RPPt Makabayan bloc kay VP Sara: Tigilan na ‘pusit’ tactic, sagutin tanong sa paggastos ng pera ng bayan
Kinondena ng Makabayan bloc si Vice President Sara Duterte sa tangka umano nito na ilihis ang atensyon ng publiko para matabunan ang isyu ng mali nitong paggamit ng confidential funds.
Inilabas ng Makabayan bloc, na binubuo nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Raoul Manuel, ang pahayag matapos sabihin ni VP Duterte na mayroong sabwatan ang Makabayan-Romualdez-Marcos laban sa kanya.
“It is imperative to set the record straight: no such alliance exists. Rather than resorting to these squid tactics, Vice President Duterte should directly and truthfully respond to the questions to be raised during the interpellations on her office's next budget briefing scheduled for September 10,” sabi ng Makabayan bloc.
“She is expected to attend and explain to the committee how public funds were used,” dagdag pa ng bloc sa inilabas na joint statement.
Ayon sa Makabayan bloc nais ni VP Duterte na matabunan ang inilabas na Notice of Disallowance ng Commission on Audit (COA) sa ginawa nitong paggastos sa P125 milyong confidential fund noong 2022 na naubos sa loob lamang ng 11 araw.
Kinuwestyon ng auditors ng COA ang ginawang paggastos sa P73 milyon sa P125 milyong confidential fund at ipinababalik ito.
Bukod sa maling paggamit ng confidential fund, sinita rin ng COA ang paggastos sa budget ng Department of Education noong 2023. Si VP Duterte ang kalihim ng DepEd hanggang sa magbitiw ito noong Hulyo 2024.
Ayon sa Makabayan bloc, naglabas ang COA ng notices of suspension kaugnay ng kuwestyunableng paggamit ng P10.1 bilyong pondo, notices of disallowance sa kabuuang P2.2 bilyong pondo, at notices of charges sa paggamit ng P7.38 milyong pondo dahil sa hindi pagsunod ng batas at regulasyon.
Sinita rin ng COA ang paglaki ng cash advances ng DepEd na nagkakahalaga na ng halos P7 bilyon.
“Vice President Duterte must answer the extreme under utilization of the Department of Education budget while she had 100% utilization of confidential funds,” sabi ng Makabayan bloc.
Lumala umano ang krisis sa edukasyon sa pamumuno ni VP Duterte at hindi naabot maging ang sariling target nito gaya ng pagsasaayos ng 7,550 na ang natapos lamang ay 208 at pagtatayo ng 3 lamang sa 88 target na Last Mile School.
“Vice President Duterte's refusal to answer legitimate questions regarding her budget spending demonstrates a disregard for the principles of transparency, accountability, and the constitutional duties she swore to uphold. The misuse of public funds of the OVP and DepEd is an impeachable offense, particularly given the severe lack of funding for social services,” giit ng Makabayan bloc.
Iginiit din ng mga mambabatas na trabaho nila na usisain ang kung papaano ginagastos ang pondo ng bayan.
“It is ironic for someone to tell lawmakers 'magtrabaho muna' when she has a zero accomplishment rate for the DepEd computerization program, only 3% of her target classrooms built, P9.6B worth of laptops delayed for years and her nutribuns for feeding kids stale or moldy,” sabi ng mga mambabatas.
“So, enough with VP Duterte's squid tactics, we demand accountability. It is the right of the people to know how their money was spent, and it is our duty to ensure that public officials do not betray their trust as this becomes an impeachable offense,” dagdag pa ng Makabayan bloc. (END)
RPPt Pagtatama ni DepEd Sec. Angara sa mga problemang ipinamana ni VP Sara, suportado ng mga mambabatas
Ipinahayag ni Zamboanga Del Norte 3rd District Rep. Adrian Michael Amatong ang kanyang suporta sa pangako ni Sec. Sonny Angara na aayusin ang mga naiwang problema sa Department of Education (DepEd), na namana nito mula sa dating kalihim ng tanggapan na si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Amatong, ang mga isyung ito ay kinakailangang harapin ni Angara at umaasa na ang bagong pamunuan ay magkakaroon ng mas epektibong hakbang upang mapabuti ang estado ng edukasyon sa bansa.
