Thursday, August 08, 2024

 RPPt Trabaho lang, walang pamumulitika sa quad-comm probe sa EJK, POGO, ilegal na droga



Wala umanong halong politika ang isasagawang quad committee investigation kaugnay ng extrajudicial killings noong administrasyongDuterte, iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at bentahan ng iligal na droga.


Ayon kina Antipolo City Rep. Romeo Acop, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Manila Rep. Bienvenido Abante,  walang kinalaman ang politika sa pinag-isang imbestigasyon ng kongreso ng quad committee.


Ang imbestigasyon ay isasagawa ng Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Barbers, ang Committee on Human Rights ni Abante, Committee on Public Order and Safety ni  Rep. Dan Fernandez, at ang Committee on Public Accounts na pinamumunuan naman  Rep. Joseph Stephen Paduano.


“We are not into that business, yung magkaroon ng or sasali kami sa isang political squabble. No. We are here to do our job,” ayon kay Acop, na kung hindi vice chair ay miyembro ng komiteng bumubuo sa quad comm, nang tanungin kung may kinalaman ang politika sa imbestigasyon.


“And our job is to find out if the laws we have enacted in Congress are properly implemented by the Executive. We enact laws, the Executive will implement these laws,” saad pa ni Acop. 


Nauna ng sinabi ng mga mambabatas na kanilang iimbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bato Dela Rosa sa imbestigasyon ng quadcomm.


Tiniyak din nina Acop at Barbers na bibigyan ng pinakamataas na paggalang ang mga resource persons, kabilang na sina Duterte at Dela Rosa, kung magpapasya silang dumalo sa mga pagdinig ng kongreso.


“Yung aming mga iniimbitahang resource persons … will help the committee in crafting legislation. Ngayon, of course, we want to invite people who are in the know. Yung may pagkakaalam, ‘yung mayroong wisdom na pwedeng makatulong sa amin,” ayon kay Barbers. 


“And if any of the committees will deem it proper to invite the former president or any resource persons for that matter, as long as makakatulong, bakit hindi? Gaya ng sinabi ni Chairman Acop, karapatan din po nilang tumanggi and we respect that,” dagdag pa nito.


Itinanggi rin ni Barbers na ang imbestigasyon ng quad comm ay isang political persecution.


“Hindi ito politika, hindi ito related sa political persecution. Ginagawa lang po naming ang trabaho namin nang sa ganun ay maiayos natin yung mga ahensiya ng gobyerno at mga kawani ng gobyerno na tiwali, pumapasok sa mga kalokohan,” ayon pa sa mambabatas.


“Kailangan tingnan din kung ang batas ang pwedeng gawin ng Kongreso dahil nakita natin kung itong problemang ito ay hindi ma-solve ngayon at ito ay mapabayaan, lalaki ito. Kawawa ang mga anak ninyo at mga apo natin,” saad pa nito.


Ayon sa mga mambabatas, layunin ng Kamara na imbestigahan ang mga isyung may kinalaman sa mga nabanggit na insidente, na nagkataon namang naganap sa nakalipas na administrasyon.


“The previous administration might have triggered this investigation. It's continuing on kaya nga nag-iimbestiga kami so that makapagcraft kami ng legislation to put a stop to the alleged criminal organization that had happened,” ayon kay Abante. 


“It’s continuing on eh, hindi naman ito talaga politiko. Actually, (we are) trying to stop what has been happening for a number of years,” dagdag pa ng mambabatas. (END)