RPPt 3,000 COLLEGE STUDENTS, TINULUNGAN SA GASTUSIN
Pinagkaguluhan at masayang sinalubong ng kabataan si House Speaker Martin Romualdez nang pangunahan niya ang pamamahagi ng pangmatrikula at suportang pinansiyal sa 3,000 college students na benepisyaryo ng Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP for the Youth) sa seremonyang isinagawa sa Leyte Academic Center sa Palo, Leyte ngayong Biyernes ng umaga, Agosto 2.
Saksi sa pagtanggap ng tulong ng mga estudyanteng benepisyaryo, pawang taga-Eastern Visayas, ang 241 kongresista, kabilang sina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose "Mannix" Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, at ang mga lokal na opisyal.
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#BPSF
#Duterte
————————
RPPt Appropriations committee umapela sa agarang pagpasa ng P6.352T badyet para sa 2025
Pormal ng inendorso ng House Committee on Appropriations sa plenaryo ang panukalang P6.352 trilyong badyet para sa 2025, ang hudyat ng pagsisimula ng mahalagang debate kaugnay ng planong paggastos sa pondo sa susunod na taon.
Umapela sina Appropriations Committee Chairman Zaldy Co, ng Ako Bicol, at Senior Vice Chair Stella Luz Quimbo, ng Marikina City, sa kanilang mga kasamahan sa Kamara na bigyang-prayoridad ang agarang pagpasa ng House Bill No. 10800, o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Isinalang sa plenaryo ang panukalang badyet matapos ang anim na linggong masinsinang pagsusuri, na mahalaga upang masigurong makakamit ng pamahalaan ang mga prayoridad nito at matugunan ang mga pangangailangan ng bansa sa susunod na taon.
Sa kanyang sponsorship speech, binigyang-diin ni Co ang kahalagahan ng badyet bilang isang pagsasabuhay ng "power of the purse" ng Kongreso, na tinututukan ang mahalagang papel nito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino at sa pagsulong ng pag-unlad ng bansa.
"Bilang kinatawan ng taumbayan, tungkulin nating tiyakin na ang yaman ng pamahalaan ay nakatalaga nang wasto, patas, at mahusay. Tinutupad natin ang sinumpaang tungkulin na mapaglingkuran ang sambayanan,” saad nito.
Binigyan-diin ni Co ang kahalagahan na magamit ang pondo ng naayon sa batas upang masiguro ang pagiging tapat at may pananagutan sa paggasta ng gobyerno.
"Walang pera ang maaaring gastusin mula sa kaban ng bayan nang labag sa batas, kaya’t mahalaga ang pagpasa ng [GAB],” giit pa ng mambabatas.
Sinabi ni Co na tinitiyak ng panukalang badyet ang paglalaan ng pondo para sa mga pampublikong programa at proyekto, na maghahatid ng mahahalagang serbisyo habang sinusuportahan ang paglago ng ekonomiya at lipunan.
Ipinaliwanag ni Co na ang panukalang badyet ay nakatuon sa pagtiyak na ang mga kinakailangang pondo ay mapupunta sa mga mahahalagang programa at proyekto ng pamahalaan.
“Pinopondohan nito ang mga pampublikong programa at proyekto. Tinitiyak ang epektibong paghahatid ng mahahalagang serbisyo. At itinataguyod ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya at lipunan,” saad pa nito.
Kabilang sa pangunahing binibigyan tuon ng badyet ang pagpapaunlad ng bawat indibidwal at lipunan, paglikha ng trabaho, at pagpapabuti ng imprastraktura at pamamahala ng bansa.
Ang edukasyon, bilang pangunahing prayoridad, ay pinaglaanan ng P977.6 bilyon upang matiyak na accessible, at quality education para sa lahat ng Pilipino. Ang public works and highways ay makatatanggap ng P900 bilyon, habang ang sektor ng kalusugan ay makatatanggap ng P297.6 bilyon upang mapabuti ang mga serbisyo sa kalusugan sa buong bansa. Ang human and social development programs ay makakatanggap ng P2.120 trilyon, na kumakatawan sa 33.38% ng kabuuang badyet.
Nakaayon din ang 2025 GAB sa “legacy projects” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na nakatuon sa mga specialty hospitals, seguridad sa pagkain, at pabahay para sa mga mahihirap.
"Nakasentro ang atensyon ng pamahalaan na tiyaking may maayos tayong mga ospital para alagaan ang mga Pilipino, may sapat tayong pagkain, at may disenteng tirahan,” ayon kay Co.
Binigyang-diin naman ni Quimbo na ang pambansang badyet ay hindi lamang koleksyon ng mga numero—kundi ito ay isang komprehensibong plano upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng pamilyang Pilipino araw-araw.
“I stand before you today, not just as a public servant, but as a fellow Filipino, fully aware of the daily challenges our people face—the high cost of basic needs, especially rice and electricity, to unforeseen events such as illness, death, and job loss that can easily push a family into poverty,” ayon kay Quimbo.
Tinawag din ni Quimbo ang badyet bilang “book of solutions” na idinisenyo upang itaas ang estado ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtugon sa mga mahahalagang usapin.
Bukod sa education at healthcare, binigyang-tuon din ni Quimbo ang kahalagahan ng paglalaan ng P211.3 bilyon sa agriculture sector, na naglalayong tiyakin ang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga magsasaka at pagtiyak ng sapat at abot-kayang pagkain para sa mga Filipino.
Binanggit din ng lady solon, ang P253.378 bilyong na inilaan para sa social assistance programs o “ayuda,” na dinisenyo upang suportahan ang mga mahihirap at nangangailangan.
Kumpiyansa si Quimbo sa positibong paglago ng ekonomiya na naabot ng bansa, na nagtala ng 6.3% na pagtaas sa GDP sa unang semestre ng 2024, na dulot ng maayos na pamamahala sa pananalapi.
Inihalimbawa rin niya ang 3.3 percent inflation rate noong Agosto, na mas higit na mababa kaysa sa mga datos ng nakaraang taon, at ang bumababang unemployment rate, na bumaba sa 4.7%, kung saan mas maraming Pilipino ang nakakakuha ng dekalidad na trabaho.
Binanggit din ni Quimbo, na ang 2025 GAB ay idinisenyo upang tiyakin ang patuloy na pag-unlad ng bansa ay makakamit, at naglalayong tiyakin na ang mga benepisyo ng pag-unlad ay makakarating sa mga tao na pinaka nangangailangan ng tulong.
“Narito tayo ngayon hindi para magturuan, kundi para tiyakin na ang badyet na ating tatalakayin ay magsisilbing gabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan,” saad pa ni Quimbo. “Isang badyet na magbibigay ng tiwala sa bawat Pilipino na ang pamahalaan ay tapat na naglilingkod para sa kanilang kapakanan.”
Dagdag pa ni Quimbo, “Ang badyet na ito ay hindi lang mga numero—ito ay plano para matiyak na bawat piso ay magagamit nang tama at mararamdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng mga pinaka-nangangailangan. Sama-sama nating isusulong ang badyet na magbibigay ng pag-asa at progreso.” (END)
————————-
RPPt Speaker Romualdez: Kamara papanagutin mga opisyal na mali paggamit ng pondo ng bayan
Nagbabala si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kukunsintihin ng Kamara de Representantes ang maling paggamit ng pondo ng bayan.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng deliberasyon ng plenaryo sa panukalang P6.352 trilyong national budget nitong Lunes, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi palalagpasin ng Kamara ang pagmamaliit sa trabaho nitong bantayan ang badyet ng gobyerno upang matakasan ang kanilang pananagutan sa maling paggamit ng pondo.
“We cannot ignore the reality that there are those who seek to undermine our work - critics who speak of accountability while conveniently ignoring their own misuse of public funds,” ani Speaker Romualdez.
“To these individuals, I say, let us be clear: this chamber will not tolerate hypocrisy, nor will it stand idle in the face of such blatant disregard for public trust.”
