RPPt 2 lider ng Kamara hinikayat si dating Pangulong Duterte na hayaan ang kapulisan na gawin ang kanilang mandato, protektahan law enforcement sa insidente sa KOJC
Nanawagan ang mga lider ng Kamara de Representantes ngayong Lunes kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hayaan ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng isang valid na arrest warrant laban sa kaibigan nitong si Pastor Apollo Quiboloy at paharapin ito sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa korte.
Ipinagtanggol nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Deputy Majority Leader Jude Acidre ang lehitimong operasyon ng PNP sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City, at hinikayat si Duterte na igalang ang batas at tungkulin ng kapulisan.
Pinasok ng pulisya ang KOJC compound para ihain ang warrant of arrest na ipinalabas ng mga korte laban kay Quiboloy at iba pang akusado sa kasong child abuse, sexual abuse at qualified human trafficking.
Nauwi sa komprontasyon ang operasyon kung saan may isang miyembro ng KOJC ang nasawi dahil sa atake sa puso.
Dahil dito tahasang tinuligsa ng dating Pangulo ang PNP at nagpahayag ng simpatya sa mga miyembro ng KOJC na aniya'y biktima ng political harassment, persecution, karahasan, at pagmamalabis sa kapangyarihan
“Former President Duterte, as a former chief executive, you understand better than anyone the importance of law enforcement in upholding justice. Our police officers were enforcing a legitimate court order, and they should be allowed to do their job without undue interference,” ani Gonzales.
“Your recent remarks risk undermining the integrity of our justice system and could set a dangerous precedent where the rule of law is overshadowed by political rhetoric,” pahayag ni Gonzales kay Duterte.
Iginiit ng kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga na ang aksyon ng PNP ay naaayon sa batas at kinakailangan para sa pagpapanatili ng kaayusan.
“The PNP acted in accordance with a lawful court directive. To suggest otherwise is not only misleading but also harmful to our democratic institutions. We cannot afford to erode the public’s trust in our legal processes,” punto pa ni Gonzales.
Binigyan-diin naman ni Acidre na walang mas nakatataas sa batas maging ano man ang posisyon o lawak ng impluwensya nito.
“Pastor Quiboloy is a fugitive facing serious charges, and the PNP was simply fulfilling its duty to enforce the law. It’s imperative that we allow our law enforcement agencies to operate without political interference,” ani Acidre.
Saad pa niya, “Former President Duterte, your defense of Quiboloy only serves to cloud the issue. The law must apply to everyone equally, and any attempt to shield someone from justice sets a dangerous example.”
Nagbabala rin si Acidre sa posibleng epekto ng mga pahayag ni Duterte na maaaring mauwi sa pamomolitika sa pagpapatupad ng batas.
“Law enforcement must be impartial and free from political influence. By questioning the PNP’s actions in this case, you are risking the politicization of our police force, which could lead to a breakdown in the rule of law,” wika pa niya.
Kapwa nanawagan sina Gonzales at Acidre sa publiko at lahat ng political leaders na suportahan ang PNP sa kanilang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
“We urge everyone, including former President Duterte, to stand with our police officers as they perform their duties. They are the front line in our fight to uphold justice, and they deserve our full support,” ani Acidre.
Pagpapatuloy pa ng mambabatas: “Justice must be served, and it must be served fairly and without obstruction. Let us all commit to supporting our law enforcement officers as they work to ensure that the law is applied equally to all.” (END)