Wednesday, September 18, 2024

PANG-AABUSO AT KORAPSIYON SA BADYET NG PAMAHALAAN, BABANTAYAN NG KAMARA

Magbabantay ang Kamara de Representantes laban sa pang-aabuso at korapsyon.


Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa sinumang mayroong pansariling interes sa panukalang pambansang budget sa susunod na taon.


Sa kanyang opening address bago ang pagtalakay sa 2025 General Appropriations Bill sa plenaryo, pinatamaan ni Romualdez ang ilang kritiko na minamaliit ang tungkulin ng Kamara at iginigiit ang accountability o pananagutan ngunit sablay naman ang paggastos ng pondo.


Hindi aniya kukunsintihin ng Kongreso ang pagiging ipokrito at hindi ipagwawalang-bahala ang tiwala ng publiko.


Binigyang-diin din ni Romualdez na hindi maaaring magturo ang mga may sariling kasalanan at sa harap ng Kongreso ay dadaan ang lahat sa tamang proseso at walang makakatakas sa pananagutan.


Prayoridad umano ng Mababang Kapulungan ang mga Pilipino at titiyaking responsableng mailalaan ang pondo at magagastos nang tama.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO




Punto nito, taliwas sa sinasabi ng iilan ay nagsumikap ang Kamara na siguruhing bawat expenditure ng mga ahensya ng gobyerno ay binusisi at ang mga programang popondohan ay nakahanay sa prayoridad ng pamahalaan.


Dagdag pa ni Romualdez, walang sinuman ang pinapaboran ng Kamara kaya hindi sila magpapadala sa panggigipit o espesyal na interes at sa halip ay mananatiling mapagmatyag sa pagtataguyod ng prinsipyo ng good governance at fiscal responsibility.