“Hindi maaaring magturo ng daliri ang may sariling kasalanan. Sa harap ng Kongreso, lahat ay dadaan sa tamang proseso, at walang makakatakas sa pananagutan,” dagdag pa nito kasabay ng pagggit na itutulak ng Kamara ang may pananagutang paggastos.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa mahabang panahon ay sinusuri ng Kamara ang panukalang badyet upang matiyak na nakalinya ito sa prayoridad ng national government at para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi para sa pansariling kapakinabangan.
“Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling pakinabang ng iilan. Tungkulin natin na tiyakin na bawat piso ay ginagamit para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” giit ni Speaker Romualdez.
Tiniyak ng Speaker sa publiko na mananatiling walang kompromiso ang Kamara sa pagtatanggol nito sa mabuting pamamahala, pananagutan sa pananalapi, at pagbibigay proteksyon sa pera ng mga nagbabayad ng buwis. Nilinaw niya na walang indibidwal o espesyal na interes ang bibigyan ng hindi nararapat na pabor o konsiderasyon.
“This House answers to no one but the people. We will stand firm against pressure or influence, and we will guard every peso as if it were our own. The eyes of the nation are on us, and we will not fail them,” saad pa ni Speaker Romualdez.
“Walang makakalusot sa ating pagsusuri. Tayo ang boses at mata ng taumbayan, at sa kanilang pangalan, tayo ang magbabantay laban sa pag-abuso at korapsiyon,” dagdag pa nito.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa pagbabantay sa pondo ng bayan at sinabihan ng mga ito na ang kanilang prayoridad ay ang sambayanang Pilipino at ang matiyak na tamang paglalaan ng pondo at matiyak na hindi ito naaabuso.
“As legislators, we are not only guardians of the national purse, but also stewards of the people’s trust. Every peso we allocate in this budget carries with it the sweat and sacrifice of millions of Filipinos, and it is our duty to ensure that these resources are spent wisely, effectively and with absolute accountability,” sabi pa ng lider ng Kamara.
Iginiit ni Speaker Romualdez na ang polisiya sa pagba-badyet ay para maabot ang fscal discipline nang natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
“It reflects the aspirations of the nation and serves as a roadmap toward stability, progress and shared prosperity,” dagdag pa nito.
Sa pagbubukas ng debate sa plenaryo ng panukalang 2025 badyet, hinamon ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Kamara na magtrabaho ng mayroong kumpiyansa at may pagmamadali upang maipasa ito sa tamang oras.
“Patuloy nating itaguyod ang responsableng pamamahala sa pondo ng bayan, palakasin ang ating ekonomiya, at itaguyod ang kaunlaran ng bawat Pilipino tungo sÄ… isang Bagong Pilipinas,” sabi pa nito.
“Together, we will deliver a budget that serves the best interest of the people, fulfills the goals of the eight-point socioeconomic agenda and contributes to the realization of the Philippine Development Plan 2023-2028,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
—————————-
RPPt Speaker Romualdez, Tingog itinulak agarang pagbibigay ng P20M ayuda sa mga nasunugan sa Tondo
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado.
Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We facilitated the immediate release of P20 million for the families affected by the Tondo fire, following President Marcos’ directive. This financial aid through the help of DSWD Sec. Rex Gatchalian, along with our ongoing relief efforts, will provide these families with the resources they need to rebuild their lives,” sabi ni Speaker Romualdez.
Bukod sa cash assistance, nakipagtulungan din ang tanggapan ni Speaker Romualdez sa Tingog Partylist na pinangungunahan nina Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre para sa pamimigay ng mainit na pagkain sa mga biktima noong Linggo.
Ngayong Lunes ay babalik sila para mamigay ng mga relief goods.
“We have also mobilized our personal calamity funds to ensure that these families not only receive financial support but also have access to food and other essential items,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Manila 1st District Rep. Ernesto ‘Ernix’ Dionisio Jr. ay nakapamigay ng 4,500 bowl ng lugaw at arroz caldo sa Vicente Lim evacuation center, Barangay 105 at Barangay 106 covered courts.
Nagpasalamat naman si Dionisio kina Pangulong Marcos, Speaker Romualdez at DSWD Secretary Gatchalian sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugan.
"On behalf of the people of Tondo, I sincerely thank President Marcos, Speaker Romualdez, and Secretary Gatchalian for their unwavering support and quick action in addressing the needs of our fire-affected residents. Their leadership and compassion have been vital in helping the community recover from this tragic incident," ani Dionisio.
Umaasa si Gabonada na mabilis na makababangon ang mga biktima ng sunog. (END)
—————————
RPPt Sen. Bong Go may malaking papel sa pagtatalaga kay Garma bilang GM ng PCSO
Mayroong malaking papel si Sen. Christopher “Bong” Go kaya mula sa pagiging pulis ni dating Police Col. Royina Garma ay naitalaga ito bilang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang lumabas sa ikalimang pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng koneksyon ng operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sa extrajudicial killings at bentahan ng iligal na droga noong administrasyong Duterte.
Sa kanyang interpellation, tinanong ni House Assistant Majority Leader at Taguig City 2nd District Rep. Pammy Zamora si Garma kaugnay ng proseso ng kanyang pagpasok sa PCSO, ilang araw matapos itong magretiro bilang pulis.
“I submitted my application... to now Sen. Bong Go,” sagot ni Garma kay Zamora. “I wrote a letter addressed to the President applying for the position.”
Sumunod na tanong ni Zamora ay kung personal na kakilala siya ni Go.
“Lahat po ng police sa Davao kilala si Sen. Bong Go…Wala pong police na hindi nakakakilala sa kanya, lalo na po officers,” sabi ni Garma.
Binigyang-diin ng tugon ni Garma ang malalim na pagkakakilala ng mga opisyal ng pulisya sa Davao kay Go, bunsod ng pagiging malapit nito kay Duterte.
Matapos umanong isumite ni Garma ang kanyang aplikasyon kay Go, sinabihan umano ito na rerepasuhin ito ni Duterte.
“Babasahin ni President, and obviously nabasa niya kasi ikaw ang napiling General Manager, tama po ba?" tanong ni Zamora na nakakuha ng positibong sagot mula kay Garma.
Kinumpirma rin ni Garma na siya ay binigyan ng personal na utos ni Duterte noong siya ay GM ng PCSO.
Si Garma ay itinuro ng apat na testigo sa imbestigasyon ng quad comm na nasa likod ng pagpatay sa tatlong nakakulong na Chinese drug lord sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016, sa pasimula ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ang pagpatay sa tatlong Chinese, na nakakulong na, ay bahagi ng mga ebidensya para patunayan ang mga extrajudicial killings sa kontrobersyal na kampanya ni Duterte.
Ang imbestigasyon noong Huwebes ay hindi ang unang pagkakataon na nabanggit ang pangalan nit Go.
Sa pagharap sa pagdinig ni Lt. Col. Jovie Espenido, na nakilala bilang "poster boy" ng Duterte war on drugs sinabi nito na binibigyan ng reward ang mga pulis at vigilante na nakakapatay ng mga drug suspect.
Ang ibinabayad umanong reward ay galing sa POGO, jueteng, small town lottery, at sa intelligence fund ng gobyerno at ibinababa mula sa lebel ni Go.
Ayon kay Espenido P20,000 ang reward sa bawat napapatay.
Sa pagdinig noong Huwebes tinanong ng mga mambabatas si Garma kung malapit ito kay Duterte dahil naitalaga ito sa PCSO.
Noong pulis pa, si Garma ay naitalaga sa iba’t ibang puwesto sa Davao City bago nailipat sa Cebu City Police kaya hindi umano imposible na naging malapit ito kay Duterte. Ang pagiging malapit nito kay Duterte ang itinuturong dahilan kung bakit siya naitalaga sa PCSO.
Sa isang bahagi ng pagdinig, inamin ni Garma na nakakadirekta ito kay Duterte sa Malacañang sa pamamagitan ni Go.
Nagtanong si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, isang dating police general, kung sino sa mga pulis ang pinakamalapit kay Duterte noong nasa Palasyo pa ito.
Sagot nina National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo at Police Brig. Gen. Noel Sandoval—kapwa nakasama ni Garma sa Davao— si noon ay PNP chief at ngayon ay Senator Ronald dela Rosa.
