RPPt Pagtaas ng rating ni Speaker Romualdez, patunay ng dedikasyon nito sa serbisyo publiko
Pinuri ng kanyang mga kapwa mambabatas si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos makapagtala ng 16 porsiyentong pagtaas ang performance rating nito ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Ang pagtaas ng rating ni Speaker Romualdez ay patunay umano ng magandang uri ng pamumuno na napagkukuhanan ng pag-asa at katatagan sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., si Speaker Romualdez ay isang tunay na lider na nauunawaan ang pulso ng mamamayan.
“Speaker Romualdez has been a guiding light for the House of Representatives and the Filipino people,” ayon kay Gonzales, ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.
“His leadership is not just about passing laws; it’s about understanding the needs of every Filipino and translating that into meaningful action. The rise in his satisfaction rating is a reflection of the trust and confidence that our country has in his vision and his heart,” sabi pa ni Gonzales.
Isinagawa ang survey mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents na pawang edad 18 pataas. Ang survey ay may ±2.5% margin of error.
Ayon sa survey ng SWS, 53% ang nasiyahan sa performance ni Speaker Romualdez habang 24% ang hindi nasiyahan o net rating na 29 porsiyento, tumaas ng 16 porsiyento kumpara sa 13 porsiyento na naitala nito sa survey noong Marso 2024.
Sinabi naman ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez na ang pagtaas ng rating ay isang katunayan ng matatag na dedikasyon ni Speaker Romualdez sa serbisyo publiko.
“We have witnessed firsthand how Speaker Romualdez works tirelessly, often behind the scenes, to ensure that the voices of the people are heard and acted upon. His commitment goes beyond politics—it's deeply personal,” ayon kay Suarez.
Sinabi pa ng mambabatas mula sa Quezon, na dinadala ni Speaker Romualdez ang pag-asa at pangarap ng sambayanan, at ipinapakita ng pinakahuling survey na nararamdaman ng taumbayan ang kanyang sinseridad at hangarin na magdala ng pagbabago.”
Sinabi naman ni Majority Leader Manuel Jose 'Mannix' M. Dalipe na hindi lamang ang paggawa ng batas ang ambag ni Speaker Romualdez sa bansa kundi maging ang pagtulong sa mga karaniwang Pilipino upang maibsan ang paghihirap ng mga ito.
“Speaker Romualdez has been more than just a leader; he’s been a champion for those who often feel forgotten,” ayon pa sa mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Zamboanga City.
“His ability to connect with people from all walks of life and push for legislation that truly matters to them is what sets him apart. The survey is more than just numbers—it’s a testament to the Speaker’s genuine care for our people,” ayon kay Dalipe.
Tiniyak pa nina Gonzales, Suarez, at Dalipe ang patuloy na suporta kay Speaker Romualdez, sa ilalim ng kaniyang paggabay bilang pinuno ng 300-mga kinatawan ng Kamara de Representantes.
Ayon pa sa mga mambabatas, ang mga lider na ito ng Kamara ay nagkakaisa upang tulungan si Speaker Romualdez na gabayan ang bansa patungo sa isang mas maliwanag at mas inklusibong kinabukasan.
Muli ring pinagtibay ng mga mambabatas ang kanilang pangako na tiyakin na ang lehislatibong agenda sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay patuloy na magbibigay-diin sa kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na sa mga pinaka-nangangailangan.
“Speaker Romualdez is not just leading us—he’s inspiring us. And that inspiration is something we all feel, something that drives us to serve our country with the same passion and purpose he brings every day,” ayon kay Gonzales.
Ayon pa sa SWS survey, ang net satisfaction na nakuha ni Speaker Romualdez ang pinakamataas sa Visayas na naitala sa +36, sinundan ng Balance Luzon na may +32, Metro Manila na may +27, at Mindanao na may +20.”
Kung ikukumpara sa survey noong Marso 2024, tumaas ang net satisfaction ng lider ng Kamara ng 22 puntos sa Mindanao, mula sa ‘neutral’ na -2 na naging ‘moderate’ na +20. Sa Balance Luzon, tumaas ito ng 18 puntos, mula +14 ay naging +32. Sa Visayas ay naitala ang 14-puntos pagtaas mula +22 ay naging +36, at ang Metro Manila ay tumaas ito ng 5 puntos, o mula +22 ay naging +27 porsyento. (END)