Lalong ginanahan ang Kamara de Representantes na gumawa at magpasa ng mga batas na makakatulong sa pagpapasigla pa ng ekonomiya ng bansa kasunod ng pagtaas sa A- ng credit rating ng Pilipinas mula sa Japan-based Rating and Information Inc.
Una nang ikinatuwa ni President Ferdinand Marcos Jr. na ibalita ang pagtaas ng credit rating ng Pilipinas sa A- mula sa BBB+ noong 2023—“highest to date” para sa bansa, ayon sa Pangulo.
Ang magandang balitang ito ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 6.3 porsiyento ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ng 2024.
“Pero gaya ng sinabi ko na, dapat maramdaman ng ating mga kababayan ang paglago ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng tulong at malaking pondo para sa edukasyon, kalusugan, sa kanilang mga pangangailangan,” ani Romualdez.
Paliwanag ng House Speaker, ang pagtaas ng credit rating ay nangangahulugan na mas maliit na ang interes na ipinapataw sa utang ng Pilipinas kaya nakakatipid sa interest payments at mas lalaki na ang pondong magagastos sa mga programa at serbisyo para sa mga Pilipino.