Thursday, August 08, 2024

 RPPt Hamon ng Young Guns kay VP Sara: Sagutin ang mga isyu, gampanan ang tungkulin 



Nanawagan ang dalawang pinuno ng Young Guns ng Kamara de Representantes kay Vice President Sara Duterte na tigilan na ang ginagawang pag-iwas sa mga isyu at hinamon ito na sagutin ang mga kritisismo kaugnay ng kanyang pagbabakasyon sa Germany sa kabila ng pananalasa ng bagyong Carina.


Ayon pa kina Zambales Rep. Jay Khonghun at La Union Rep. Paolo Ortega V, dapat ding sagutin ng Bise Presidente ang mga isyu gaya ng ginawa nitong paggamit ng P125 milyong halaga ng confidential funds na naubos sa loob ng 11 araw, at ang mga kaso ng extrajudicial killings sa Davao.


Ginawa nina Khonghun at Ortega ang pahayag bilang reaksyon sa open letter ni Duterte sa mga Pilipinong Muslim, kung saan binanggit niyang walang patutunguhan ang bansa.


“Ma’am, kayo po ang wala sa bansa nang bayuhin ng super typhoon Carina ang mga Pilipino. Nasa bakasyon po kayo,” ayon kay Khonghun. “Please naman po do your duty as the country’s No. 2 official.”


“The last we heard from her was when she left with her entourage at the height of super typhoon Carina, while the President and all of us were preparing for the storm’s onslaught,” sabi naman ni Ortega.


“Hanggang ngayon hindi ipinapaliwanag ni Ma’am Sara sa mga tao kung papaano niya nagastos ng 11 days ang P125 million confidential funds,” ayon sa mambabatas mula sa Zambales.


“May issue rin ng extra-judicial killings noong mayor kayo, ang tahimik nyo?” tanong pa ni Ortega.


“Tama na po ‘yung reklamo mam. Magtrabaho po tayo at tulong-tulong tayo para mapaunlad ang bansa,” ayon pa kay Ortega.


“I am appealing to our Muslim brothers, and our countrymen in general, to take the contents of Ma’am Sara’s letter with a grain of salt,” ayon pa sa mambabatas mula sa La Union.


Ipinunto ni Ortega na si Duterte ang nagpalaki ng isyu kaugnay ng pagbawas ng 75 sa kanyang mga security detail.


“It now turns out that she still has more than 400 security personnel,” dagdag pa ni Ortega. (END)