RPPt Pag-ugnay sa politika ng pagbawas sa security detail ni VP Sara itigil na— solon
Dapat umanong itigil na ang pag-ugnay sa pulitika ng ginawang pagbawas sa security detail ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio ang pagbawi ng Philippine National Police (PNP) sa mga nakakalat na tauhan nito ay isang operational prerogative at ang pag-ugnay nito sa pulitika ay hindi nakakatulong sa bansa.
“Huwag iyong puro politika. Konting galaw isisisi agad, konting mangyari, lalagyan ng malisya. There’s this presumption of regularity na ginagawa ng PNP ang tama. They’re not political institutions, they’re for the peace and order of not just politicians but for the peace and order ng mamamayang Pilipino,” sabi ni Dionisio.
Matatandaan na tinuligsa ni VP Duterte si PNP Chief Rommel Marbil dahil binawasan ng 75 ang mga pulis na nagbabantay sa kanya. Bukod sa natirang mahigit 30 pulis si VP Duterte ay binabantayan din ng iba pang law enforcers.
“It's not always political eh. Kapag ka mayroon nangyaring ganon, nandiyan ang Presidential Security Group who’s really tasked to protect yung president and the vice president. Also, yung PNP natin is there to support yung protection ni VP Sara,” sabi ni Dionisio sa isang press conference sa Kamara de Representantes noong Miyerkoles.
“And it's not like talagang wala na siyang security, meron parin naman. And how many security does one need? Only the PNP can answer that question and I think ang ating Chief PNP is really doing his job, seeing where best to deploy our police forces,” dagdag pa nito.
“At the end of the day, the VP is secured. We wish her well doon sa bakasyon niya rin na much-needed break na pinuntahan niya. We hope that she gets to rejuvenated and enjoy her much-needed break.”
Matatandaan na inilabas ng kampo ni VP Duterte ang isyu matapos na umani ng batikos ang ginawa nitong pagbabakasyon sa Germany kasama ang kanyang asawa at mga anak habang ang Pilipinas ay niraragasa ng bagong Carina.
Ipinunto naman ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na nagsalita na ang Presidential Security Group (PSG) na kaya nitong protektahan ang Bise Presidente.
“Number one, I think the PSG has just issued a statement that there should be no concern regards the protection of the vice president. Number two, I've been following the issue at base naman po sa statements ng PNP, may basis po sila doon sa recall order,” ani Suarez.
“I'm sure the PNP and the PSG will be steadfast in making sure that nothing untoward will happen. So, it’s nothing more than that, I think you know, we're just making a mountain out of a molehill,” dagdag pa nito.
Nagbigay naman ng pahayag si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa sinabi ni Sen. Bong Go na binawasan din ang mga pulis na nagbabantay sa kanya.
“Mabuti pa siya may security,” saad ni Barbers. “For us politicians who travel from one province to another, minsan naman po nagko-coordinate tayo sa local police eh. We cannot bring along all the police force to guard you everywhere you go, di ba. Hindi dapat ganun.”
“Kaya nga dapat iyong ganung kultura mawala iyon eh. Because as the PNP has stated mas kailangan ang visibility ng pulis duon sa mga area where crimes are prevalent, where crimes are ika nga eh nangyayari,” sabi pa ng solon.
“Ngayon securing politicians is also one of the tasks of the PNP, but in this case we cannot tag along everybody we want to tag along everywhere we go. Kung mabawasan tayo, so be it. Ang importante ang ating Pangulo, ang Bise-Presidente, ang ating Chief Justice, ang ating Speaker, ang ating Senate President. Under the constitution sila lang po iyong may allowed na merong ganyang klaseng mga security escorts,” dagdag pa ni Barbers. (END)