“I believe otherwise, Colonel. You know why? Narinig ko na minsan ‘yong sinabi ni Bato (dela Rosa), meron pang isang opisyal na mas malapit sa tenga ni former President Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Garma.
Tinanong ni Acop si Gamra kung nakakadirekta ito kay Duterte at hindi na dumaraan sa kanyang mga opisyal sa pamamagitan ni Go.
“Madam Garma, you have always denied na close ka sa Presidente. Pero there had been reports na ikaw, nakaka-deretso do’n sa Malacañang basta dumaan ka kay Senator Bong Go. Would that be correct?” tanong ni Acop.
“Yes, your Honor,” sagot ni Garma, na isang pagkumpirma sa pagiging malapit nito sa dating Pangulo.
Dahil nagsisinungaling umano at hindi sinasabi ang buong katotohanan, na-cite in contempt si Garma ng komite sa mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, chairman ng House Committee on Public Accounts,
Nagmosyon naman si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na ikulong si Garma sa detention center ng Kamara hanggang sa matapos ang imbestigasyon.
Nilinaw naman ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng Committee on Dangerous Drugs at overall chair ng quad committee, na maaaring mapaaga ang paglabas ni Garma kung makikipagtulungan na ito sa komite.
“If she changes her mind and she suddenly cooperates, then the committee will be more than willing to accommodate her motion for reconsideration,” sabi ni Barbers. (END)
————————
RPPt Mga kongresista pumalag sa patutsada ni Sen. Villanueva sa pagtapyas sa panukalang OVP badyet
Pinaalalahanan ng dalawang kongresista si Sen. Joel Villanueva na igalang ang inter-parliamentary boundaries lalo na sa usapin na hindi pa saklaw ng Senado, tulad ng ginawang pagtapyas ng Kamara de Representantes ng P1.3 bilyon sa panukalang badyet ng Office of the Vice President (OVP).
Kapwa pinuna nina Deputy Majority Leader Jude Acidre at Assistant Majority Leader Jil Bongalon ang pag-atake ni Villanueva sa naging desisyon ng House Committee on Appropriations na ibaba sa P733 milyon ang hinihinging P2.037 bilyong badyet ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte, na tumangging bigyang rason ang hinihinging pondo para sa 2025.
Hinimok ni Acidre si Villanueva na tumutok sa kanyang mga tungkulin at gawain sa Senado sa halip na maki-alam sa mga isyu na saklaw pa lamang ng Kamara at ireserba ang kaniyang pagpuna at argumento kapag ang usapin ay nasa Senado na.
“Rather than casting aspersions on the House for fulfilling its sworn duty, Sen. Villanueva should just allow us to craft the budget on our own terms and in the way we see fit. Darating din naman ito sa Senado so pwedeng doon niya ipahayag ang kanyang mga saloobin,” ayon kay Acidre.
“Kasi pag ngayon siya magsasalita laban sa desisyon ng House, baka maparatangan pa siya na ‘di niya kayang depensahan ang kanyang posisyon sa mga kapwa niya senador. Pangit po tingnan and we ask our dear senator to refrain from making statements to the media,” dagdag pa ni Acidre.
Tinutukoy ni Acidre na ang mga pagtalakay sa badyet ay isa sa mga pangunahing tungkulin ng parehong kapulungan ng Kongreso—ang Senado at Kamara, kung saan nagsasagawa ng ma-ingat at detalyadong pagsusuri ang kapulungan sa bawat bahagi ng badyet upang matiyak na tama ang pinaglalaan ng limitadong pondo.
“It’s ironic that Sen. Villanueva criticizes the House for its handling of the OVP budget while failing to acknowledge that the Senate is also reviewing the same budget, including sensitive items,” saad pa ni Acidre.
Una ng pinuna ni Villanueva ang Kamara dahil sa higit sa kahating pagtapyas sa badyet ng OVP para sa 2025, at ang posibleng implikasyon ng hakbang na ito at iminungkahi na protektahan ang OVP mula sa mga pampulitikang motibo.
Ipinunto ni Bongalon na ang mga pampublikong pahayag ni Villanueva ay isang paglabag sa tinatawag na “inter-parliamentary courtesy” o panghihimasok sa saklaw na gawain ng Kamara.
"Senator Villanueva's remarks about the House’s treatment of the OVP budget blatantly disregard the long-standing tradition of inter-parliamentary courtesy. Each chamber has its autonomy, and we expect the Senator to respect the House's jurisdiction in the same way that we respect the Senate’s role," diin na ni Bongalon.
Binigyan-diin ni Bongalon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng decorum sa pagitan ng Senado at Kamara, at kung siya ay may puna ay dapat itong talakayin sa loob ng Senado kung saan siya nabibilang.
“Instead of questioning the competence of the House, perhaps Sen. Villanueva should direct his concerns toward his fellow senators in their upcoming deliberations. Could it be that he anticipates difficulty defending his stance against more experienced and well-versed senators?”tanong pa ni Bongalon.
Kapwa nanindigan ang dalawang kongresista sa pagpapanatili ng integridad sa proseso ng badyet, pagtiyak ng transparency o pagiging bukas sa lahat ng detalye ng badyet upang makita ng publiko kung paano ginagamit at gagamitin ang pondo ng bayan, at ang pananagutan ng mga opisyal at ahensya na gumagastos sa pondo ng pamahalaan, kabilang na ang OVP. (END)
—————————
RPPt Sen. Bong Go may malaking papel sa pagtatalaga kay Garma bilang GM ng PCSO
Mayroong malaking papel si Sen. Christopher “Bong” Go kaya mula sa pagiging pulis ni dating Police Col. Royina Garma ay naitalaga ito bilang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang lumabas sa ikalimang pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng koneksyon ng operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sa extrajudicial killings at bentahan ng iligal na droga noong administrasyong Duterte.
Sa kanyang interpellation, tinanong ni House Assistant Majority Leader at Taguig City 2nd District Rep. Pammy Zamora si Garma kaugnay ng proseso ng kanyang pagpasok sa PCSO, ilang araw matapos itong magretiro bilang pulis.
“I submitted my application... to now Sen. Bong Go,” sagot ni Garma kay Zamora. “I wrote a letter addressed to the President applying for the position.”
Sumunod na tanong ni Zamora ay kung personal na kakilala siya ni Go.
“Lahat po ng police sa Davao kilala si Sen. Bong Go…Wala pong police na hindi nakakakilala sa kanya, lalo na po officers,” sabi ni Garma.
Binigyang-diin ng tugon ni Garma ang malalim na pagkakakilala ng mga opisyal ng pulisya sa Davao kay Go, bunsod ng pagiging malapit nito kay Duterte.
Matapos umanong isumite ni Garma ang kanyang aplikasyon kay Go, sinabihan umano ito na rerepasuhin ito ni Duterte.
“Babasahin ni President, and obviously nabasa niya kasi ikaw ang napiling General Manager, tama po ba?" tanong ni Zamora na nakakuha ng positibong sagot mula kay Garma.
Kinumpirma rin ni Garma na siya ay binigyan ng personal na utos ni Duterte noong siya ay GM ng PCSO.
Si Garma ay itinuro ng apat na testigo sa imbestigasyon ng quad comm na nasa likod ng pagpatay sa tatlong nakakulong na Chinese drug lord sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016, sa pasimula ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ang pagpatay sa tatlong Chinese, na nakakulong na, ay bahagi ng mga ebidensya para patunayan ang mga extrajudicial killings sa kontrobersyal na kampanya ni Duterte.
Ang imbestigasyon noong Huwebes ay hindi ang unang pagkakataon na nabanggit ang pangalan nit Go.
Sa pagharap sa pagdinig ni Lt. Col. Jovie Espenido, na nakilala bilang "poster boy" ng Duterte war on drugs sinabi nito na binibigyan ng reward ang mga pulis at vigilante na nakakapatay ng mga drug suspect.
Ang ibinabayad umanong reward ay galing sa POGO, jueteng, small town lottery, at sa intelligence fund ng gobyerno at ibinababa mula sa lebel ni Go.
Ayon kay Espenido P20,000 ang reward sa bawat napapatay.
Sa pagdinig noong Huwebes tinanong ng mga mambabatas si Garma kung malapit ito kay Duterte dahil naitalaga ito sa PCSO.