Sa ginanap na pagdinig sa Kamara sa panukalang P793.18-bilyong badyet ng DepEd para sa 2025, ipinahayag ni Amatong ang kanyang pagkabahala sa kalagayan ng sistema ng edukasyon, lalo na ang mga matagal nang problema sa procurement ng departamento at ang labis na kakulangan ng mga silid-aralan at mga aklat sa buong bansa.
Binanggit ni Amatong na ang mga isyung ito ay patuloy na umiiral sa kabila ng malaking pondo na inilalaan ng pamahalaan, kaya naman mayroong mga pagdududa sa naging pamamahala sa tanggapan ni Vice President Duterte.
“Akala ko naman wala tayong pondo, meron pala. Di ko maintindihan anong klaseng katarantaduhan ang nangyayari, bakit nagsa-suffer ang mga bata? Kasi po kung wala tayong pondo, maintindihan ko eh, pero bakit po DepEd, bakit po, meron naman pala?” tanong pa ni Amatong, lalo’t napakaraming mga estudyante, partikular sa mga mahihirap na distrito, ang walang nagagamit na aklat at kagamitan sa pag-aaral.
Kumpiyansa naman si Amatong na sa ilalim ng pangangasiwa ni Angara bilang bagong kalihim ng tanggapan, ay direktang haharapin nito ang mga minanang problema.
“We’ll make sure, Your Honor, that we will coordinate with you. Tayo, we pledge to be fair in the distribution of classrooms. Pagbigyan ninyo sana dahil bago pa po kami. Give us a chance to show, ipakita po namin ‘yun, na makaka-deliver po kami,” sagot naman ni Angara sa komite.
Kinumpirma naman ni Amatong ang lawak ng mga hamon na haharapin ni Sec. Angara dahil sa mga problemang naiwan ni VP Duterte.
“Alam kong kailangan mo ng milagro dyan para maitama lahat,” ayon pa kay Amatong, na kinikilala ang malaking trabaho na kailangang gawin ni Angara upang makamit ang mga layunin para sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon.
Binigyang-diin pa ng mambabatas ang pangangailangan na agad na matugunan ang lumalaking kakulangan ng mga silid-aralan, na umaabot sa 160,000 klasrum.
“We talk about improving the learning environment, about computers and textbooks, but if there are no classrooms, what kind of environment are we providing?” tanong pa ni Amatong, na nagbibigay diin sa pagkabigo ng nakalipas na administrasyon na unahin ang mahalagang aspeto ng edukasyon.
Tumugon si Angara sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang matibay na pangako na gawin ang mga kinakailangang pagbabago sa DepEd upang masolusyunan ang mga problema at mapabuti ang sistema ng edukasyon.
“We are committed to making extraordinary efforts to address these concerns. We see the low obligation rates and undelivered resources, and we know this cannot continue. We will change the system,” ayon kay Angara.
Umaasa si Amatong na sa ilalim ng pamumuno ni Angara ay masosolusyunan ang matagal nang mga isyu sa DepEd.
Hinimok din niya ang Kongreso na pondohan ang hiling ng DepEd na karagdagang P30 bilyon para sa mga silid-aralan, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay sa bawat estudyante ng maayos na lugar para sa pag-aaral.
“Let’s ensure that every student has a proper learning environment,” ayon pa kay Amatong, na tiwala at suportado si Angara para baguhin at ayusin ang sektor ng edukasyon. (END)
RPPt Makabayan bloc kay VP Sara: Tigilan na ‘pusit’ tactic, sagutin tanong sa paggastos ng pera ng bayan
Kinondena ng Makabayan bloc si Vice President Sara Duterte sa tangka umano nito na ilihis ang atensyon ng publiko para matabunan ang isyu ng mali nitong paggamit ng confidential funds.
Inilabas ng Makabayan bloc, na binubuo nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Raoul Manuel, ang pahayag matapos sabihin ni VP Duterte na mayroong sabwatan ang Makabayan-Romualdez-Marcos laban sa kanya.
“It is imperative to set the record straight: no such alliance exists. Rather than resorting to these squid tactics, Vice President Duterte should directly and truthfully respond to the questions to be raised during the interpellations on her office's next budget briefing scheduled for September 10,” sabi ng Makabayan bloc.
