Thursday, September 19, 2024

Hajji Mabilis na na-terminate ang plenary deliberations para sa panukalang budget ng Presidential Communications Office sa susunod na taon.


Walang tumutol sa mosyon para tapusin ang debate sa 2.281 billion pesos na budget ng PCO na mas mababa ng 24.37 percent kumpara sa kasalukuyang pondo.


Ayon kay House Assistant Majority Leader Jil Bongalon na siyang sponsor ng budget, mahalaga ang PCO bilang lead communications arm ng gobyerno.


Kritikal aniya ang papel nito sa pagpapaabot ng mensahe  sa publiko alinsunod sa Executive Order Number 16, series of 2023.


Naniniwala naman si APEC Party-list Representative Sergio Dagooc na dapat ay mas malaki pa sana ang budget na inilaan sa PCO.

——————————

Anne Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang P254.115 bilyong panukalang budget ng Department of National Defense (DND) para sa 2025, matapos tapusin ng mga miyembro ng minorya ang kanilang interpellation sa unprogrammed funds at Balikatan exercises ng kagawaran. 

Paliwanag naman ni Rep. Aquino na ang nasabing pondo ay inilaan para sa procurement ng fiber system ng Armed Forces of the Philippines (AFP),na layong i-upgrade ang weapons and sensor systems ng mga military aircraft at sea vessels, pagbili ng mga bagong aircraft at iba pa.

Tinanong ni ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro dahil napansin nito na ang DND ay mayruong P10 billion continuing appropriations na madadagdagan sa susunod na panukalang P25 billion sa unprogrammed funds.

Kinuwestiyon din ni Castro ang palagiang pagsasagawa ng Balikatan exercises, kung saan naaapektuhan ang hanapbuhay ng mga mangingisda.

Sagot naman ni Aquino na may mga hakbang ng ginagawa ang defense department at AFP para hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda.

Pinasalamatan naman ni Aquino ang kaniyang mga kasamahan sa kanilang suporta para maaprubahan ang budget ng DND.


————————

Hajji "On track" pa rin ang gobyerno sa pangangasiwa ng pagkakautang laban sa laki ng kita para sa ekonomiya ng bansa.


Sa pagsisimula ng plenary debates sa general principles at provisions ng 2025 General Appropriations Bill, ikinabahala ni Camarines Sur Representative Gabriel Bordado ang plano ng pamahalaan na mangutang ng karagdagang 2.545 trillion pesos upang matugunan ang budget deficit.


Lalo pa kasi aniyang lolobo ang utang ng bansa na sa kasalukuyan ay nasa 15.69 trillion pesos.


Kasama ang gross borrowings sa panukalang 6.352 trillion pesos na national budget sa susunod na taon.


Pero paglilinaw ni Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Luz Quimbo, mas mahalagang tingnan ang debt-to-GDP ratio o kung gaano kalaki ang utang kontra kabuuang kita ng ekonomiya.


Ipinaliwanag ni Quimbo na manageable pa ang 60.9 percent na debt-to-GDP ratio ngunit kumpiyansa ang gobyerno na makakamit ang 56.3 percent pagdating ng taong 2028 basta't gagawing produktibo ang paggamit sa inutang na pera upang mapalaki ang kita.


Aminado naman ang kongresista na lampas pa rin sa pre-pandemic levels ang pagkakautang ng Pilipinas ngunit tiyak na makatutulong ang pinaigting na tax administration, modernization at collection efficiency.