Sunday, September 08, 2024

MAHIGIT SA 100% NA PAGTAAS SA DAILY SUBSISTENCE ALLIWANCE NG MGA SUNDALO, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga sundalo na itutulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahigit 100 porsyentong pagtaas sa daily subsistence allowance ng mga ito simula sa susunod na taon.


GInawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang House of Representatives-AFP Southern Luzon Command fellowship sa Camp Nakar sa Lucena City na dinaluhan ng mga lider ng Kamara de Representantes kasama sina Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, at Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, mga lokal na opisyal gaya nina Vice Gov. Anacleto Alcala III, SOLCOM chief Lt. Gen. Facundo Palafox IV, at iba pang opisyal ng militar.


Sinabi ni Speaker Romualdez na makatatanggap na ng mataas na daily subsistence allowance sa sisunod na taon ang mga sundalo mula sa pamahalaan. Mula P150 per day, dodoblehin umano ito at ang target ay maitaas ito hanggang P350 per day.


Ayon sa lider ng Kamara, gaya ng utos ni Pangulong Marcos na ang pagtataas sa subsistence allowance ay mangangailangan ng P15 bilyong pondo na tiniyak ng Kamara na isasama sa panukalang 2025 national budget.


Dagdag pa ni Romualdez na aabutin ng halos P15 bilyon ang kailangan para maibigay ang allowance na ito para sa lahat ng ating sundalo at miyembro ng Armed Forces.


Sinabi ni Speaker Romualdez na batid nito at ng iba pang lider ng Kamara ang sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO







“Alam naming lahat ang paghihirap at sakripisyo ninyong lahat, gayundin ng inyong mga pamilya. Hindi man namin masuklian ang lahat ng ito sa ngayon, sisiguruhin ko ang tulong ng gobyerno para mabigyan ng ginhawa ang inyong pamumuhay,” dagdag pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez sa mga sundalo na inaprubahan na rin ng Kamara ang panukala upang matiyak na mayroong pondo ang pensyon system ng mga beterano at mga retiradong sundalo.


“Additionally, we are pushing for measures to provide quality healthcare and legal assistance for personnel in the lawful performance of their duties,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Suportado rin umano ng Kamara ang AFP Modernization Program at ang pagpapa-unlad ng kabuuang defense posture ng bansa.


“We are also exploring resources to further strengthen archipelagic defense and international alliances in the face of modern-day security challenges,” sabi pa nito.


Kasabay nito ay nangako rin si Speaker Romualdez na lalagyan ng pondo ang mga lugar na naideklara ng communist insurgency-free.


“We in the House of Representatives are fully committed to supporting the peace-building efforts in recently cleared areas. To consolidate these gains, I will advocate for more infrastructure and barangay development projects, which are crucial for long-term stability,” saad pa nito.


Hinamon ni Speaker Romualdez ang mga lokal na opisyal, mula sa gubernador hanggang sa kapitan ng barangay, na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan at hindi bumalik ang rebelyon sa kanilang lugar.


“Rest assured, I will explore legislative measures to support this objective and exert efforts to convince our local executives in joining us for a whole-of-government approach in securing peace for our homeland,” wika pa nito.


Sinabi ng lider ng Kamara na kinikilala nito ang paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo sa pagtatanggol ng pambansang soberanya.


“Sa mga okasyong ito, naipapaabot namin - sampu ng mga kapwa nating Pilipino - ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo sa lahat ng inyong mga sakripisyo. Mga sakripisyong ginagawa ninyo para bantayan at seguruhin ang pambansang seguridad at soberenya,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang operational achievement ng SOLCOM sa ilalim ng pamumuno ni Lieutenant General Palafox. 


“Your success in neutralizing communist terrorists, dismantling guerrilla fronts, and capturing firearms from the enemy is a testament to your dedication and bravery. The surrender of NPA regulars, along with hundreds of supporters withdrawing from the CPP, shows that peace is achievable with perseverance and strategic coordination,” sabi pa nito.


Sinabi nito na ang SOLCOM ay hindi lamang sangkot sa paglaban sa paghihimagsik kundi maging sa pagpapatrolya sa mahigit 15,000 nautical mile at pagbabantay sa libu-libong sasakyang pandagat na pumapsok sa hurisdiksyon ng bansa.


“These actions strengthen our resolve in asserting sovereignty over Philippine waters,” giit pa nito.


Nangako si Speaker Romualdez sa SOLCOM na maghahanap ito ng dagdag na pondo upang matapos ang kanilang ipinatatayong imprastraktura gaya ng administrative building at iba pang support facilities.


“Sa madaling salita po, huwag kayong mag-alala. Sagot po namin kayo sa House of Representatives! Sama-sama at buong tapang po nating harapin ang hamon ng pambansang soberenya tungo sa mas maunlad at makabagong Pilipinas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.(END)