Hajji Mariing pinabulaanan ng mga kongresista ang paratang ni Vice President Sara Duterte na "scripted" ang pagtalakay sa budget ng Office of the Vice President sa Kamara.
Sa isang recorded interview ay iginiit ni Duterte na minabuti niyang huwag nang dumalo sa budget briefing sa House Committee on Appropriations dahil planado na ang pagpapabagsak sa kanya at dalawang tao lang ang nasusunod sa pambansang pondo.
Pero sa pulong balitaan ngayong araw, nilinaw ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na magkakaiba ng pananaw ang mga kongresistang miyembro ng komite kaya malabong mayroong script writer sa pagdinig.
Pinuna rin ni Acidre ang panayam sa pangalawang pangulo na na kung susuriin ay scripted dahil nag-iisa ang interviewer, iisa ang set-up, hinati sa tatlong bahagi at itinaon pa sa budget briefing ang pagpapalabas.
Bukod dito, binigyang-diin ng mambabatas na malabo ang sinasabing pag-defund o gawing piso ang budget ng OVP dahil susundin ng Kamara ang Konstitusyon at titiyaking maipatutupad ang mandato ng tanggapan ni Duterte.
Gagawin umanong responsive sa mandato ng OVP ang ibibigay na budget kaya sisiguraduhing may resources pa rin ito.
Dagdag pa ni La Union Representative Paolo Ortega, si Duterte ang halatang may script dahil iisa at paulit-ulit lang ang sagot nito sa unang budget hearing ng Appropriations panel.
—————————
𝗠𝗮𝗿 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇
𝗦𝗘𝗣𝗧𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟰
𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗦𝘁𝗼𝗿𝘆
𝗤𝘂𝗮𝗱𝗖𝗼𝗺
__________________
𝗜𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝘂𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀 -𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗔𝗰𝗲 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗲𝗿𝘀
__________________
𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗗𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗗𝗿𝘂𝗴𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗔𝗰𝗲 𝗦. 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝘂𝗿𝗼 "𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀" 𝗼 𝘁𝘀𝗶𝘀𝗺𝗶𝘀 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗤𝘂𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗯𝗲𝗿𝘀𝗶𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘂𝘀𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮-𝗸𝗮𝗯𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲.
Ito ang ipinahayag ni Barbers sa kaniyang "opening statment" sa pagpapatuloy ng masusing pagsisiyasat ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kaugnay sa mga mahahalagang issue na naka-kulapol sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay sa testimonya ng mga resource persons.
Sinabi ni Barbers na sa mga nakalipas na pagdinig ng House Quad Committee sinikap aniya nilang ipakita at palabasin ang buong katotohanan hinggil sa mga kontrobersiyang iniimbestigahan nila kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), ang madugong war-on-drugs campaign at ang illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Pagdidiin pa ng kongresista na ang testimonyang isiniwalat at inilahad ng mga humarap na testigo sa Quad Committee ay isang direktang pahayag mula sa kanila batay aniya sa kanilang naging partisipasyon sa isang partkular na kasong sinisiyasat ng naturang Komite.
Paglilinaw din ni Barbers na ang lahat ng impormasyong inilalabas ng Komite alinsunod sa testimonya ng mga testigo ay metikulosong hinihimay at masusing sinusuri nila upang tiyakin na pawang katotohanan lamang ang lalabas sa kanilang imbestigasyon.
"Sa mga nakalipas na pagdinig, ipinakita namin sa inyo na ang mga nagpapahayag ng mga testimonya ay pawang mga taong may direktang kaalaman o partisipasyon sa mga bagay-bagay na isinisiwalat dito. Wala pong tsismis o Marites na lumalabas dito, wala pong hearsay. Lahat po ang inilalabas dito ay metikulosong hinihimay, sinasayasat at siguradong katotohanan lamang," pahayag ni Barbers.
Sabi pa ng mambabatas na noong simulan nila ang kanilang pagsisiyasat kaugnay sa Mexico, Pampanga drug bust. Hindi aniya nila aakalain na masyong malawak at laganap ang operasyon ng illegal drugs sa Pilipinas. Kung saan, inilarawan ni Barbers ang naturang kaso bilang "tip of the iceberg".
"When we started hearing the Mexico, Pampanga drug bust. We never thought that it would grow this big. What we hit was but the tip of the iceberg. Where this ends is a situation we are all prepared to face, yet dread. We have opened a pandora's box, so to speak," dagdag pa ni Barbers. 30
————————-