Noong pulis pa, si Garma ay naitalaga sa iba’t ibang puwesto sa Davao City bago nailipat sa Cebu City Police kaya hindi umano imposible na naging malapit ito kay Duterte. Ang pagiging malapit nito kay Duterte ang itinuturong dahilan kung bakit siya naitalaga sa PCSO.
Sa isang bahagi ng pagdinig, inamin ni Garma na nakakadirekta ito kay Duterte sa Malacañang sa pamamagitan ni Go.
Nagtanong si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, isang dating police general, kung sino sa mga pulis ang pinakamalapit kay Duterte noong nasa Palasyo pa ito.
Sagot nina National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo at Police Brig. Gen. Noel Sandoval—kapwa nakasama ni Garma sa Davao— si noon ay PNP chief at ngayon ay Senator Ronald dela Rosa.
“I believe otherwise, Colonel. You know why? Narinig ko na minsan ‘yong sinabi ni Bato (dela Rosa), meron pang isang opisyal na mas malapit sa tenga ni former President Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Garma.
Tinanong ni Acop si Gamra kung nakakadirekta ito kay Duterte at hindi na dumaraan sa kanyang mga opisyal sa pamamagitan ni Go.
“Madam Garma, you have always denied na close ka sa Presidente. Pero there had been reports na ikaw, nakaka-deretso do’n sa Malacañang basta dumaan ka kay Senator Bong Go. Would that be correct?” tanong ni Acop.
“Yes, your Honor,” sagot ni Garma, na isang pagkumpirma sa pagiging malapit nito sa dating Pangulo.
Dahil nagsisinungaling umano at hindi sinasabi ang buong katotohanan, na-cite in contempt si Garma ng komite sa mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, chairman ng House Committee on Public Accounts,
Nagmosyon naman si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na ikulong si Garma sa detention center ng Kamara hanggang sa matapos ang imbestigasyon.
Nilinaw naman ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng Committee on Dangerous Drugs at overall chair ng quad committee, na maaaring mapaaga ang paglabas ni Garma kung makikipagtulungan na ito sa komite.
“If she changes her mind and she suddenly cooperates, then the committee will be more than willing to accommodate her motion for reconsideration,” sabi ni Barbers. (END)
————————
RPPt 3 pang mambabatas, naniniwalang may pananagutan sina Duterte, Sara, Bato sa pagtatago sa puganteng si Quiboloy
Tatlo pang kongresista ang nagpahayag ng paniniwala na may pananagutan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, anak nitong si Vice President Sara, Senator Ronald “Bato” dela Rosa, at ilan pang personalidad na nagbigay ng proteksyon at humadlang sa pag-aresto sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kina 1Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, House Deputy Majority Leader Jude Acidre, at House Assistant Majority Leader Paolo Ortega V pinaniniwalaan na ang mga nabanggit na personalidad ay mayroong kinalaman sa pagtatago ng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) sa mga awtoridad sa loob ng ilang buwan.
“The way that we see it, if indeed it is true that they have prior knowledge on his whereabouts, and then they intentionally hid him, there will be criminal liabilities for that,” ayon kay Gutierrez, na isang abogado.
“Whether or not they are liable, we leave it to the Department of Justice to properly seek if there is indeed probable cause, and the proper cases would be filed,” paliwanag pa nito.
Inirekomenda ni Acidre sa gobyerno na ituon ang atensyon nito sa pinakamahalagang kaso. “As far as we are concerned, we should not forget that this issue is not about the perpetrator. It’s about the victims. “
“It’s about the people who were trafficked, those minors who were sent abroad and who were forced to marry to those who committed the crime. If pastor Quiboloy is liable, then it is up to the court to decide so that we can say that finally, justice can prevail,” saad ni Acidre.
Nais namang malaman ni Ortega, kung dapat din bang managot ang mga KoJC members sa pagkanlong at pagharang sa pag-aresto kay Quiboloy.
“Were they defending (Quiboloy) or were they just conducting the public hearing? It is because they conducted a public hearing, that is my immediate question. Were they adopted members of KOJC? So, were they representing or were they adopted members?” tanong pa ni Ortega.
Noong nakaraang linggo, sinabi nina Manila Rep. Joel Chua at Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon ng Ako Bicol party-list na maaaring makasuhan si Duterte ng pagtatago sa isang pugante, at obstruction of justice sa pagkukunwaring hindi nalalaman ang kinaroroonan ni Quiboloy.
“Duterte, serving as the administrator of the Kingdom of Jesus Christ compound where Quiboloy was apprehended, cannot simply distance himself from this troubling situation,” ayon pa kay Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
“His (Duterte’s) role within the KOJC compound places him at the center of this unfolding scandal, and the public deserves clear answers about his involvement,” ayon pa kay Chua.
Matatandaan na inanunsyo ng TV network ni Quiboloy, ang Sonshine Media Network International, ang pagtatalaga kay Duterte bilang “caretaker” ng mga ari-arian ng KOJC.
“The former president can – I think - fit in the definition of an accomplice,” sabi naman ni Bongalon.
Sinabi pa ng Bicolanong mambabatas na bilang abogado, dapat ay pumapanig si Duterte sa pagsunod sa batas at hindi sa paglabag nito. “Being a lawyer also means being an officer of the court. Simply put, he should not be one who should be instrumental in the violation of the country’s laws.”
“It can even be a basis for a petition for disbarment, more so if it can be proven that he did this deliberately – it means not to serve the ends of justice, which is obviously an infraction of the law,” ayon pa ay Bongalon. “Remember, he – for all intents and purposes – was a former president.”
Sinabi pa nito, na maaari ring imbestigahan at kasuhan ang anak nitong si VP Sara, at kaibigang si Dela Rosa sa parehong kaso ng obstruction of justice dahil sa tangkang ilihis ang atensyon ng mga pulis sa paghahatid ng warrant kay Quiboloy.
“As far as I’m concerned, the same principle applies to both of them. If the former president – who used to be the chief implementor of the country’s laws – can be charged for helping Quiboloy hide, then so should his daughter and the former PNP chief who is now a senator,” paliwanag pa nito.
“Let us remember that the VP herself declared that the good pastor has already left the country. And now with Quiboloy’s arrest, what does that make of her? Did she or did she not protect him and obstruct the administration of justice by diverting police’s attention?” ayon pa kay Bongalon. (END)
————————-
RPPt P2.08B Disaster fund ng DepEd hindi nagamit ni VP Sara, naglapit sa mga estudyante sa kapahamakan
Maituturing na criminal negligence ang pagkabigo ng Department of Education (DepEd), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte na gamitin ang P2.08 bilyong pondo sa ilalim ng 2023 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) dahil naglapit ito sa kapahamakan sa mga mag-aaral, ayon kina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega and Jay Khonghun.
Sa panahon ng pamumuno ni Vice Duterte sa DepEd noong nakaraang taon. naglaan ang Kongreso ng P2.14 bilyon para sa Disaster Preparedness and Response Program (DPRP) at P2 billion para Quick Response Fund (QRF) o kabuuang P4.14 billion.
Ang naturang halaga ay bukod pa sa P2.24 billion DRRM Funds na hindi nagamit mula sa nakaraang mga taon.
Sinabi nina Ortega at Khonghun na nabigo nag DepEd na gamitin ang pondong ito para tiyakin na mayroong sapat na pasilidad sa mga pampublikong paaralan para malimitahan ang epekto ng kalamidad at banta sa kalusugan ng mga estudyante, guro, at school support staff.
“In Mindanao, there are hundreds of learners in public elementary schools who had no choice but to attend classes in school buildings that were already weakened and rendered unsafe by a recent Magnitude 6 earthquake. Millions in taxpayers money was already spent on Temporary Learning Spaces (TLS) but these were not put to good use,” ani Ortega
Ayon sa ulat ng COA, tinukoy na sa Region 11, sa ilalim ng Schools Division Office (SDO) ng Island Garden City of Samal, may nakitang mga bitak sa mga silid-aralan at mga gusali ng paaralan na ginagamit pa rin. Partikular dito ang paaralang elementarya ng Libertad, Guilon at Cogon.
