Saturday, August 10, 2024

 RPPt House leaders tiwala na matatapos ng Kamara panukalang 2025 national budget bago ang break ng sesyon sa Oktubre



Tiwala ang mga lider ng Kamara de Representantes na matatapos ang panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon bago ang break ng sesyon sa Oktubre, gaya ng ipinangako ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Ayon sa mga lider ng Kamara nadagdagan din ang panahon ng pagtalakay nito sa panukalang badyet dahil isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2025 National Expenditure Program (NEP) tatlong linggo bago ang deadline.


Sa isang pulong balitaan nitong Martes, kapwa binigyang diin nina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe at Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang kahalagahan na magkaroon ng timeline na susundin ang Kamara upang hindi rin kulangin ang oras ng Senado na maipasa ang panukalang pondo bago matapos ang taon.


"Every budget process is very challenging. As much as possible, we want to work on deadline and transmit it before the October break,” sabi ni Dalipe.


“Our counterparts in the Senate also have to work on it, so we are aiming to approve the House General Appropriations Bill (GAB) on third reading by the third or fourth week of September,” dagdag ng kinatawan ng ikalawang distrito ng Zamboanga City.


Batay sa legislative calendar, ang Kongreso ay naka-recess mula Setyembre 28 hanggang Nobyembre 3.


Sabi ni Dalipe na ang epektibong pagganap ng chairman at mga vice-chairperson ng House Committee on Appropriations at ang aktibong pakikibahagi ng minorya sa pagtalakay sa pambansang pondo ang nagbibigay ng kumpiyansa sa kanila na matatapos ang deliberasyon sa itinakdang petsa.


“Yesterday, we received copies of the NEP, and all Congress members are now very busy. They are reviewing each agency's budget as we tackle it next week," ani Gonzales, na kinakatawan ang ikatlong distrito ng Pampanga.


Isinumite ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.—sa pamamagitan ng DBM—ang P6.352-trillion NEP isang linggo matapos ang pagbubukas ng sesyon ng Kongreso noong Hulyo 22. Ayon sa Konstitusyon ang NEP ay dapat isumite ng Pangulo sa Kongreso sa loob ng isang buwan mula sa pagbubukas ng regular session.


"We congratulate the PBBM administration for submitting it three weeks ahead of schedule. With that, we can start the ball rolling," wika ni Dalipe.


"The instruction of the House leadership is for the Committee on Appropriations to start with the budget briefings without any delay. By next week, we will begin the budget briefing of the 2025 NEP,” pagbabahagi pa nito.


Sa susunod na linggo ay inaasahang isasagawa na ang briefing ng Development Budget Coordinating Council (DBCC), na kinabibilangan ng DBM, Department of Finance, at iba pang mga ahensya na kasama sa pagbuo ng pondo.


“We will not delay things. We are eager to start deliberation, and the members of the House are ready to scrutinize the proposed budget presented by President Bongbong Marcos," ani Dalipe.


Pinuri rin ni Gonzales ang importansya ng maagang pagsusumite ng NEP. "As far as I know, this is the first for the President to submit the budget three weeks ahead. I would like to congratulate our President, Ferdinand Marcos Jr., and our Speaker.”


“The early submission allows us to start the briefing on Monday with the DBCC, chaired by Chairman Zaldy Co. We will scrutinize the budget thoroughly,” dagdag pa ni Gonzales. (END)