Hajji Inihain ni House Deputy Speaker Camille Villar ang panukalang batas na layong palawigin ang validity ng orihinal at renewed certificates of registration ng mga sasakyan mula sa kasalukuyang validity period.
Sa ilalim ng House Bill 10696 o ang "Extended Motor Vehicle Registration Act of 2024", makatitipid sa oras at resources ang mga may-ari ng mga sasakyan at motorsiklo sa pag-renew ng registration taun-taon.
Ipinunto ni Villar na nauunawaan nito ang problema ng motor vehicle owners na dumadagsa sa Land Transportation Office renewal centers kada taon para mag-renew ng rehistro .
Sakaling maisabatas ay mababawasan umano ang administrative costs ng gobyerno sa pangangasiwa ng annual registrations.
Itatakda na sa limang taon ang validity ng certificates of registration ng brand-new na sasakyan at tatlong taon sa bagong motorsiklo.
Para naman sa renewal ng rehistro, tatlong taon na ang magiging validity period ng sasakyan na lima hanggang pitong taon nang ginagamit; dalawang taon para sa walo hanggang siyam na taon ang tanda; at isang taon para sa sampung taon pataas.
Samantala, sa mga motorsiklo na tatlo hanggang pitong taon nang tumatakbo ay dalawang taon ang validity ng renewal at isang taong validity para sa walong taon pataas.