Sa San Jose National High School na nasa parehong SDO pa rin, hindi magamit ang TLS dahil hindi pa nailipat ang linya ng kuryente kaya kahit na mapanganib ay patuloy na ginamit ng mga estudyante ang lumang gusali.
“The students cannot use the newly-built TLS because the equipment being used for their classes were not moved. Teachers were understandably worried the televisions, projectors and other equipment would be lost. These are basic stuff that should have been anticipated and properly addressed,” sabi ni Khonghun
Nakasaad sa DepEd Department Order No. 024 s. 2021 ang gagamitin ang mga TLS upang maiwasam ang pagkaantala ng mga klase sa panahon ng sakuna o emergency habang nagbibigay ng ligtas na mga pasilidad sa pag-aaral.
Nagbabala ang mga auditor na dahil sa mahinang pagpaplano at hindi wastong pangangasiwa ng mga pondo upang makumpleto ang TLS ay napilitan ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga hindi ligtas na silid-aralan na maaaring magresulta sa karagdagang mga biktima kung muling magkaroon ng malakas na lindol.
Mula sa pondong P2,138,322,997.59, inilipat ng DepEd Central Office ang P2 bilyon mga regional offices at iniwan ang balanseng mahigit P138 milyon.
Ayon sa ulat ng DepEd noong 2023 na inilabas ng Commission on Audit (CoA), ang DepEd regional offices sa Central Luzon (RO 3), Eastern Visayas (RO 8), at Caraga (RO 13) ay may hindi nagamit na pondo mula sa DRRM Funds.
Bigo rin ang DepEd RO 8 na sumunod sa kinakailangang pamamahagi ng DRRM fund na 70 porsiyento para sa disaster preparedness at 30 porsiyento para sa QRF.
“The problem is the Central Office was too slow in submitting the guidelines on the authority and approval of the downloaded funds. This creates the impression that no proper monitoring was undertaken to safeguard the DTTM Funds,” saad ni Ortega.
Ang mahinang pamamahala ng pondo ng DepEd sa ilalim ni Duterte ay nagpahina sa fiscal discipline lalo na bukod pa sa natuklasang mga iregularidad ng mga auditors sa paggamit ng disaster funds.
Ilan sa mga natukoy na iregularidad sa paggastos ng DRRM ay ang paggamit nito para sa biyahe, accommodation, at seminars ng mga SDO officials, hindi magandang pagkakagawa sa mga gusali ng paaralan at support facilities, hindi napagtuunan ng pansin na mga trabaho sa istruktura ng paaralahan, at pinekeng mga ulat sa natapos at estado ng mga gusali.
“The sheer absence of concern regarding the welfare of our young learners hints at an appalling level of incompetence by the person in charge. That so much resources were either unused or misused is simply disgraceful, but the fact that it is the public school students who were victimized is nothing short of criminal,” wika pa ni Khonghun. (END)
—————————
RPPt Plenary debate sa 2025 budget na susuporta sa mga programa ni PBBM sisimulan bukas—Speaker Romualdez
Sisimulan ng talakayin sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukalang P6.352 trilyong badyet para sa 2025 sa Lunes, Setyembre 16.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pondong ito ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas programs ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“It will be our instrument in directly helping the poor through various social protection, financial aid and medical programs, and in keeping food prices down, particularly the price of rice which has fallen to P42 a kilo,” ani Speaker Romualdez.
Sa pamamagitan ng badyet, sinabi ni Speaker Romualdez na inaasahan na matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang dumami ang kanilang produksyon at lumaki ang kanilang kita na magpaparami ng suplay ng pagkain sa bansa at magpapababa ng presyo para sa kapakinabangan ng lahat ng Pilipino.
Ayon sa lider ng Kamara, ang panukalang badyet ay magsisilbing “roadmap” sa pagpapalawig ng mga imprastraktura at suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kalsada at silid-aralan lalo na sa mga komunidad na lubhang nangangailangan nito.
“It will be our tool for sustaining our country’s economic growth, which we hope to keep at six percent or higher in line with the forecasts of international lending institutions,” dagdag pa nito.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez si House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at senior vice chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo sa pagtapos ng panukalang badyet sa oras.
Batay sa iskedyul ng deliberasyon, walong araw ang inilaan para sa debate sa plenaryo na magsisimula ng alas-10 ng umaga sa Lunes at matatapos bago ang adjournment ng sesyon sa Setyembre 25.
Magsisimula ang deliberasyon bukas sa sponsorship speech ni Co, na susundan ng debate ng general principles at panukalang badyet ng Department of Finance, Department of Justice at National Economic and Development Authority, kasama ang attached agency at lumpsum na badyet ng mga ito.
Sa Martes, ang sasalang ay ang mga panukalang badyet ng Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights, kasama ang Human Rights Violations’ Memorial Commission, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Interior and Local Government, Department of Tourism, and Development of Labor and Employment, at mga attached agency ng mga ito.
Sa Miyerkoles, ang panukalang badyet ng Commission on Elections, Department of Agrarian Reform, Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry, at ilan pang executive offices at state colleges and universities ang sasalang.
Sa Huwebes, sasalang sa deliberasyon ang panukalang badyet ng Department of National Defense, Department of Migrant Workers, Department of Environment and Natural Resources, at kanilang mga attached agencies, at budgetary support sa mga government corporations.
Sa Biyernes naman ang panukalang badyet ng Presidential Communications Office, Department of Science and Technology, Metro Manila Development Authority, ilan pang Executive offices at government corporations.
Mula Setyembre 23 hanggang 25, ang sasalang ay ang mga nalalabing departamento, ahensya at executive offices.
Kasama dito ang Departments of Agriculture, Health, Energy, Education, Social Welfare and development, at Transportation, Civil Service Commission at Commission on Audit.
Ang rekomendasyon ng Appropriations committee na bawasan ang badyet ng Office of the Vice President (OVP) ay sasalang sa Setyembre 23. (END)
————————-
RPPt Pag-aresto kay Harry Roque pina-igting, PNP sumali na sa paghahanap
Sumali na ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay dating presidential spokesperson Harry Roque na ipinaaaresto matapos ma-cite in contempt ng quad committee ng Kamara de Representantes dahil nabigong isumite ang mga dokumento kaugnay ng kanyang yaman na ini-uugnay sa operasyon ng iligal na POGO.
Hindi tinupad ni Roque ang pangako nito na isusumite ang mga dokumento, at hindi na rin dumalo sa pagdinig ng quad committee.
Noong Biyernes ay pinuntahan ng otoridad ang law firm ni Roque sa Antel Corporation Centre sa Makati City upang isilbi ang arrest warrant subalit hindi ito tinanggap ang kanyang staff. Hindi rin nakita sa lugar si Roque.
“The PNP is now fully engaged in the manhunt for Atty. Harry Roque, and we are coordinating closely with the National Capital Region Police Office and the Criminal Investigation and Detection Group to ensure his swift apprehension,” ani Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, co-chair ng quad committee.
“No one is above the law, and we will not tolerate anyone defying the authority of Congress or evading accountability,” dagdag pa ni Fernandez na chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
Na-cite in contempt si Roque matapos na hindi makapagsumite ng kopya ng kanyang mga Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth, rekord ng Biancham Holdings, na pagmamay-ari ng kanyang pamilya at ang mga patunay ng bentahan ng ari-arian sa Parañaque City na kanyang sinabi na pinanggalingan ng biglaang paglobo ng kanyang yaman.
Matapos ma-cite in contempt, naglabas ng arrest order ang komite laban kay Roque.
“This kind of defiance cannot be taken lightly, as it underscores the seriousness of the allegations against him. We will pursue this matter through all available legal avenues until justice is served,” sabi ni Fernandez.
“No one is above the law. The public deserves transparency and accountability, especially in cases involving serious financial and legal concerns. Atty. Roque’s continued evasion only raises more questions about his role in the POGO controversy,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, na mayroong mga ebidensya na nag-uugnay kay Roque sa iligal na POGO.
Ang hindi umano pakikipagtulungan ni Roque sa quad committee at nagpapatindi lamang sa alegasyon na mayroon itong itinatago at totoong may kaugnayan ito sa operasyon ng iligal na POGO.
