Wednesday, August 21, 2024

 RPPt Young Guns binalikan si VP Sara sa patutsada sa baha



Binalikan ng dalawang miyembro ng Young Guns si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kanyang mga patutsada sa pagbaha sa Davao City.


“Tama si Senate President Chiz (Francis) Escudero. Ang tagal niyo nang nakaupo at namumuno diyan, di niyo nasolusyonan ang problema ng pagbaha sa inyong lugar,” ani Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.


Ang tinutukoy ni Acidre ay ang naging pahayag ni Escudero bilang reaksyon sa sinabi ni VP Duterte na walang flood control masterplan ang administrasyong Marcos.


“What is perplexing is her (VP Duterte) questioning the absence of a flood masterplan two years into the administration of PBBM (President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.) after the previous administration had six years to develop one, but was unable to do so,” sabi ni Escudero.


“The vice president, like every Filipino, has the right to point out the problems confronting our countrymen. Unlike ordinary citizens, however, she can suggest or do something tangible about them using her position, resources, and platform,” sabi pa ng Senate President.


Ayon kay Acidre dapat ay natugunan na ng mga Duterte ang problema ng pagbaha sa Davao City dahil sa tagal nila sa puwesto.


“Anim na taon na nakaupo si PRRD (former President Duterte) sa Malakanyang. Matagal siyang nanungkulan bilang mayor ng Davao City, nagpalit-palitan sila ng mga anak niya. Nanungkulan din siya at anak niya bilang congressman. Eh dapat naayos nila ang problema sa baha sa lugar nila,” sabi ni Acidre.


Ayon naman kay Rep. Rodge Gutierrez, ng 1-Rider Party list, nasa posisyon si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na tugunan kung ano ang nangyari sa flood control fund na napunta sa kanyang distrito.


“May P51-billion funds na naibigay sa distrito ni Cong Pulong sa loob ng tatlong taon, anong nangyari? Napakalaking amount po ito. For context, P244.6-billion po ang pondo for flood control in 2024. Para sa buong bansa na po iyon." tanong ni Gutierrez.


Batay sa mga ulat, ang public works and highways secretary ng administrasyong Duterte at ngayon ay Sen. Mark Villar, umano sa 1,833 proyekto ang nai-award ng administrasyong Duterte mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2018 o 60 proyekto kada araw.


Kasama sa mga proyektong ito ang flood control systems, kalsada, tulay, eskuwelahan, irigasyon, power at water facilities.


“Sumunod po ba ito sa isang Flood Control Masterplan? Kung hindi nakasama diyan ang Davao City at iba pang parte ng Mindanao, dapat sila po siguro ang magpaliwanag sa mga kababayan nating DavaoeƱo at Mindanaoan,” dagdag pa ni Gutierrez. (END)