“She is expected to attend and explain to the committee how public funds were used,” dagdag pa ng bloc sa inilabas na joint statement.
Ayon sa Makabayan bloc nais ni VP Duterte na matabunan ang inilabas na Notice of Disallowance ng Commission on Audit (COA) sa ginawa nitong paggastos sa P125 milyong confidential fund noong 2022 na naubos sa loob lamang ng 11 araw.
Kinuwestyon ng auditors ng COA ang ginawang paggastos sa P73 milyon sa P125 milyong confidential fund at ipinababalik ito.
Bukod sa maling paggamit ng confidential fund, sinita rin ng COA ang paggastos sa budget ng Department of Education noong 2023. Si VP Duterte ang kalihim ng DepEd hanggang sa magbitiw ito noong Hulyo 2024.
Ayon sa Makabayan bloc, naglabas ang COA ng notices of suspension kaugnay ng kuwestyunableng paggamit ng P10.1 bilyong pondo, notices of disallowance sa kabuuang P2.2 bilyong pondo, at notices of charges sa paggamit ng P7.38 milyong pondo dahil sa hindi pagsunod ng batas at regulasyon.
Sinita rin ng COA ang paglaki ng cash advances ng DepEd na nagkakahalaga na ng halos P7 bilyon.
“Vice President Duterte must answer the extreme under utilization of the Department of Education budget while she had 100% utilization of confidential funds,” sabi ng Makabayan bloc.
Lumala umano ang krisis sa edukasyon sa pamumuno ni VP Duterte at hindi naabot maging ang sariling target nito gaya ng pagsasaayos ng 7,550 na ang natapos lamang ay 208 at pagtatayo ng 3 lamang sa 88 target na Last Mile School.
“Vice President Duterte's refusal to answer legitimate questions regarding her budget spending demonstrates a disregard for the principles of transparency, accountability, and the constitutional duties she swore to uphold. The misuse of public funds of the OVP and DepEd is an impeachable offense, particularly given the severe lack of funding for social services,” giit ng Makabayan bloc.
Iginiit din ng mga mambabatas na trabaho nila na usisain ang kung papaano ginagastos ang pondo ng bayan.
“It is ironic for someone to tell lawmakers 'magtrabaho muna' when she has a zero accomplishment rate for the DepEd computerization program, only 3% of her target classrooms built, P9.6B worth of laptops delayed for years and her nutribuns for feeding kids stale or moldy,” sabi ng mga mambabatas.
“So, enough with VP Duterte's squid tactics, we demand accountability. It is the right of the people to know how their money was spent, and it is our duty to ensure that public officials do not betray their trust as this becomes an impeachable offense,” dagdag pa ng Makabayan bloc. (END)
RPPt Rigged bidding para sa P8B halaga ng laptop, e-learning materials pinaiimbesitagan sa Kamara
Pinaiimbestigahan ng isa sa mga pinuno ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang umano’y iregularidad sa bidding para sa P8 bilyong halaga ng laptop at iba pang e-learning materials sa ilalim ng Department of Education’s (DepED) Computerization Program sa panahon ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, vice chairman ng House Committee on Appropriations, naglaho ang sana ay P1.6 bilyong matitipid ng gobyerno mula sa naunang bidding ng proyekto.
Sa ginanap na pagdinig ng Mababang Kapulungan noong Lunes sa panukalang P793.18 bilyong badyet ng DepEd, sinabi ni Bongalon na posibleng nagkaroon ng iregularidad sa bidding ng P8 bilyong sa pagbili ng mga laptop na dalawang beses isinalang sa bidding.
“Sa madaling sabi po, Madam Chair, rigged po ‘yung bidding,” hinala ni Bongalon.
“And I would like to manifest, Madam Chair, this warrants an in-depth investigation probably in a proper committee after this budget hearing,” sabi ni Bongalon sa briefing ng House Committee on Appropriations na pinangasiwaan ni Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora.
Dahil walang tumutol, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang mosyon ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky” Luistro na maglabas ng subpoena duces tecum para sa DepEd.
“I would just like to say na may conspiracy na naganap. Imagine, nagbidding na, and it’s all favorable to the government tapos nag-rebidding naging 1% yung variance. Hindi po ba yun malaking kuwestiyon sa DepEd family?” ani Bongalon.