"Mr. Roque has been evasive, and his actions suggest that he is unwilling to face accountability," sabi ni Barbers. "The public deserves transparency, especially in matters involving significant legal and financial questions.”
Nauna rito, inakusahan ni Roque ang quad committee na isang “kangaroo court” at inanunsyo na hindi na ito makikipagtulungan dito.
Hinamon ni Barbers si Roque na humarap sa pagdinig sa halip na sa social media sumagot.
“If Mr. Roque believes the court is unjust, then let him face it and prove his case. Social media pronouncements won’t justify his defiance of the law,” sabi ni Barbers.
Ang pagtulong ng PNP sa paghahanap kay Roque ay pagpapakita umano na seryoso ang imbestigasyong isinasagawa ng quad committee.
Hinimok ang publiko na tumulong sa paghahanap kay Roque.
Matatandaan na inamin ni Roque na sinamahan nito si Katherine Cassandra Ong sa PAGCOR upang ayusin ang problema ng Lucky South 99 Pogo hub. Itinanggi naman ni Roque na siya ay abugado ng Lucky South 99 na niraid ng otoridad kamakailan. (END)
————————
Speaker Romualdez pinuri ‘zero-billing' sa ospital ni PBBM
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang "zero billing" initiative ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pasyente.
Ayon kay Speaker Romualdez ang “zero-billing” initiative ay isang makasaysayang healthcare program kung saan magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang 22 pampublikong ospital sa bansa.
Kasabay ng ika-67 kaarawan ng Pangulo noong Setyembre 13, inilunsad ang inisyatiba na itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, ayon sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“The zero-billing program is a clear demonstration of the President’s unwavering commitment to the Filipino people, ensuring that no one is left behind in receiving the medical care they need,” ayon kay Speaker Romualdez.
“By covering all inpatient, outpatient, and emergency services in 22 public hospitals across the country, the President is turning his vision of universal healthcare into reality,” dagdag pa niya.
Sa direktiba ng Pangulo, naglaan ang Department of Health (DOH) ng P328 milyon para pondohan ang zero-billing initiative, na sumasaklaw hindi lamang sa mga bayarin sa ospital kundi maging sa mga gamot at iba pang mahahalagang serbisyong medikal tulad ng chemotherapy, dialysis, dental na serbisyo, at mga laboratory procedure.
Ang programang ito ay una na ring naipatupad sa mga malalaking hospital, kabilang na sa National Capital Region, (NCR), Luzon, Visayas, at Mindanao.
Binigyan diin ni Speaker Romualdez ang napakalaking epekto ng inisyatibang ito sa buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap o bulnerableng komunidad, dahil binabawasan nito ang malaking gastusin sa serbisyong medikal.
“Whether it’s dialysis, chemotherapy, or emergency treatment, the government is stepping up to provide real, tangible relief to our people,” saad pa nito.
Kasama sa zero-billing program ang walong pangunahing ospital sa NCR, tulad ng National Kidney and Transplant Institute at Philippine General Hospital, pati na rin ang 14 na iba pang ospital na matatagpuan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
“This extensive coverage shows the administration’s genuine concern for the health and welfare of Filipinos in every region of the country,” ayon kay Speaker Romualdez.
“This is the kind of leadership we need—decisive action that directly benefits the people. I stand firmly with President Marcos in this endeavor and pledge my full support in ensuring healthcare remains a top priority for our government,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.
Binigyang-diin pa ng lider ng Kamara na patuloy na mag-iisip ang gobyerno ng mga paraan upang palawakin ang mga serbisyong pangkalusugan at gawing mas abot-kaya at mas madaling ma-access ang pangangalagang medikal para sa lahat.
“As we celebrate the President’s birthday, let us also celebrate his leadership and his deep care for the Filipino people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
————————
Speaker Romualdez pinangunahan ang Kamara sa pagmamahagi ng ayuda sa ilalim ng ‘Handog ng Pangulo’ kasabay ng ika-67 kaarawan ni PBBM
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Kamara de Representantes sa pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng sabayang paglulungsad ng “Handog ng Pangulo,” isang nationwide distribution ng cash assistance sa mga nangangailangang Pilipino na bahagi ng pangako ng administrasyon na “Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”
“President Bongbong Marcos’ deepest desire is to serve and help every Filipino, ensuring that government support reaches those who need it most,” ani Speaker Romualdez
“On his 67th birthday, the simultaneous distribution of assistance to 287,000 beneficiaries across the country once again proves that ‘Serbisyong Sapat Para sa Lahat’ is not just a vision, but a reality,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias P. Gabonada Jr. 287 lugar ang nakiisa sa pamamahagi ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa may 1,000 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kabuuan, ayon kay Gabonada, nakapagpaabot ng P1.5 bilyong halaga ng cash assistance sa mga benepisyaryo, isang malaking tulong sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.
Sinabi ni Gabonada na sinimulan ng mga miyembro ng Kamara ang pre-program activities umaga ng Biyernes.
Alas-9 ng umaga naman nagsimula ang main program kung saan ipinalabas ang kuha mula sa kinaroroonan ni Pangulong Marcos sa iba’t ibang lokasyon sa pamamagitan ng Zoom.
Nagkaroon ng maayos na koordinasyon ang mga lugar upang matiyak na masasaksihan ang event at mararamdaman ang tulong na ipinamigay sa kaarawan ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mas malawak na kahalagahan ng selebrasyon ng “Handog ng Pangulo”, na nagpapakita ng dedikasyon ng administrasyong Marcos sa pagbibigay ng agarang tulong at tunay na serbisyo sa mga higit na nangangailangan.
Binanggit din ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng direktang paghahatid ng tulong sa mga tao at ang pagtiyak na nadarama ng bawat Pilipino ang benepisyo ng mga programa ng gobyerno.
“This event showcases the power of unity and reflects the government’s unwavering dedication to serving the Filipino people. Under President Marcos' leadership, we will continue to work toward providing genuine support and services that benefit all Filipinos, ensuring no one is left behind,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
————————-
RPPt Wish ni Speaker Romualdez kay PBBM: Higit pang tagumpay, mabuting kalusugan, at lakas upang isulong ang Pilipinas
Dasal ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na tagumpay, mahusay na kalusugan, at lakas upang patuloy na maisulong ang bansa tungo sa higit pang kaunlaran para sa kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.
“On behalf of the House of Representatives, I wish you continued success, good health, and the strength to keep moving our beloved nation forward. May this year bring even more outstanding achievements and fulfillment,” ani Speaker Romualdez.
Tiniyak din ni Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 kinatawan at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang suporta ng Kamara de Representantes sa kanya para sa isang Bagong Pilipinas.
“We stand firmly with you as we work toward the shared goal of uplifting the lives of our countrymen and securing a brighter future for all,” ayon pa kay Speaker Romualdez, bilang pagtiyak ng buong suporta ng Kamara sa mga batas at polisiya na ipapatupad ng administrasyon sa mga darating na taon.
“The leadership you provide continues to inspire us, and we are honored to walk this meaningful journey alongside you. Your steadfast dedication to the Filipino people shines through in every action you take,” ayon pa sa mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Leyte.
Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang kasiyahan at pagmamalaki sa kung paano umunlad ang karera sa politika ni Pangulong Marcos. “Having had the privilege of witnessing your journey over the years, I am filled with pride as I see your unwavering commitment to leading our nation toward unity and progress.”
“On this special day, I extend my warmest greetings and deepest appreciation for the remarkable leader and individual you have become. Happiest birthday, Mr. President!” ayon pa sa pinuno ng Kamara. (END)
——————-
2025 budget target aprubahan ng Kamara sa Setyembre 25— Quimbo
Kung walang magiging aberya, inaasahang pagtitibayin ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P6.352-trilyong national budget para sa 2025 bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Setyembre 25.
Ito ay ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Una na ring inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagtiyak na maaprubahan ang badyet bago ang unang recess ng ikatlong at huling regular na sesyon ng 19th Congress.
Tiniyak ng pinuno ng Kamara na ang panukalang badyet ay susuporta sa mga programa at proyekto na nakalinya sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Sa panayam noong Huwebes, sinabi ni Quimbo na magsisimula ang pagtalakay ng plenaryo sa panukalang badyet sa Lunes at unang sasalang ang general principles o pinagbatayan sa pagbuo ng panukalang pondo.
