RPPt Angkop na pondo para sa mga ahensya na nagtatanggol sa teritoryo ng bansa tiniyak
Tiniyak ng mga lider ng Kamara de Representantes na bibigyan ng angkop na pondo sa ilalim ng panukalang P6.352 trilyong pondo para sa susunod na taon ang mga ahensya ng gobyerno na siyang dumedepensa sa teritoryo ng bansa kasama na ang West Philippine Sea gaya ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang babalangkasing badyet ng Kamara de Representantes ay naaayon sa mga inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA).
“The policy is always being set by the President and we take guidance from his SONA, and everyone in the House (of Representatives) knows how the President gives importance on defending our national territory and integrity,” ani Dalipe.
“So, we in the House of Representatives take cue from the pronouncement of President Bongbong Marcos and no doubt, I think each member of the majority bloc would be in full support of the President in giving more support to the Philippines Coast Guard and all other agencies that would help protect … especially our fisherfolks in the West Philippine Sea,” dagdag pa nito.“So, susuportahan po namin yung pronouncement ni Presidente.”
Sa susunod na linggo ay inaasahang sisimulan na ng Kamara ang deliberasyon sa panukalang 2025 national budget na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara noong Lunes.
Ayon naman kay Gonzales ilang beses ng sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyan ng pondo ang PCG gayundin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
“In addition ano, we were in Masinloc I think two months ago, one of our topics and discussions is to increase the budget of the Philippine Coast Guard and the BFAR as far as the fisherfolks are concerned,” sabi ni Gonzales.
“So, ‘yun po ‘yung napag usapan. Palagay ko po, on our budget deliberation, we will tackle that issue and I understand na Congressman [Jay] Khonghun was the one who asked that and the issue of his kababayan in Zambales and of course, the West Philippine Sea,” dagdag pa nito. (END)