“Sa madaling sabi dito, Madam Chair, tumaas ang presyo ng laptop, and it is because of the conspiracy of the people behind this bidding of laptops,” saad pa nito.
Sa pagdinig, binanggit ni Bongalon kay Education Secretary Juan Edgardo Angara ang nakakabahalang usapin ng pagbili ng mga laptops at kagamitan para sa pampublikong paaralan noong 2022 at 2023, na problemang kanyang minana bilang kahalili ng Bise Presidente.
Ayon kay DepEd Undersecretary Gerard Chan sa unang bidding ay dalawa lamang sa 16 na proyekto ang naipagkaloob, habang ang nalalabing 14 na disqualified bidders ay muling binigyan pagkakataon na mag-rebid.
Sinabi pa ni Bongalon na ayon sa natanggap na impormasyon ng kaniyang tanggapan, nasa 24 porsiyento ang pagitan ng pagkakaiba sa presyo ang naitala sa unang bidding.
Nakakagulat pa ayon kay Bongalon na sa rebidding, ang pagkakaiba ng presyo ay bumababa ng hanggang sa 1% na lamang, dahilan upang masayang ang sana ay P1.6 bilyong matitipid ng gobyerno.
“I raise these concerns because probably there is an irregularity in the procurement. And there are personalities involved at mayroon pong nakialam dito, yun po ang paniniwala ko,” giit ni Bongalon.
“Kasi nagkaroon na po ng bidding. Ang hindi ko po maintindihan, bakit hindi natin tinuloy? Sayang po ng P1.6 billion na mase-save po ng ating gobyerno. Sabihin na lamang natin na ang laptop is worth P100,000, ilang laptops na po ang mabibili nun?” saad pa nito. “So I want answers, Madam Chair, from the Department of Education kung sino po ang mga personalidad during that time.”
Si Chan ang humalili sa mga dating Undersecretaries ng DepEd na sina Michael Poa at Gloria Mercado.
Sa kasalukuyan si Poa ay kasama ni Duterte sa Office of the Vice President bilang tagapagsalita, habang nag-avail ng maagang pagreretiro si Mercado.
Isa pang opisyal ng DepEd na isinasangkot sa umano’y manipuladong bidding ang nagbitiw na, si dating Assistant Secretary Francis Cesar Bringas.
Sinabi ni Chan na sa panahon ng unang bidding, si Bringas ang chairman ng Bids and Awards Committee, at si Mercado ang Head of the Procuring Entity (HOPE). Ang dalawa aniya ay kapwa wala na ngayong kaugnayan sa DepEd.
Ayon pa kay Chan, ang pumalit kay Mercado bilang HOPE sa ikalawang bidding ay si dating DepEd Undersecretary Michael Poa, na ngayo’y tagapagsalita ni VP Duterte.
Pinipilit ni Bongalon si Chan na magbigay ng paliwanag kung bakit kinailangan na ipagpatuloy ang bidding para sa pondo ng computerization program, at bakit bumaba nang malaki ang pagkakaiba ng presyo mula sa 24% sa unang bidding hanggang sa 1% sa rebidding, na hindi naman masagot ni Chan.
“The Filipino people deserve to know, dahil pondo po ito ng taumbayan. Ang pondo pong ito ay para pambili ng laptop and other ECLs. So ‘yun lang po ang aking kinukwestyon dito, the possible irregularity, the graft and corruption that is so patent in this bidding,” ayon pa kay Bongalon.
Naniniwala si Bongalaon ang posibilidad na ang ilan sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) noon o ng Head of the Procuring Entity (HOPE) ay maaaring may kinalaman sa iregularidad sa bidding.
“Probably, Madam Chair, involved dito ang mga nakaupo sa BAC and, of course, ‘yung head of the procuring entity,” giit pa nito. (END)
RPPt VP Sara hinamon na ipakita kung saan napunta bilyun-bilyong pondo para sa socio-economic programs sa Metro Manila
Hinamon ni Manila Rep. Rolando Valeriano si Vice President Sara Duterte na ipakita kung saan napunta ang bilyun-bilyong pondo na ginastos umano ng tanggapan nito sa mga socio-economic programs sa Metro Manila noong nakaraang taon at ngayong 2024.
