Hajji Isusulong ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang paglalaan ng mas malaking budget para sa Bureau of Fire Protection o BFP.
Ayon kay Arroyo, apat na bilyong piso ang nakokolekta ng BFP kada taon mula sa fire safety fees ngunit isang bilyong piso lamang ang automatic appropriations na napupunta sa ahensya.
Dahil dito, ipapanukala ni Arroyo sa Kamara na gawing 50 percent ang makukuhang automatic appropriation ng BFP mula sa fire safety fees.
Masalimuot aniya ang budget process at mahirap ang magdagdag ng pondo kung walang mapagkukunan.
Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program, mula sa kabuuang budget ng DILG ay 31 billion pesos ang ilalaan sa BFP.
Kasabay nito, kinilala naman ni Arroyo ang mahalagang papel ng BFP sa pagtitiyak ng kaligtasan sa komunidad at pagiging katuwang ng national government agencies.
Sa katunayan, sinabi ng dating pangulo na malaki ang naitulong ng BFP sa DSWD sa paghahanda ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Carina noong nakaraang buwan.