Ayon kay Quimbo, magdaraos ang Kamara ng mga marathon sessions na magsisimula ng alas-10 ng umaga.
“Confident tayo na matatapos sa September 25 and yes marathon. Araw-araw mag-uumpisa na tayo [ng 10 AM] tuloy-tuloy ‘yan hanggat hindi natin matapos ang naka-schedule na agencies for that day,” saad pa ni Quimbo.
“Ang ma-expect natin would be debates but this time hindi magsasalita mismo ang mga ahensya. So ang pwede lang talaga magsalita would be the congressman and congresswomen (sponsoring the agency budget). So, debate po siya between members of the House,” dagdag pa nito.
Idinagdag pa ni Quimbo na makatutulong din ang mga opisyal ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa mga mambabatas na magtatanggol ng kanilang panukalang pondo sa pamamagitan ng pagbibigay diin ng kahalagahan ng mga programa at proyekto.
Nauna rito ay inihayag ni Quimbo na nagdesisyon ang House Appropriations Committee na bawasan ng P1.3 bilyon ang hinihinging P2.037 bilyon ng Office of the Vice President (OVP) o gawin na lamang P733 milyon.
Ang kinaltas na pondo ay ililipat sa mga ahensya ng gobyerno na mas epektibong nakakapagpatupad ng mga programa na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang Pilipino. (END)
———————-
Panukalang badyet ng OVP hindi ipinaglaban ni VP Sara
Hindi man lamang ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte ang hinihinging P2.037 bilyong badyet ng Office of the Vice President para sa susunod na taon dahilan kaya hindi nakumbinsi ang mga kongresista na huwag itong bawasan.
Unanimous ang naging desisyon ng Committee on Appropriations ng Kamara de Representantes na ibaba sa P733 milyon ang panukalang badyet ng OVP mula sa hinihingi nitong P2.037 bilyon. Ang tinapyas na P1.29 bilyon ay ililipat sa mga ahensya na siya ng magpapatupad ng mga programa ng OVP.
Ayon kay Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo, napakahalaga ng mga impormasyon na maibibigay ng mga ahensya upang mabigyang katwiran ang kanilang hinihinging pondo.
Sa pagdinig ng komite ay tumanggi si VP Duterte na ipaliwanag ang ginawa nitong paggastos sa inilaang pondo sa mga nagdaang taon at hindi rin binigyang katwiran ang hinihingi nitong mas malaking pondo para sa 2025.
“Ang sa atin again pinaka-importante is anong information ang makukuha natin kasi we need to make an informed decision. Ang budget is an informed decision. Information ang pinakaimportante sa lahat,” ayon sa pahayag ng mambabatas sa ambush interview ng media noong Huwebes.
Nang tanungin kung ang pagtanggi ni VP Duterte na sagutin ang mga tanong sa pagdinig ng komite ang nagtulak sa pagbabawas sa panukalang badyet ng tanggapan nito, sinabi ni Quimbo na siya at ang kanyang mga kasama sa panel ay ginawa lamang ang kanilang trabaho.
“Well sa amin, trabaho lang po ang ginagawa natin. At the end of the day, ang most important thing to ask would be the information needed to reflect on the budget, iyon lang talaga. So, to the extent, iyong absence niya did not shed light on many issues sa aking palagay ang naka-affect. Yung kakulangan ng information ‘yan ang naka-affect talaga,” saad pa nito.
Tungkol naman sa posibilidad na magbago ang desisyon ng komite o plenaryo sakaling dumalo ang Bise Presidente sa pagtalakay ng panukalang badyet sa plenaryo, sinabi ni Quimbo, “Tingnan po natin. I mean we are open to anything. As I said, there's another round of amendments (in plenary).”
“Kasi alam niyo dito sa amin, House of the People, welcome pong lahat. Welcome ang lahat,” sabi pa nito.
Binigyan diin pa ni Quimbo na hindi madaling desisyon na irekomenda ng komite ang ginawang pagtapyas sa malaking bahagi ng bagdet ng OVP.
Sinabi ni Quimbo na binawasan ang mga pondo ng mga programa at proyekto ng OVP na sinita ng Commission on Audit dahil sa hindi magandang implementasyon.
“As to where… what the problem areas were, that was easy. Listening to all the during the hearings - ang tagal nung hearing di ba?- kahit naman kayo may mga major things that will jump out, and yung sinabi ko na nga na kung bakit madaming satellite offices and number two, ‘yung napakaraming programa na meron namang sa national government na pwedeng i-tap,” paliwanag pa ng mambabatas mula sa Marikina.
Sinabi niya na napag-alaman ng komite at ng CoA na ang social programs ng OVP, tulad ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap, ay kapareho ng programa para sa social protection na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).
“And you can have as much allocation as you can implement. At ganoon naman ang mga senators, congressmen. So why not have the same kind of arrangement?” tanong pa ni Quimbo.
Sinasabi rin niya na isa rin sa naging usapin ang tamang paggamit sa pondong inilaan sa tanggapan.
“And…yung usual na hinahanap namin, which is magkano bang utilization mo, ano ba yung efficiency mo,” ayon pa kay Quimbo.
Inilipat ng appropriations committee ang buong halagang P947-milyon na financial assistance” fund at iba pang ibinawas na budget ng OVP sa programa ng Assistance of Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa medical assistance program ng Department of Health (DoH). (END)
———————
Panukalang badyet ng OVP hindi ipinaglaban ni VP Sara
Hindi man lamang ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte ang hinihinging P2.037 bilyong badyet ng Office of the Vice President para sa susunod na taon dahilan kaya hindi nakumbinsi ang mga kongresista na huwag itong bawasan.
Unanimous ang naging desisyon ng Committee on Appropriations ng Kamara de Representantes na ibaba sa P733 milyon ang panukalang badyet ng OVP mula sa hinihingi nitong P2.037 bilyon. Ang tinapyas na P1.29 bilyon ay ililipat sa mga ahensya na siya ng magpapatupad ng mga programa ng OVP.
Ayon kay Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo, napakahalaga ng mga impormasyon na maibibigay ng mga ahensya upang mabigyang katwiran ang kanilang hinihinging pondo.
Sa pagdinig ng komite ay tumanggi si VP Duterte na ipaliwanag ang ginawa nitong paggastos sa inilaang pondo sa mga nagdaang taon at hindi rin binigyang katwiran ang hinihingi nitong mas malaking pondo para sa 2025.
“Ang sa atin again pinaka-importante is anong information ang makukuha natin kasi we need to make an informed decision. Ang budget is an informed decision. Information ang pinakaimportante sa lahat,” ayon sa pahayag ng mambabatas sa ambush interview ng media noong Huwebes.
Nang tanungin kung ang pagtanggi ni VP Duterte na sagutin ang mga tanong sa pagdinig ng komite ang nagtulak sa pagbabawas sa panukalang badyet ng tanggapan nito, sinabi ni Quimbo na siya at ang kanyang mga kasama sa panel ay ginawa lamang ang kanilang trabaho.
“Well sa amin, trabaho lang po ang ginagawa natin. At the end of the day, ang most important thing to ask would be the information needed to reflect on the budget, iyon lang talaga. So, to the extent, iyong absence niya did not shed light on many issues sa aking palagay ang naka-affect. Yung kakulangan ng information ‘yan ang naka-affect talaga,” saad pa nito.
Tungkol naman sa posibilidad na magbago ang desisyon ng komite o plenaryo sakaling dumalo ang Bise Presidente sa pagtalakay ng panukalang badyet sa plenaryo, sinabi ni Quimbo, “Tingnan po natin. I mean we are open to anything. As I said, there's another round of amendments (in plenary).”
“Kasi alam niyo dito sa amin, House of the People, welcome pong lahat. Welcome ang lahat,” sabi pa nito.
Binigyan diin pa ni Quimbo na hindi madaling desisyon na irekomenda ng komite ang ginawang pagtapyas sa malaking bahagi ng bagdet ng OVP.