Sa isang privilege speech, tinuligsa ni Valeriano ang magaspang na pag-uugali na ipinakita ni VP Duterte sa briefing ng House Committee on Appropriations noong nakaraang linggo kaugnay ng panukalang P2.037 bilyong pondo ng Office of the Vice President para sa 2025.
Sinabi ni Valeriano na kung hindi maipapakita ni VP Duterte kung saan napunta ang pondo ng OVP para sa socio-economic program ay paghihinalaan ng taumbayan na inaksaya lamang ito.
Ipinagtaka rin ni Valeriano kung bakit nakatuon sa Metro Manila ang socio-economic programs nito gayung siya ay Bise Presidente ng buong bansa.
“Ang nakapagtataka sa kanyang budget ng 2023, 2024, at 2025 ay bakit sa National Capital Region lang nakalaan ang mga ayuda programs niya. Bilang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, nagtataka lang ako kung saan dito sa Metro Manila napunta ang bilyong pondo ng Socioeconomic Programs ng kanyang opisina,” sabi ni Valeriano.
“Nagtataka ako dahil siya naman ay Pangalawang Pangulo ng buong bayan.”
“Sa kanilang 2025 budget proposal, mayroon silang 977, 615 beneficiaries. Nasaan na ang mga ito? Totoo ba ito lahat at verified ba?” tanong ni Valeriano.
Sinabi rin ni Valeriano na batay sa rekord ng OVP lumagda ito sa 793 “strategic partnerships” para sa implementasyon ng mga programa nito noong 2023.
“Nasaan ang listahan ng strategic partnerships at mga strategic partnership agreements? At kapag walang totoong listahan ng beneficiaries at dokumento ng strategic partnership, hindi malayong maghinala ang taumbayan na nawala ang pondo ng bayan, para siguro sa darating na panahon,” sabi ng solon.
Sa halip na ipaliwanag ang kanyang mga programa, sinabi ni Valeriano na tumanggi si VP Duterte na sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas.
“At bilang pagtatapos, nais ko lang ipaalala sa mga botante sa Maynila at sa buong bansa, hindi nararapat sa atin, lalo na't siya'y nag-aambisyon na maging Pangulo, ang ayaw magsabi kung saan ginastos ang pondo ng bayan,” saad pa ni Valeriano.
Nagtanong din ang mambabatas kung sino ang boss ni VP Duterte.
“Sino ba talaga ang boss at pinaglilingkuran niya? Baka naman ang boss niya ay humaharang sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda o ang mga promotor ng POGO,” sabi nito.
“Ganyan ba ang asal ng ating Bise Presidente at nag-aambisyong maging Presidente? We deserve better,” dagdag pa niya.
Ipinaalala ni Valeriano na ang pondo ng OVP ay hindi pera ni VP Duterte kundi pera ng taumbayan na maaaring suriin ng Kongreso upang malaman kung tama ang ginawang paggastos dito.
“Hindi pera ng Pangalawang Pangulo ang Office of the Vice President budget para sa 2022, 2023, 2024, at 2025. Pondo ng bayan iyan. Kaya nga mayroong budget hearings ay para malaman ng ‘madlang pipol’ kung paano ginagastos ng mga opisina ng gobyerno ang pondo ng bayan na ipinagkatiwala sa kanila,” wika pa ni Valeriano.
Hindi rin nagustuhan ni Valeriano ang magaspang na pag-uugaling ipinakita ni VP Duterte sa pagdinig ng Appropriations committee noong nakaraang linggo.
“Dito sa Kamara, hindi natin tinatapatan ng kabatusan ang kabastusan. Maling asal kasi iyon. Sa Maynila, at dito sa Kamara pamantayan natin ang pagiging magalang, kasi kaugaliang Pilipino iyan,” sabi pa nito.
“Maling akala ni Vice President na siya ay hindi maaaring salungatin ng kahit sino…Maling akala ni VP Sara na may kapangyarihan siyang utusan ang Committee on Appropriations na palitan ang Presiding Officer nito…Maling akala rin ni VP Sara na wala tayong karapatan magtanong ng anumang bagay tungkol sa budget ng kanyang opisina,” dagdag pa ng mambabatas.
Isa umanong kaduwagan ang pagtakas ni Duterte sa mga tanong ng mga kongresista.
