Allan HINILING NI HOUSE SENIOR DEPUTY SPEAKER AURELIO DONG GONZALES, JR. KAHAPON SA ISANG PRIVILEGE SPEECH NA IMBESTIGAHAN ANG MGA NANGYARING EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, ILEGAL NA DROGA AT ILEGAL NA AKTIBIDAD NG MGA PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS O POGO NOONG NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE.
IMINUNGKAHI NI GONZALES ANG PAGSASAGAWA NG ISANG JOINT COMMITTEE HEARING SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA PAGSAMA-SAMAHIN ANG MGA NABANGGIT NA MGA PANGYAYARI UPANG MAPADALI ANG INVESTIGATION NG MGA ITO.
DAHIL DITO, DAPAT NA MAGSAMA-SAMA SA JOINT INVESTIGATION ANG HOUSE COMMITTEE ON HUMAN RIGHTS, COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND SAFETY, COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS AT COMMITTEE ON PUBLIC ACCOUNTS.
INI-REFER ANG NATURANG MUNGKAHI SA COMMITTEE ON RULES UPANG MADETERMINA KUNG PAPAYAGAN NG KAMARA ANG PAGSASAGAWA NG JOINT INVESTIGATION.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO