pagkuha ng mga bagong guro, target ng DepEd na makakuha ng 15,365 pero 11,023 o 72 porsiyento lamang ang naabot nito.


Batay sa 2023 DepEd Performance Indicator, tanging 12,281 bagong silid aralan lamang ang naipatayo o 74 porsiyento ng kabuuang target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).


Kahit na mayroong sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), ang hindi umano maayos na procurement process at mga delay ay nagresulta sa pagkabigo na maabot ang target na 6.94 milyong estudyante. Ang nagbenepisyo lamang umano sa programa noong 2023 ay 5.33 milyong estudyante.


Pinuna rin ng COA auditors ang pagkabigo ng DepEd na makompleto ang DepEd Enterprise Resource Planning System (DERPS) kahit na mahigit P1 bilyon na ang naibayad nito sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).


Ang DepEd Computerization Program (DCP) para sa mga estudyante at guro ay mayroon lamang budget utilization rate na 50.07 porsiyento at wala itong accomplishment noong 2023.


Sa ilalim ng Last Mile Schools Program (LMSP) para sa mga liblib na lugar, 76 sa 98 pasilidad ang hindi matapos sa kabila ng pagbabayad ng kabuuang P211.23 milyong mobilization fee.


Ayon sa state auditor, ang DepEd ay mayroong underutilized available funding, nabigong gastusin ng episyente ang budget nito, gumawa ng kuwestyunableng paglilipat ng pondo, lumabag sa procurement procedure, at nabigong sumunod sa specifications at delivery targets nito. (END)


Cvbbjhgdfthkbghhj


RPPt Kapayapaan isinusulong ni Speaker Romualdez pero handang ipagtanggol soberanya ng bansa



Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na handa ang Pilipinas na ipagtanggol ang soberanya nito laban sa lumalalang agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS), subalit nananatili umano itong bukas sa mapayapang pag-uusap.


“The Philippines remains committed to dialogue and a peaceful resolution, but we also stand ready to safeguard our sovereignty. We call for respect, and we are determined to meet any challenges that may arise,” ani Speaker Romualdez. “For the Philippines, for our future, and for our sovereignty, we will stand firm.”


Ang pahayag ng lider ng Kamara de Representantes ay direktang tugon sa pinakahuling pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua, isa sa pinakamalaki at pinaka-advance na patrol vessel ng bansa.


Nangyari ang pagbangga sa Escoda (Sabina) Shoal— na malinaw na nasa loob ng 370 kilometrong exclusive economic zone, ang ikalimang insidente sa loob lamang ng isang buwan na patunay ng umiinit na tensyon dahil sa mga aksyong ginagawa ng China.


Kinondena ni Speaker Romualdez ang ginawa ng China na bahagi umano ng isang malawak na pattern ng agresyon.


“With a heavy heart and unwavering resolve, I strongly condemn the recent acts of aggression by the China Coast Guard in the West Philippine Sea. The ramming of the BRP Teresa Magbanua, one of our largest and most modern patrol vessels, is a troubling incident that raises serious questions about respect for international law and our nation’s dignity,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


“To the government of the People’s Republic of China, I wish to convey our deep dismay at these developments. The Filipino people are committed to peace, yet we expect our sovereignty to be respected,” wika pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez na bagamat ang nais ng Pilipinas ay magkaroon ng isang constructive dialogue, numinipis na umano ang pasensya ng bansa.


“We continue to hope for constructive dialogue, but it is clear that our patience is being tested. We have an obligation, under our Constitution and as a member of the international community, to defend our territory,” punto pa nito.


Sa gitna ng lumalalang sitwasyon, nanawagan si Speaker Romualdez ng mas malakas na mga hakbang upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa, kabilang ang pagpapalakas ng presensya ng military at coast guard sa WPS at pagpapalakas ng alyansa nito sa ibang bansa.


“It is time for us to consider stronger measures. We should enhance our presence in the [WPS], reinforce our alliances, and ensure that our capabilities are sufficient to protect our sovereign rights,” saad pa nito.


Umapela rin si Speaker Romualdez sa international community na papanagutin ang China sa mga maling ginagawa nito.


“I urge the Department of Foreign Affairs to bring this matter to the attention of the highest levels of international diplomacy. The global community, including the United Nations, should be made aware of these concerning actions,” sabi pa nito.


Nanawagan din Speaker Romualdez sa mga Pilipino na magkaisa sa pagsuporta sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang maprotektahan ang integridad ng teritoryo ng bansa.


“To my fellow Filipinos, I ask for your continued support and unity during these challenging times. Let us stand together in defense of our nation, sending a clear message that while we seek peace, we are prepared to protect what is rightfully ours,” giit ng lider ng Kamara. (END)


Xxxxxcvbnnnvvghh


RPPt Garma ipaaaresto kapag muling hindi sumipot sa pagdinig ng Quad Comm



Nagbanta ang Quad Committee ng Kamara de Representantes na ipaaresto si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma gaya ng ibang ipinatawag ng komite na hindi sumipot sa pagdinig nito.


Ayon kay Rep. Robert Ace Barbers, ang lead chairman ng Quad Committee, naglabas na ang komite ng subpoena laban kay Garma, isang retiradong opisyal ng Pilippine National Police (PNP), upang humarap ito sa komite na nag-iimbestiga sa kaugnayan ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), bentahan ng ipinagbabawal na gamot, at extrajudicial killings sa Duterte war on drugs.


Sinabi ni Barbers na natuklasan ng Quad Committee, na binubuo ng Committee on Dangerous Drugs, Committee on Public Order and Safety, Committee on Human Rights, at Committee on Public Accounts, ang mga ebidensya na posibleng may kinalaman si Garma sa pag-organisa ng mga ilegal na operasyon noong siya ay nasa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao.


Ang mga testimonya na inilatag sa komite ay nag-ugnay kay Garma sa pagpaslang sa tatlong Chinese drug lords na sina Chu Kin Tung, Jackson Li, at Wong habang nakakulong ang mga ito sa Davao Prison and Penal Farm.


Inakusahan ng mga saksi si Garma, na ginamit ang kanyang posisyon sa CIDG at pinangunahan ang pagplano sa mga pagpatay sa pagpapatupad ng war on drug campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated,” ayon kay Barbers.


“We need her testimony to understand fully how these operations were conducted and to hold accountable all those involved,” saad pa nito.


Binigyang-diin ng komite na mahalaga ang pagdalo ni Garma sa susunod na pagdinig na itinakda sa Setyembre 3. Ang kanyang testimonya ay itinuturing na mahalaga para magbigay linaw sa lawak ng kanyang partisipasyon at matukoy ang buong katotohanan sa likod ng mga operasyong ito. Ang subpoena ng komite ay nag-uutos kay Garma na magbigay ng testimonya, at ang hindi pagsunod ay magreresulta sa agarang legal na hakbang laban sa kanya.


“If Lieutenant Colonel Garma refuses to attend, we will have no choice but to issue a warrant for her arrest. This is a matter of national importance, and we will not tolerate any obstruction to this investigation,” pahayag pa ni Barbers. 


“We are committed to ensuring that justice is served, and that means everyone involved must be held to account,” saad pa nito.


Nilinaw ng Quad Committee na seryoso sa pagpapatupad ng subpoena. Kung hindi susunod si Garma at hindi darating sa pagdinig, agad siyang isa-cite in contempt, na susundan ng utos na siya ay arestuhin at ikulong.


“Refusing to testify would be a serious act of defiance against the rule of law and could be seen as an attempt to hide the truth,” dagdag pa ni Barbers. 


“We have the authority and the resolve to compel her testimony, and we are prepared to use all legal means necessary to ensure her compliance.” (END)


Vbbbjjhgfghhcdfuujjg


RPPt Rep. Castro haharangin social aid fund ng OVP dahil sa kaduda-dudang rekord


Haharangin ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang hinihinging pondo para sa susunod na taon ng Office of the Vice President (OVP), partikular ang pondo para sa social aid dahil sa kaduda-duda nitong paggamit ng inilaang budget sa nakaraan.


“Given the previous misuse of confidential funds, we must ensure that public funds are allocated and utilized properly. Hindi natin pwedeng payagan na maglaan ng hiwalay na budget para sa social services sa isang opisina na may kaduda-dudang track record,” ani Castro.


Hindi na rin dapat pagkatiwalaan ang kaduda-dudang record ng paggasta ni Vice President Sara Duterte, kung saan una ng iniutos ng Commission on Audit (COA) sa Bise Presidente na isoli ang ₱73 million na confidential funds  na hindi pinahintulutan dahil sa hindi tamang paggasta.


“The COA’s findings are clear. Kung hindi kayang i-manage nang tama ang ₱73 million na confidential funds, paano natin pagkakatiwalaan ng mas malaking halaga. This is about protecting taxpayers’ money from potential misuse,” saad pa nito.


Sa huling budget briefing, binanggit ni Castro na nabigo si Duterte na maipaliwanag kung paano ginastos ang pondong mula sa buwis ng mamamayan. 


“We asked, and the Vice President could not give clear answers. ‘Sinimot’ niya ang confi funds pero ayaw niyang i-explain kung paano ginamit.”


“How can we, as lawmakers, justify giving her more funds when she cannot even account for the money she has already spent? Again, this is not about “politicizing” — ito ay tungkol sa pagprotekta ng pinaghirapan, pinagtrabahuan at pinagpawisang pera ng bawat Pilipino (this is about protecting the hard-earned money of every Filipino),” giit pa ni Castro.


Dagdag pa ng mambabatas, ang budget para sa mga serbisyong panlipunan ay dapat idirekta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi ilaan nang hiwalay sa OVP.


“The DSWD has the mandate and expertise to handle social services. By funneling the budget to the DSWD, we can ensure that the funds are used properly and reach those who need them most," wika pa ni Castro.


Tulad ng mga senador, kongresista, at opisyal ng mga lokal na pamahalaan, sinabi ni Castro na maaaring idaan ng OVP ang mga nais nitong tulungan sa DSWD.


“This approach not only promotes transparency and accountability but also ensures that funds are managed by an agency specifically trained and equipped to handle social welfare programs," ayon pa kay Castro.


Pagdidiin pa ni Castro tinutupad lamang ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin sa pagtiyak na ang pondo ng bayan ay gagastusin para sa kapakinabangan ng publiko.


“It is our responsibility to scrutinize how public funds are spent. We owe it to the Filipino people to ensure that their money is used wisely, transparently, and for their benefit, not to enrich those in power,” giit pa ni Castro. (END)