“Isang kaduwagan at pag iwas sa tanong ang kanyang sagot. Iyan ang nagdudumilat na katotohanang nasaksihan natin sa budget hearing. Takot sa mga lehitimong mga tanong ng taumbayan,” giit pa nito. (END)
RPPt Ex-warden ikinanta pananakot ni ex-PCSO chief Garma para hindi kumontra sa paglikida sa 3 Chinese drug lord
Ikinanta ng dating warden ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) ang ginawang pananakot sa kanya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma upang hindi tumutol sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lord noong 2016.
Sa pagdinig ng quad committee ngayong Miyerkoles, binawi ni Supt. Gerardo Padilla ang kanyang naunang salaysay na hindi nito naka-usap si Garma, na dating deputy chief ng CIDG sa Davao kaugnay ng pagpatay kina Chu Kin Tung, alias Tony Lim; Li Lan Yan, alias Jackson Li; at Wong Meng Pin, alias Wang Ming Ping.
“During the Public Hearing of the House Quadcom held on Aug. 28, 2024, when asked if I had the conversation with then CIDG Garma, I denied it because I was under threat and I am concerned with my safety and that of my family who lives in Davao City,” ani Padilla sa nilagdaang dalawang pahinang affidavit na isinumite sa Quad Comm.
“In fact and in truth, I had a conversation of CIDG Chief Garma as mentioned above but I did not divulge at the time for security reasons,” dagdag pa niya.
Nauna ng sinabi ng mga PDL (persons deprived of liberty) na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro na sangkot si Padilla sa pagpatay sa tatlong Chinese nationa na iniutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
”I am executing this affidavit to attest to the truth of the foregoing and to correct the testimony I gave during the Quadcom Public Hearing,” ani Padilla.
Saad niya na sa pagitan ng mga taong 2015 at 2016, noong siya ay nagsisilbing acting superintendent ng DPPF, tinawagan siya ni Garma sa pamamagitan ng cellphone ng inmate na si Jimmy Fortaleza, at sinabihan na huwag makiki-alam sa mga trabahong gagawin sa DPPF.
Si Garma noon ay opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao.
“Prior to such killings, I have been subjected to an intense pressure by then CIDG Officer Royina Garma who called me up through the cellphone of another inmate Jimmy Fortaleza,” ani Padilla.
“Chief Garma told me ‘may mga tao kami dyan na gagawa at huwag mo na kwestiyonin, and whether you like it or not we will operate and do not interfere, baka madamay pa pamilya mo.’ She added that ‘mag cooperate ka na lang or mananagot ka sa amin,’” pagpapatuloy niya.
“To my mind, the call from then CIDG Officer Garma was intense pressure and threat to me because I knew for a fact of the operation made against a certain drug lord in Leyte days before she called me,” saad pa niya.
Nangamba umano si Padilla sa kanyang kaligtasan kaya hindi naki-alam kahit na natugunan na mayroong masamang balak sa tatlong Chinese drug lords.
“Because of the call of CIDG Garma, I became wary of my safety and I began to observe the personnel of DPPF who among them were the people referred to by CIDG Garma,” wika pa niya.
“Although I have not personally met CIDG Garma, I knew the one I talked with was Garma because inmate Jimmy Fortaleza told me Garma wants to talk to me and thereafter handed over to me his cellular phone,” sabi pa niya.
Idinawit din ni Padilla ang isa pang opisyal ng piitan na gumagawa ng sarili niyang aksyon sa DPPF.
“Among the personnel I have strong inkling to consider as people referred to by Ms. Garma was then Deputy Superintendent for Security Operation Robert Quinto and inmate Jimmy Fortaleza,” paglalahad niya.
“Since the time of the call of CIDG chief Garma, I have since desisted from interfering with the security operations of the DPPF and allowed Deputy Quinto to make his own moves,” pagbabahagi pa niya added.
“On the day of the killings, I was already in my quarters and no longer on duty. When was informed of the incident, I immediately went to the crime scene and ordered medical team to bring the PDL to Davao Medical Center,” ani Padilla.
Matatandaan na ipina-contempt ng komite si Padilla noong Agosto 28 dahil sa pagsisinungaling sa isinagawang pagdinig ng Quad Comm na nagsisiyasat ukol sa POGOs, bentahan ng iligal na droga, EJKs, at iba pang isyu.