Sinabi ni Quimbo na binawasan ang mga pondo ng mga programa at proyekto ng OVP na sinita ng Commission on Audit dahil sa hindi magandang implementasyon.
“As to where… what the problem areas were, that was easy. Listening to all the during the hearings - ang tagal nung hearing di ba?- kahit naman kayo may mga major things that will jump out, and yung sinabi ko na nga na kung bakit madaming satellite offices and number two, ‘yung napakaraming programa na meron namang sa national government na pwedeng i-tap,” paliwanag pa ng mambabatas mula sa Marikina.
Sinabi niya na napag-alaman ng komite at ng CoA na ang social programs ng OVP, tulad ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap, ay kapareho ng programa para sa social protection na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).
“And you can have as much allocation as you can implement. At ganoon naman ang mga senators, congressmen. So why not have the same kind of arrangement?” tanong pa ni Quimbo.
Sinasabi rin niya na isa rin sa naging usapin ang tamang paggamit sa pondong inilaan sa tanggapan.
“And…yung usual na hinahanap namin, which is magkano bang utilization mo, ano ba yung efficiency mo,” ayon pa kay Quimbo.
Inilipat ng appropriations committee ang buong halagang P947-milyon na financial assistance” fund at iba pang ibinawas na budget ng OVP sa programa ng Assistance of Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa medical assistance program ng Department of Health (DoH). (END)
——————-
Mabibilhan ng murang bigas paramihin— Speaker Romualdez
Hinikayat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Department of Agriculture (DA) at iba pang kaukulang ahensya na paramihin ang mga lugar kung saan mayroong Kadiwa store na nagbebenta ng bigas sa mas mababang presyo.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag kasabay ng pagpuri nito sa paglulungsad ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice program—isang kolaborasyon ng National Irrigation Authority (NIA) at mga miyembro ng irrigation association, na naglalayong makapagbenta ng murang bigas sa mga bulnerableng sektor.
Sa pagtitipon na isinagawa sa NIA Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) Gymnasium sa Cabanatuan City, kinilala ni Speaker Romualdez ang potensyal ng programa na makatulong sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain ng bansa at pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.
Kinilala ni Speaker Romualdez ang Department of Agriculture sa pagtugon nito sa panagawan na paramihin ang mga Kadiwa centers, kung saan makabibili ng bigas sa halagang P29 kada kilo upang mas maraming mamimili ang makinabang dito.
“Today’s launch of the Bagong Bayaning Magsasaka Rice highlights the unwavering commitment of this Administration to do right by the Filipino, as well as the power of united action to achieve what others thought was impossible,” sabi ni Romualdez, ang lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“Gaya ng sinabi ng ating Mahal na Pangulo sa kanyang nakaraang SONA, ang lahat ng tagumpay sa ekonomiya ay walang kabuluhan kung hindi ito nadadama ng ating mga kababayan. Ang bigas na abot-kaya ang presyo ay mithiin ng ating mahal na Pangulo para sa bawat pamilyang Pilipino,” sabi pa niya.
Nagpasalamat din si Romualdez sa mga taong nasa likod ng BBM Rice Program lalong lalo na sa mga magsasaka at asosasyon ng mga nagpapatubig, sa kanilang pagtulong sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maparami ang suplay at mapababa ang presyo ng bigas.
Kasama niyang dumalo sa paglulunsad sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., at House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.
“Maraming salamat din sa DA at nakumbinsi natin silang palawakin ang mga puwesto ng mga KADIWA centers na nagtitinda ng bigas sa presyong hindi lampas sa 30 pesos,” ani Romualdez
Sa kanyang naunang pagbisita sa ilang palengke sa Metro Manila, kinumpirma ni Romualdez na may bigas ng ibinibenta sa halagang P42 kada kilo.
“Sa mga darating na araw at buwan, makikita na ang mga KADIWA centers sa mga palengke at supermarket dito sa Metro Manila at ibang panig ng bansa,” aniya.
“Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, makakasiguro ang marami nating kababayang Pilipino—mga benepisyaryo ng 4Ps, ang ating mga senior citizens, mga may kapansanan, at marami pang iba—na sila ay makakabili ng bigas sa halagang hindi lalampas ng tatlumpung piso kada kilo,” saad pa niya.
Binigyang diin ng Speaker na ang mga hakbang na ito ay hindi lang pang madaliang tulong sa pinapasan ng mga pamilyang Pilipino ngunit nakakatulong din sa hangarin ng gobyerno na masolusyunan ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pagkakaroon ng seguridad sa pagkain sa bansa.
Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang pagsisikap ng Kamara na suportahan ang mga programa ng Pangulong Marcos Jr. upang maging abot-kaya ang presyo ng mga bilihin at matiyak na sapat ang suplay ng pagkain.
Tinukoy pa ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng Kamara sa pagpasa ng mga lehislasyon para protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino pati na ang aktibong pagpapatupad ng kanilang oversight powers.
“Dahil sa imbestigasyon namin sa House of Representatives, nabuwag natin ang mga sindikatong responsable sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at gulay noong isang taon. Nakilala rin natin ang lider ng sindikatong ito at pina-imbestigahan sa awtoridad,” sabi ni Romualdez
Kumpiyansa naman si Speaker Romualdez na kasabay ng pagpasok ng anihan at pagdating ng mga inangkat na biagas sa susunod na mga buwan ay lalo pang bababa ang presyo nito sa mga pamilihan.
“Indeed, much can be achieved when we work together. Let our achievement today be another stepping stone for higher and greater aspirations, for the benefit of the Filipino people,” pagtatapos niya
“Sama-sama nating harapin at pagtagumpayan ang bawat hamon ng panahon, para sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END)
————————
Pagpatay sa 3 Chinese drug lords na iniuugnay kay Duterte pinaiimbestigahan sa NBI
Inatasan ng Quad Committee ng Kamara ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa tatlong nakakulong na Chinese nationals sa Davao City noong 2016, na iniuugnay kay dating Pangulong Pangulong Rodrigo Duterte at ilang aktibo at retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Sa nakaraang pagdinig ng quad committee, naghain ng mosyon si Antipolo City Rep. Romeo Acop upang atasan ng komite ang NBI na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang makasuhan ang mga nasa likod ng pagpatay kina Chu Kin Tung, Li Lan Yan at Wong Meng Pin sa loob ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF), na ipinag-utos umano ni dating Police Col. Royina Garma, dati ring general manager ng PCSO.
“May I move that the NBI should conduct an investigation and get all the pieces of evidence and documents given to this committee so that they can file the necessary charges against those people who should be charged because of this crime? So moved, Mr. Chair,” sabi ni Acop.
Isinalang naman ni Quad Comm overall Chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mosyon sa botohan.
“There is a motion to direct the NBI to conduct a thorough investigation on the death that happened in the Davao penal colony and it was duly seconded,” ani Barbers.
“Are there any objections? Hearing none, the motion is carried,’ sabi pa ni Barbers.
Sa mga naunang pagdinig ng Quad Committee, sinabi ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro na sila ang pumatay sa tatlong Chinese alinsunod sa utos ni SPO4 Arthur Narsolis. Si Tan at Narsolis ay magkaklase umano noong high school.
Ang PDL naman na si Jimmy Fortaleza, isang dating pulis na kaklase ni Garma sa PNPA ang inatasan na tumulong kina Tan at Magdadaro upang maisagawa ang pagpatay.
Isa pang testigo, si dating DPPF warden Senior Supt. Gerardo Padilla ang nagsabi na tinawag siya ni Duterte upang i-congratulate dahil sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords.
Sinabi ni Padilla na kinausap siya ni Garma at sinabihan na huwag maki-alam sa kanilang operasyon sa loob ng kulungan na ang tinutukoy ay ang pagpatay sa tatlong Chinese drug lords.
Pinapakuha na ng komite ang rekord ng tawag at text message sa pagitan ni Fortaleza at Garma, na dating nakatalaga sa CIDG-Davao City.
Itinanggi naman ni Garma ang mga alegasyon laban sa kanya.
Dahil sa pag-iwas umano na sumagot sa mga tanong at pagsisinungaling, si Garma ay na-cite in contempt sa pagdinig noong Huwebes at ikinulong sa detention center ng Kamara. (END)