NAKAPWESTO NA UMANO ANG RAPID RESPONSE TEAM NG OVERSEAS WORKER WELFARE ADMINISTRATION O OWWA AT DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS O DMW SA LEBANON.
ITO AY KASUNOD NA RIN NG LUMALANG TENSYON SA PAGITAN NG ISRAEL AT GRUPONG HEZBOLLAH.
AYON KAY OWWA ADMINISTRATOR ARNEL IGNACIO, MALIBAN SA HANDA NA ANG KANILANG MGA TAUHAN SA LEBANON, MAYROON NA RING DAGDAG NA PONDO PARA MAGAMIT KAAGAD SA ISASAGAWANG REPATRIATION MAPA-HIMPAPAWID, LUPA O DAGAT MAN.
SANAY NAMAN UMANO ANG OWWA MAGING ANG DMW SA GANITONG MGA SITWASYON AT HANDANG HANDA NA SILA SAKALI NA KAILANGAN NG IBALIK SA PILIPINAS ANG MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS.
SA KASALUKUYAN, UMAABOT UMANO SA LABING ISANG LIBONG MGA FILIPINO ANG NAMAMALAGI AT NAGTATRABO SA LEBANON.
PERO SA PINAKAHULING TALA NG OWWA, AABOT LANG SA 738 NA OFWS ANG NAGPAHAYAG NG KAGUSTUHAN NA MAISAMA SA REPATRIATION.
SINABI PA NI IGNACIO NA MAYROON PANG ILAN ANG NAGDADALAWANG ISIP KUNG SASAMA O AATRAS SA REPATRIATION.
TINIYAK NAMAN NG OWWA AT DMW NA MAYROONG MGA TULONG AT PROGRAMA NA ILALAAN SA MGA OFWS NA UUWI SA PILIPINAS DAHIL SA KAGULUHAN SA LEBANON.