Ilan pa sa mga testigo sa Quad Comm ang idinawit kay Garma sa pagpa-plano at pagsubaybay sa pagpaslang sa loob ng DPPF. Inimbitahan na siya komite ngunit bigo pa ring humarap sa pagdinig.
“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated,” nauna ng sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang lead chairperson ng Quad Comm. (END)
RPPt Speaker Romualdez plinantsa pagpapalabas ng P390M calamity aid sa mga biktima ng Bagyong Enteng
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., plinantsa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Lunes ng gabi ang pagpapalabas ng P390 milyong halaga ng tulong pinansyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng na nagpabaha sa malaking bahagi ng Metro Manila at CALABARZON.
Ang tanggapan ni Speaker Romualdez at ng Tingog Party-list ay maglalabas din ng pondo para sa pamamahagi ng 35,000 food packs na naglalaman ng de lata, noodles, at bigas sa mga evacuation center sa Metro Manila at Rizal simula ngayong Martes.
“Sisimulan natin ngayon ang ating relief mission katuwang ang Tingog Partylist. Nauna tayong humiling ng hiwalay na pinansiyal na ayuda para sa mga distritong nasalanta alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na alalayan ang mga naapektuhan ng bagyo,” ani Speaker Romualdez. “My heartfelt sympathies are with all Filipino families affected by Typhoon Enteng. The flooding in the National Capital Region and CALABARZON, especially soon after Typhoon Carina, is a heavy burden.”
“I understand how overwhelming it must be to face these challenges back-to-back, and I want you to know that you are not alone – we stand with you during this difficult time,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Ayon kay Speaker Romualdez, isang abugado mula sa University of the Philippines (UP), tig-P10 milyong financial aid ang ibibigay sa mga pamilyang apektado sa 39 na congressional district na naapektuhan ng bagyo.
Ang kabuuang P390 milyong financial assistance ay popondohan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We, at the House of Representatives, have quickly organized financial assistance to help those in need. Through the DSWD AKAP Program, we are providing P10,000 to each of the affected families. While this may be a small step, I hope it offers some immediate relief and helps you begin the process of rebuilding,” wika pa ni Speaker Romualdez.
“I want to extend my sincere gratitude to the House Members who moved swiftly to ensure this support reached those who need it most. Their dedication to serving their communities in such trying times is commendable,” dagdag pa nito.
Uunahin sa mga bibigyan ng tulong pinansyal ang mga pinakabulnerableng sektor na nasalanta ng bagyo upang mabilis na makabangon ang mga ito, ayon kay Speaker Romualdez.
Ang mga benepisyaryo ay mga residente sa distrito nina Rep. Oscar Malapitan, Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy, Rep. Dean Asistio, Rep. Camille Villar, Rep. Romulo Peña Jr., Rep. Luis Campos Jr., Rep. Josephine Veronique Lacson-Noel, Rep. Neptali Gonzales II, Rep. Ernix Dionisio, Rep. Rolando Valeriano, Rep. Joel Chua, Rep. Edward Maceda, Rep. Irwin Tieng, Rep. Benny Abante, Rep. Maan Teodoro, Rep. Stella Quimbo, Rep. Jaime Fresnedi, Rep. Toby Tiangco,
Rep. Edwin Olivarez, Rep. Gustavo Tambunting, Rep. Antonino Calixto, Rep. Roman Romulo, Rep. Arjo Atayde, Rep. Ralph Tulfo, Rep. Franz Pumaren, Rep. Marvin Rillo, Rep. PM Vargas, Rep. Marivic Co-Pilar, Rep. Bel Zamora, Rep. Ading Cruz, Rep. Pammy Zamora, Rep. Eric Martinez, Rep. Michael John Duavit, Rep. Dino Tanjuatco, Rep. Jose Arturo Garcia, Rep. Juan Fidel Nograles, Rep. Mark Enverga, Rep. Romeo Acop at Rep. Robbie Puno.
“As we work together to recover from the effects of Typhoon Enteng, let us continue to support one another. Though the road ahead may be challenging, with compassion and determination, I believe we can rebuild and move forward,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. “To the typhoon victims, please take care and remember that we are with you every step of the way.” (END)