Wednesday, August 21, 2024

 RPPt Malaking pagbagsak sa rating ni VP Sara, replekasyon ng uri ng kanyang pagtatrabaho— Young Guns



Naniniwala ang mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na ang pagbaba ng 19 porsiyento ng satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte ay replekasyon ng uri ng ipinapakita nitong pagtatrabaho.


Sa isang press conference nitong Lunes, Agosto 12, sinabi nina House Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Paolo Ortega V (La Union), at Jil Bongalon (Ako Bicol Partylist) na hinuhusgahan ng taumbayan ang mga opisyal ng pamahalaan batay sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.


“Kasi iyong survey is also how the public responds to the performance eh … It’s actually a grading system po iyong survey na iyan. It’s the people’s grading system,” sabi ni Adiong.


“So, if there’s a decline, it means to say is that the people are dissatisfied,” dagdag pa nito.


Sabi pa ni Adiong na ang pagbaba sa rating ni VP Duterte ay maaaring naapektuhan ng kaniyang posisyon sa iba’t ibang isyung na may kinalaman sa mamamayang Pilipino.


“People really are asking what would be her position on matters that matter to them. Sinabi ko nga WPS, etc. So, ultimately, it boils down to the people’s perception whether you are really indeed an official that really caters or do your services, offer your services for the betterment of the public,” wika ni Adiong.


“So ganoon lang po iyong position ko diyan. Tulad po ni Speaker Martin Romualdez, nakita iyong performance niya for the past two years, naturally people are satisfied with it. So iyon lang po very simple lang po para sa akin, it’s how the people grade you, grade their public officials,” sabi pa niya.


Sa pinakahuling SWS survey, umangat ng 16 na puntos ang satisfaction ratings ni Speaker Martin G. Romualdez, habang bumulusok naman ng 19 na puntos ang net rating ni VP Duterte.


Ayon kay Ortega ang pananahimik ni VP Duterte sa mga mahahalagang isyung pang nasyunal at internasyunal ay posibleng naka-apekto rin sa kaniyang satisfaction ratings.


“Her silence on important issues, national issues and international issues … may effect talaga iyon sa pag-dip ng numbers. It’s about time that she addresses the concerns and certain issues. Baka iyon po ang isa po na rason kung bakit bumababa po iyong numbers,” sabi ni Ortega.


Dagdag naman ni Bongalon, “Well basically, we as public officials, we are being rated based on our performance, based on our attitude, based on our leadership skills …” 


“So, probably doon po sa mga aspetong iyon kaya po siguro bumaba talaga ano iyong kanya pong rating nito pong recent survey. So as mentioned, iyong kanya pong silence sa mga issues of national and international concerns, iyon pong kanyang pag-alis sa ating bansa noong kasagsagang Bagyong Carina, so hindi po natin nakita na tumulong or gumawa ng aksiyon ang ating VP,” ani Bongalon.


“So those factors contributed to the significant effect na kung bakit bumaba po talaga ang naging rating po ni VP. So, again, binabase po ang ating rating sa atin pong performance at kung ano ang kanyang mai-o-offer na solution because recently ang lagi po nating naririnig sa kanya ay mga reklamo laban sa mga programa at polisiya ng atin pong administrasyon,” dagdag pa niya.  (END)